Cupid..
Ang diyos ng pag-ibig na napana ang sarili at umibig sa isang mortal na si Psyche, si Psyche na kinainggitan ng ina ni Cupid na si Aphrodite dahil sa sobrang kagandahan nito, nagalit si Aphrodite kay psyche dahil ang atensyon ng mga kalalakihan ay napunta na rito at nakalimutan na ang dyosa.
Ang galit at inis ni Aphrodite ang dahilan kung bakit nya inutusan si Cupid para panain si psyche na mahalin ang pinakanakakatakot at pinakapangit na halimaw sa buong mundo, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, sa unang beses na nasilayan ni Cupid ang kagandahan ni Psyche, hindi sinasadyang napana nito ang kanyang sarili at umibig sa dalaga.
Marami silang pagsubok na pinagdaanan bago sila tuluyang sumaya at walang nakapigil sa kanila, sa huli sila ay ikinasal at ganap na naging dyosa si Psyche.
Cupid at Psyche, ang Diyos ng pag ibig at ang Dyosa ng kaluluwa.
Kuwentong tungkol sa Love at first sight at love conquers all..
Isang bagay na hindi kapanipaniwala.
Sinong tao ang magmamahal sa unang pagtingin pa lamang? Kailan pa tumibok ang mata?
Ako si Cupid. Cupid Abcde Lopez. Nakakatawa mang isipin pero yan ang pangalan ko at ang mas nakakatawa, hanggang pangalan ko lang yan dahil hindi gaya ni Kupido, hindi ako naniniwala sa pag-ibig.
Bakit pa? Magmamahal pa ba ako kung sarili ko nga hindi ko magawang mahalin?
It’s hard being attached. Hindi ako duwag pero ayaw ko lang talagang magmahal.
Magtitiwala ka tapos sasaktan ka, lahat ng nagmamahal, iniiwan.
“Hoy, Kupido.” napatingin ako sa tumawag saakin. Tss.
“Himala atang nakikinig ka sa discussion?” may patawa tawa pa niyang sabi.
Tinitigan ko sya.
Si Kulog, Zeus Thunder Anderson. Kababata ko at nag iisang kaibigan na meron ako. Sya lang ang nakakatiis sa ugali kong ito.
“Manahimik ka nga dyan Kulog.” Yun na lang ang sinagot ko at bumalik sa pakikinig.
Hindi naman talaga ako nakikinig, wala lang talaga akong magawa, ayaw kong matulog dahil kagigising ko lang, ayaw kong mag cutting class ngayon dahil makikipag basag ulo lang nanaman ako sa labas.
Napatingin na lang ako sa bintana.
May mga naglalaro ng volleyball at.. Si Psyche ba yun?
Psyche Uoiea Anderson, kapatid nitong si Kulog na nasa lower grade, kung itatanong kung anong tingin ko sa kanya? Mmm..
Morena, tama lang ang tangkad, balingkinitan, nakakaakit ang mga mata, matangos ang ilong, red lips.
Oo, maganda sya pero mahina naman, sya yung tipo ng tao na kailangan laging may umaalalay, laging may karamay. Pero tignan mo ngayon, ayun o naglalaro ng volleyball? Himala.
“Kulog, kalian pa natutong maglaro ng volleyball yang kapatid mo?” tanong ko sa kanya.
Napatingin naman sya at nagtaka, biglang nagbago yung ekspresyon sa muka nya, parang nag aalala?
“Hoy, Thunder. Bakit ganyan yang pagmumukha mo?” napaiwas sya ng tingin at umiling-iling
“Wala Kupido, natatae lang ako.” Tinaasan ko sya ng kilay.
May sayad talaga itong isang ito. Ayaw pang sabihing nag aalala sya sa kapatid nya. Tss.
Lumipas ang mga araw. Laging wala sa sarili si Thunder, hindi ko rin masyadong nakikita si Psyche sa school. Huling beses ko syang Makita nung naglaro sya ng volleyball at yun nayun. Hindi ako nagtanong kung anong nangyari, kasi wala naman akong pakielam.