Episode 6

446 29 4
                                    

"You have to trust me okay, ganito gagawin natin sa Plan A. kailangan mo siyang hamunin" excited na shinare ni Jelai ang balak niya kay Roni.

"hamunin saan?"

"uhmm, wait lemme think~~ tama! nasan siya ngayon?"

"sabi sakin ni CJ nasa bilyaran daw sila ngayon"

"perfect! tara puntahan natin sila" hinatak ni Jelai ang pinsan palabas ng kwarto at dali dali silang nag punta kung nasaan sina Borj. 

nadatnan nila ang magkakaibigan sa bilyaran.  umupo sila sa malayo para pagmasadan ang mga galawan nila. 

nakafocus naman ang mga mata ni Roni kay Borj na seryoso sa paglalaro ng billiards. maya maya pa'y hinatak siya ni Jelai papuntang banyo. nilock niya ang pinto at saka pinagpalit ng damit ang pinsan. 

"teka teka teka, anong gagawin ko dito?" tanong ni Roni.

"suot mo. kasama sa plano to."

"ha? w-w-wait--"

"dali na" mabilis naitulak ni Jelai ang pinsan sa cubicle. at wala naman ng nagawa si Roni. paglabas niya, masayang sinalubong siya ng pinsan. 

"Ayan, ayusin natin yung hair mo, dapat nakalugay yan para pak na pak!"

Inayusan ni Jelai ang pinsan at dali dali silang lumabas ng CR.

"Ang tagal tagal naman, kanina pa kami naghihintay dito" reklamo ng babae na nasa labas ng CR.

"Sorry ho, emergency kasi" agad na paliwanag ni Jelai.

"Emergency, tse!" Mataray na sabi ng babae at pumasok na ito sa loob ng banyo.

"Couz, anong gagawin ko. Basta yung plano natin tatalunin mo siya sa billiards, and once na nagawa mo yun saka natin ipapasok ang Plan B"

"Eh paano ko naman magagawang talunin siya eh, laro niya talaga yan"

"I trust you. Mag relax ka lang at ilabas mo yung sex appeal mo. At sure akong matatalo mo siya"

Na gets na ni Roni ang nais ipahiwatig ng pinsan kaya naman pumasok na sila sa eksena.

"Remember, act like a pro" bulong ni Jelai at ngumiti ito pag harap sa mga kalalakihan.

"Woah! Roni~~ wow" napatingin ang lakat ng makita ang sexy na babae na paparating. Maging si Borj ay napukaw ang atensyon ng babae ito.

"Pwede ba akong sumali?" At nag simula na ang acting.

"Oh sure~" lalapit sana si Michael ng biglang nag salita si Borj.

"Hey, ikaw na! Focus on the game not in a -- nevermind." Sigaw nito kay Michael at mapait na sulyap kay Roni.

"Ang highblood mo nanaman dude, oo na ito na nga e" napapakamot sa ulo na sabi ni Michael.

Ah talagang minamaliit ako nito ahm sinusubukan ako. Okay, ayaw mong makipag laro. -Roni

Kinuha ni Roni ang tako na hawak ni Michael.

"Uy! Roni~~" nagulat ito at napaatras.

"Ako ang kalabanin mo" hamon niya kay Borj.

Borj smirked.

"Don't play with me--" mahina pero rinig ni Roni ang sinabi nito.

"Well, Let's see what you can do. Tutal naman iniignore mo ko? kung talagang lalaki ka, kalabanin mo ko" matatas na sabi ni Roni sa lalaki.

Tinitigan niya ito mata sa mata. Tiim bagang naman siya hinarap ni Borj.

"At para ano? Tss! Para malaman nila kung gaano ka kahina? You already proved it, remember?" Matapang na saad ni Borj.

Ikaw at Ako Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon