Chapter 14 : Nice To Meet You

0 0 0
                                    

“Hi Cousin!”sambit nya. Kanina pako nakatulala dito dahil hindi ako makapaniwala na sya yung anak ni Harvey. Ngayon, muling bumalik sa isip ko yung ginawa ng tatay nya. Naiinit nako sa galit.

“Nice to meet you bitch!”sabi ko.

“Alam mo ba kung bakit ako nandito?! Dahil ipaghihiganti ko ang tatay at nanay ko, yung mga taong pinatay mo!” tapos tumakbo na sya at yung mga alagad nya ganun din kami. Inunahan ko na sya ng suntok tapos gumanti sya. “Yang unang suntok ko, para yan sa mga ginawa mo sakin!”tapos sinipa ko sya.

“Tanga kaba?! Pinatay ng tatay at nanay mo ang lolo ko”sambit ko.

“Wala akong pake! Mamatay kana!”tapos sinugod nya ulit ako. Nakikita ko ang ibang ace na unti unting natutumba, pero si kuya, ayun, hindi na tinigilan yung alagad ni jeff.

“Jeff! Tanga kaba?! Pinagtatanggol mo pa yung magulang mo na may ginawang masama sa lolo natin!”sigaw ko.

“Lolo natin?! Bobo! Kailanman hindi ko na kayo trinatong pamilya. Kaya nga Jackson ang apelyido ko diba? Kase never nakong magiging Guerero!” sambit nya. Di nako nakapagpigil kaya sinuntok ko sya ng pagkalakas lakas. Ngayon hindi na tumitigil yung pagtulo ng dugo nya sa ilong nya.

“How dare you! Kahit anong gawin mo nananalaytay parin ang dugo ng Guerero sayo!”sigaw ko. Tapos nagsimula nanaman yung suntukan namin.

“Ahh!”sigaw ko nang may sumaksak sa hita ko. Bigla naman akong napahiga dahil sa sipa ni Jeff.

“Bwahahahaha! Akala mo ba, kahit na nasayo na ang ace, akala mo lahat sila tapat sayo? Ulul! Umasa ka!”sambit nya.

“What do you mean?!”tanong ko. Tapos bigla kong naaninag si Timothy.
Anong nangyayari dito? Di ko maintindihan.

“Sorry Jm, ayokong masira ang pagkakaibigan natin, pero mas mahalaga ang pamilya ko” sabi ni tim.

“Kitams? Pati bespren mo nagtaksil sayo!”sabi ni jeff. Bigla namang dumating si James.

“Timothy! Anong ginagawa mo?! Bat di mo tinutulungan si Jm?!”sigaw nito.

“James, Im sorry pero hawak nako ni Jeff ngayon. Ayokong mangyari to pero mas mahalaga ang pamilya ko kesa sa grupo”sambit ni timothy. Nakita ko ang kamao ni james na parang gustong sapakin si tim. Pati ako nagagalit na din. Baka ilang minuto nalang lumabas na ang ibang ako. Pinapigilan ko ito kaso parang binabalot na ng galit yung puso ko. Nagssink in narin sa utak ko ang ginawa ni tim.

“Timothy, Bakit?! Pinagkatiwalaan kita eh!”sigaw ko habang tinatayo ako ni James. Ngayon wala na akong nararamdamang sakit dahil sa galit ko. Nagmamanhid na ang buong katawan ko at nagiinit narin ng sobra.

“Jm, hawak ni jeff ang pamilya ko, matagal ko nang tinatago to, pero ngayon, wala na ang pagkakaibigan natin, Sorry jm” sa galit ko nasapak ko sya ng todo. Kasabay nun ang pagdugo ng labi nya sa sobrang lakas ng suntok ko. “Alam mo?! Ayoko nang dumapo ang kamay mo sa muka ko muli!”tapos sinugod na nya ako. Si james naman sinugod narin si jeff. Hindi na tumigil ang suntukan namin ni Timothy at hindi ko narin napapansin ang paligid ko. Hanggang sa makarinig ako ng putok ng baril. Natigil ako at tumakbo si timothy kung asan nanggaling ang putok ng baril. Nakita ko si James na hawak hawak yung braso nya dahil sa pagkatama ng baril. Tapos nakita ko si kuya na nakatulala. Tapos tumingin nako sa harap ko at ikinagulat ko iyon.

“Shit.” sambit ko. Habang pinoproseso sa utak ko ang nangyayari.

“T*ngina mo Jeff! Bitawan mo ang pamilya ko!” sigaw ni Kuya. Lahat ng pamilya ko nandun. Sila mama, papa, ate, kuya ryan, pero wala dun si Carl.

“Jeff. Bitawan. Mo. Sila”panggigigil na sagot ko.

“Bwahaha! Bago nyo sila makuha, mamamatay muna sila! Bwahahaha!”sigaw ni jeff. Nakita kong tinutok na nila ang mga baril nila sa ulo nila mama at papa. “Unahin muna natin ang mama nyo!”

A Bad Boy's LifeWhere stories live. Discover now