Juniper X Juana

27 7 2
                                    

Paano kung nakapagtapat ako sa kanya? Naging kami kaya? Magtatagal kaya kami? Ngayong reunion kaya'y siya sana ang kasama ko?

Kung nakapagtapat lang sana ako. . .

---

Siya si Juana. 

Astigin kung gumalaw, lalaki kung kumilos, tibo kung tuksuhin pero lahat ng babae sa klasrum ay panis sa ganda niya.

Nakilala ko siya no'ng unang taon ko sa hayskul. Totoy pa ako no'n, bagong tuli pa lamang no'ng Semana Santa. Presh prom d ilog, kumbaga. Pero kahit totoy pa ako no'n, alam kong tinamaan ako nang matindi sa mga ngiti ni Juana.

Sobrang haba ng buhok niya, itim na itim at nahihiya ang mga grado ko sa sobrang bagsak ng kaniyang buhok. Maputi, singkit at medyo malaman.
Karamihan sa mga kauhog ko ay may kras din sa kaniya pero siya ang aming amritshabol star, palibhasa'y nasa star section. Matalino, maganda, pamatay ang ngiti, mala-anghel ang boses, ganyan ka perpek si Juana kaya lahat kami ay talaga namang dinadaga't hindi makalapit sa kaniya. Pero ako si Totoy na hindi padaraig kaya kahit palyado ang utak ay nagpursiging makapunta sa istar seksyon kung nasaan si MyLabs. 

Ngayong taon ay napalakas ang kapit ko sa swerte kaya't hindi ko lang siya naging klasmeyt, naging seatmate ko pa siya. 

Sa kasamaang palad nga lang ay hindi pa ako nilulubayan ng mga daga na namumugad sa aking dibdib. Desyembre na ay hindi pa rin ako nakakapagtapat. Pero determinado akong umamin sa kaniya, huling taon na namin 'to sa high school, is now is neber. [sic]

Susubukan ko ang lahat ng paraang alam ko, pamasaakin lang siya beybe. Sisimulan ko sa isang labs letter, usong-uso raw 'to sabi ni Lola. Iinglesan ko para ma-impress si Juana sa akin gaya ng pagka-impress ni Lola sa ka-pen pal niyang kano. 

---
Dear Juana,

Hello Juana. Merry Christmas. I write the letter in you becous I'm love you. When I see you our pers year in high school I'm know I'm crush you aysap.

Pls reply.

Love,
Secret Admayrer

---

Hintay ng tamang tyempo sabay silid ng aking labs letter sa payong na abon ni Juana bago mag-uwian.

"Juana! Hinahanap na ni Mama 'yung payong niya," sigaw ni Maricris kay Juana mylabs na akala mo ay nasa magkabilang dulo sila ng mundo.

"Ayy heto na, salamat ha. Pasensya na at natagalan," malumanay naman na sagot ng aking Juana sabay abot ng payong na pinagsilidan ko ng aking labs letter.

Mission: Failed.

"Wala 'tong sira ha?" tanong ni Maricris sabay bukas ng payong at islowmong nalaglag ang aking labs letter.

Parang buwayang nilapa ng kamay ni Maricris ang aking labs letter para kay Juana.
Taimtim niyang binasa ang nilalaman at maya-maya pa'y humagalpak na sa katatawa ang demonyong Maricris. Hinampas pa si Juana.

"Anak ng tokwa naman pala 'tong sekret admayrer mo Juana eh. Mali-mali ang grammar, suntok sa buwan pa ang pagtama ng ispeling! I'm crush you Juana!" at sunod-sunod na tawa na naman ang pinakawalan ni Maricris.

Pulang-pula na ako sa hiya, kahit hindi ako pangalanan ni Maricris pakiramdam ko ay nahusgahan na ang buo kong pagkatao.

"Hoy Juniper! Sulat kamay mo 'to! Ikaw ang sekret admayrer ni Juana 'no?"

Napatulala ako sa pagkabuking ng aking sekreto.

"Akin na nga! Kung ano-ano pinagsasabi mo Maricris eh," at marahas na inagaw ni Juana kay Maricris ang aking labs letter.

Kung SanaWhere stories live. Discover now