"Hayle?"
Pamilyar na boses na narinig ko, pagkababa ko sa sala ay nakita ko si Sir Ezekiel."A-anong ginagawa mo dito?"
Sigaw ko dahil nagulat ako na nasa bahay siya."Anak wag mong sigawan ang bisita mo at balita ko professor mo siya?"
Pagdidepensa ng nanay ko sa kanya."P-pero my, yun nga ang point ko. Professor ko siya kaya bakit siya nandito kung pwede kami mag-usap sa school?"
Pagtataray ko."Nak, May mahalaga daw kasi kayong pag-uusapan at hindi ka daw niya nakausap kahapon dahil kasama mo si Kurt."
Saad ni mama.
At kitang kita ko na ngayon na ngumingisi si Ezekiel, Feeling niya ang gwapo niya? Duh! Di siya nagkakamali."Hayle bakit ka nakangiti?"
Tanong ni Ezekiel."Bakit masama ba? Malamang naiisip ko kasi na kasama ko si Kurt kahapon."
Sabay ngiti ko sa kanya at kitang kita ko na umuusok ang ilong nito.Why so cute ?
Bulong ng isip ko. Teka teka! Mali yun oy!"Maiwan ko muna kayo jan nak."
Saad ni mama at saka umalis.Unting unting lumapit sakin si Ezekiel at unti unti rin akong napaatras.
"H'wag kang lalapit sakin! Mahiya ka naman!"
Sigaw ko dito pero alam kong hindi ako maririnig ni mama dahil nasa kwarto ito."Bakit ako mahihiya? Hindi ba't ikaw ang nakikipaglandian?"
Sabad nito."Aba oy! Di landian ang tawag don! Tsaka ano bang pake mo ha?"
Sigaw ko dito habang unti unti siyang lumalapit nanaman sakin."Ang sakin lang, Hindi naman sapat na inaway ka ni Princess para lang kumapit kay Kurt. Alam ko naman na hindi mo siya boyfriend."
Saad nito."Aba! Sinong princess ?!"
Naasar na talaga ako dahil kung umasta siya kala mo matagal niya nakong kilala."Siya yung sumabunot sayo, Tsaka ako pala ang dahilan di mo man lang sinabi sakin?"
Nang aasar na sabi nito."Ano bang pake mo? Pinagtanggol naman ako ni Kurt!"
Sagot ko."Pero responsibilidad ko yun dahil ako ang dahilan."
Sabay kindat nito sakin at bigla ko naman siyang tinulak."Ang kapal mo rin eno? Kala mo ba gwapo ka?!" paninigaw ko rito.
"Bakit hindi ba? Kaya pala ganyan ang itsura mo."
Kasabay ng pagsabi niya nito ay ang paghalakhak niya."Oh anong meron sa itsura ko?"
Napahawak tuloy ako sa mukha ko siguro akala niya kinikilig ako.Tumakbo ako papunta sa harap ng salamin at pagtingin ko sa sarili ko ay namumula ang mga pisngi ko. "shocks! This can't be." Tanging saad ko sa sarili ko.
"Bakit mo kinakausap ang sarili mo?"
Pagtatanong nito na tila ba natatawa sa ginagawa ko."S-sinong kinakausap?"
Saad ko."You're talking to yourself that's why I am asking you."
Sabi nito."H-huh? Hindi ah!"
Depensa ko."Eh bakit ka namumula?"
Seryosong saad nito na may halong pang-aasar pa."Ezekiel tigilan moko ha!"
Sigaw ko dito."Sir Ezekiel".
Pagtatama niya."Excuse me? At bakit naman sir? Wala kaya tayo sa school hello?!"
Sabay irap dito."ano kailan mo ba ko balak kausapin tungkol kay Princess?"
Seryosong tanong nito."Ano ba? Ang tagal tagal nanun ah."
Saad ko."Syempre joke lang. Gusto ko lang itanong sana kung gusto mo pag-usapan yung tungkol sa pagiging magkapatid namin?"
Kinakabahan ako sa sasabihin niya pero bakit nga ba ako kinakabahan?"Anak pakainin mo muna yang bisita mo."
Nagulat ako dahil biglang dumating si mama at nag abot ng pagkain samin."Sige my."
saad ko.
At bigla itong umakyat sa itaas."So ano nga ang usapan natin Sir Ezekiel?"
Seryosong tanong ko."Kung gusto mong malaman ang katotohanan."
Sabad nito."Katotohanan?"
Naguguluhang tanong ko."Hindi talaga kami magkapatid. Sa totoo kasi niyan. Nagseselos siya sayo."
Pagkasabi niya ng mga katagang ito ay nagulat ako."N-nagseselos? S-saan?"
Tanong ko dito.Ngunit biglang may tumawag sa cellphone ni Sir Ezekiel kaya di niya nalipaliwanag ang sasabihin niya.
"I have to go Hayle! I'll be back"
Sabay na alis nito.
BINABASA MO ANG
My Husband is My Professor
Teen FictionSi Hayle Ramirez ay isang studyanteng walang sipag sa pag-aaral ngunit magbabago ang lahat ng dahil lang sa isang professor na dumating sa buhay niya. walang ginawa kundi ang pag initan siya, walang ginawa kundi utos-utusan siya, at walang ginawa k...