CHAPTER 32

3.6K 145 5
                                    

DEX'S POV

Para makalimutan ko si Mark pati yung sakit na naramdaman ko dahil sa pagmamahal sa Bestfriend ko ay ginawa kong busy ang sarili ko.

Kapag may pasok nagfofocus talaga ako sa pag-aaral, Kapag nasa bahay naman ay tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Syempre dinalasan ko din ang pakikipag bonding kay Miles binura ko na din sa Cellphone ko yung mga pictures namin together at ni block ko sya sa Facebook lahat ng makakapagpaalala sakin kay Mark ay binura ko na.

Kami naman ni Nathan para pading aso't pusa, Lagi nya kasi akong pinagtitripan kung minsan nga sya na nga yung nanguna tapos kapag ginantihan ko sya pa ang magagalit sakin.

Kami ni Dan? ayon naging mas close din, Syempre ngayon mas maingat na ako ayoko na uli mahulog sa isang kaibigan kaya pinipigilan ko talaga ang sarili ko. Crush ko lang naman kasi si Dan at hanggang duon nalang yon.

Lumipas ang ilang araw at masasabi kong okay na ako, Dahil kahit paano hindi na ako masyadong nasasaktan kapag naalala ko si Mark isa nandin sa dahilan ay yung ginawa ni Nathan sa pagdala sakin sa isang lugar kung saan ko sinigaw ang lahat ng nararamdaman ko.

Masaya naman ang buhay ko kahit nawala ang bestfriend ko dahil may nawala mang-isa, Meron namang mga pumalit Si Dan at Nathan kung wala ang dalawang to hindi ko alam kung paano ako magsusurvive.

"Ui Dex nakatulala kana naman" -Dan

Magkasama kami ni Dan ngayon habang naglalakad paakyat papunta sa mga room namin.

"Wala may naalala lang ako"

"Dex pwede kaba This weekend? Sunday" -Dan

"This weekend? bakit anong meron?"

"May swimming kasi kaming magkakaklase, Bale wala na kasi kaming christmas party. Magsiswimming nalang daw. Gusto mo ba sumama?" -Dan

"Nako Dan, Nakakahiya naman sa inyo lang yong magkakaklase wag muna akong isama"

Nakakahiya naman kasi kung sasama pa ako, Anong gagawin ko don? sila magkakakilala tapos ako ano saling pusa lang hahaha at higit sa lahat kaya ayaw ko talaga ay hindi ako marunong lumangoy, Isa yun sa pinaka tinatago ko hahaha baka kapag sumama ako ay malunod pako ng wala sa oras.

"Sama kana please ako bahala sayo, Wala kasi akong masyadong close sa mga classmates ko. Atlis kung nandon ka may makakausap ako" -Dan

Ayan na naman si Dan, Nagpapacute na naman sakin! Alam na marupok ako eh! ENEBE!!! kurutin ko kaya tong si Dan sa liver!

"Sige pag-iisipan ko"

"Yown! Basta sumama ka ha? Pwede ka namang magsama kung gusto mo eh" -Dan

Sino namang isasama ko? Si Miles? Eh busy din yon dahil magchichristmas na.

"Hindi wala akong isasama ako nalang"

"Yung pinsan mo isama mo" -Dan

Si Nathan isasama ko? Hahaha bente sumama yon! Eh baka mainarte lang yon don atsaka pang mamahaling resort lang yon.

"Sige tatanong ko nalang sa kanya kung gusto nya sumama"

"Basta sa weekend ha? Sunduin nalang kita sa inyo, Para Sabay tayo" -Dan

Hala! Seryoso sya! Susunduin  pa nya ako????? Grabe naman sya kung ano ang kina gentleman nya kabaliktaran si Nathan. Walang wala si Nathan kay Dan, Ang alam lang gawin ni Nathan ay mang-asar ng mang-asar at sirain ang magandang araw ko.

Masaya akong pumasok sa room ko at nagfocus ako sa mga lessons na tinuturo ng mga Prof.
Pero sa kabili non ay pinaalalahanan ko padin ang sarili ko.
Dex! yung mga pinapakita sayo ni Dan? Lahat yon ay dahil sa kaibigan kalang nya at wala ng hihigit pa don, Magkaibigan lang kayo yun lang yon at wala ng iba pa.
Huminga ako ng malalim at muling nakinig sa tinuturo ng Prof. Natatakot ako kasi baka maulit kay Dan yung nangyari kay Mark at ayaw konang mangyari yon.

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon