Chapter 25- Kasulatan ng Oras

164 7 4
                                    

Nagising ako ng alas-tres ng madaling araw. Hindi naging maayos ang pagtulog ko, buhat ng sobrang pagod sa byahe kahapon. And to think na babyahe na naman ako pabalik ngayong araw ay lalo akong nanamlay.

Pero kahit na ganoon ay bumangon na rin ako nang tuluyan para masulit ko nang husto ang mga oras na kakailanganin ko. Pero bago akong makapag-prepare ay dinampot ko na muna cellphone kong nakalatag sa side-table at sinubukang hanapin ang pangalang 'Sameer Nadav' sa internet at sa lahat ng mga social media apps na nasa cellphone ko. Pero wala namang resultang lumalabas na related sa taong ito.

At dahil nabigo ako sa paghahanap ay dumiretso na ako sa banyo para maligo at makapag-almusal sa isang karinderiya na 24 hours na nakabukas.

At mga bandang 4 AM ay umalis na ako pabalik ng Padrino. Mas mainam na ganitong oras ang pagbyahe ko nang sa ganoon ay maiwasan kong maipit pa sa matinding traffic.

----------

Lagpas alas-nuebe na ng umaga na rin noong nakarating na ako sa Padrino. Hindi ko na naiwasan ang traffic dahil umaga pa lang ay dinagsa na ng mga sasakyan ang kalsada. At syempre ay tinahak ko agad ang ruta patungo sa bahay nila Mr. Gomez upang simulan ang pag-uusisa ko roon.

Pagkadating ay inilabas ko na kaagad ang maliit kong notebook kung saan nakastaple ang papel na nakuha ko sa Motel. Kasunod nito ay nagdoorbell ako sa kanilang gate—kung saan ay pinagbuksan ito ng bunso nilang anak.

"Po?" Pagbati pa nito habang kinukuskos ang kanyang mga mata. Halatang kagigising lamang nito.

"Good morning, nandiyan ba ang parents mo?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Opo."

"Pwede ko ba silang makausap?"

Pinapasok naman niya ako at dinala sa kanilang balkon—kung saan naroon si Mrs. Gomez at abala sa pag-aayos ng mga halaman nito roon.

"Oh, Iho. Ikaw pala yan. Akala ko ba, pumunta ka ng Caragao? Nandito ka pa pala." Pagbati niya pa sa akin.

"Good morning po, Ma'am. Actually, galing na po ako roon. Napabalik lang po ako ngayon dahil mayroon lang po sana akong gustong itanong sa inyo tungkol kay Teresita." Sagot ko pa sa kanya.

Natigilan si Mrs Gomez noong sinabi ko yun sa kanya. At bakas sa kanyang mga mata ang labis na pag-aalala para sa kanyang anak—bagay na nakita ko rin noon kay Mr. Gomez. Naging kapansin-pansin din ang panghihina nito na pumalit sa kanyang sigla kani-kanina lang. Doon ko napagtanto na dapat ay nagdahan-dahan ako sa aking pagtatanong, dahil sensitibo para sa kanila ang tungkol sa ganitong mga usapin.

"T--tungkol kay Teresita? Bakit, ano na pala ang balita sa kanya?" Tanong niya pa sa akin. At dahil naging seryoso na ang ekspresyon ng mukha nito ay dineretsahan ko na ang pagpapaliwanag sa kanya.

"Kahapon po, noong pumunta po ako ng Caragao, pinanood ko po ang CCTV Footages; kung saan nakunan ang mga huling sandali bago siyang nawala. At nagtaka po ako kung bakit sa pag-alis niya, ay 'di niya na dinadala ang maleta, at tanging ang backpack na lang ang binitbit niya." Pagsasaad ko pa sa kanya nang masinsinan at sa paraan na hindi siya magpapanic, dahil sa estadong kinakaharap ng kanilang pamilya nitong mga araw.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon