Chapter V: Nurse Q
•Chase
"Hiramin mo muna 'tong cap ko." Sabay abot ni Caleb ng kanyang suot na cap.
"Salamat, Caleb."
It's Saturday morning, niyaya ako ni Caleb na mag-jogging. Si Frank at Ethan naman ang pumunta sa grocery at namili ng magagamit namin for next week.
Sana hindi mag-krus ang landas namin ni Seline ngayong araw. Hindi pa nga ako nakakapagpasalamat sa kanya ng maayos, nakagawa na kaagad ako ng kasalanan.
You're so stupid, Chase.
Pumunta kami ng mini park, it's a good location para mag-relax at mag-jogging.
Habang nagja-jog kami ni Caleb, may napansin akong pusa na dumaan sa harap namin. Nakatingin ito sakin ng masama at parang anytime, tatalon at kakalmutin ako.
Parang pamilyar yung kahel na pusang 'yon?
Dumiretso kami sa may part kung saan may fountain sa gitna na napapalibutan ng maraming puno. Karamihan ng puno dito ay mga matatanda na, hindi nila siguro pinutol nang ipatayo ang compound.
Fck!
Nakita ko si Seline.
"Bilisan mo, Caleb!" Sigaw ko sa kanya.
Yung jogging naging takbo ng 'di oras.
Nagmadali din si Caleb na nagtataka ang mukha dahil sa pagtakbo ko.
"Bakit Chase?" Tanong niya sakin habang tuloy lang kami sa pagtakbo.
Ayokong makita si Seline, hindi muna sa ngayon.
"Ahh, wala lang, pansin ko kasing hindi pa tayo masyadong pinag-papawisan." Pagdadahilan ko.
Nang makalabas kami ng mini park, saktong naabutan namin si Frank at Ethan na pauwi kaya sumabay na kami.
"Ba't parang ang dami namang beer?" Tanong ko kay Frank. Ayoko na ngang uminom eh.
"Inubos mo kasi kagabi." Yamot na sagot ni Frank. "Tsaka nga pala, pumunta ka sa may Infirmary mamaya. Pinapapunta ka ni Loyzaga." Dagdag nito
"Sinong Loyzaga?" Tanong ko habang patuloy kaming naglalakad patungo sa unit.
"Ayy! Oo nga pala. Siya yung head nila Seline, kanang kamay ng tinatawag nilang Mama." Si Ethan ang sumagot, kinuha ko na din ang dala niyang grocery.
"Ahh, gano'n ba?"
Pagkauwi namin, nagluto agad si Frank ng tanghalian kahit maaga pa. Sabi niya, para daw makapunta agad ako. Mahirap pa naman daw galitin si Loyzaga.
He gave me a smile that will scare Lucifer's ass.
Infirmary huhh? It's a lucky day for me if I can talk to some beautiful nurse or two.
Habang naghihintay ang lahat sa luto ng aming chef, nagbasa muna si Ethan ng libro sa may sofa, si Caleb naman ay nakaupo na sa may lamesa, hindi naman halatang gutom na siya dahil nakailang tanong lang naman siya kay Frank kung tapos na.
"Chase." Napalingon ako kay Caleb na siyang nagtawag sa'kin.
"Bakit?" Tugon ko naman, mukhang may kakaiba na namang tumatakbo sa isip nito dahil sa reaksyon ng kanyang mukha.
"Kita ko si Seline kanina habang nagja-jogging tayo, kaya kumaripas ka ng takbo no?" Sabi niya sa mapaglarong tono, at nakangising mukha.
Hayyss, alam niya pala yung dahilan kung bakit kami tumakbo eh, nagtanong pa kanina yung gago.
BINABASA MO ANG
Casanova's Rehabilitation Center
General FictionWelcome! To Casanova's Rehabilitation Center. Where you can start a new damn life. Chase is a well-known living gravity pulling every woman's attention. He had what most men dreams, good-looking body, beautiful face, fortune, and fame. Can he fini...