"DEPENDE"

7 1 0
                                    

{DEPENDE}

“Anong oras tayo bukas Missy?” tumingin ako sa gawi ni Jana.

Kumunot ang noo.“Huh? Ano bang meron bukas?” tanong ko pabalik.

Umirap siya.“Duh! Sabado bukas Missy! Mag ukay-ukay tayo kasi maraming magagandang damit dun,” aniya.

Tumango-tango ako,“Alas nuebe nalang ng umaga Jan? Maglalaba pa ako sa umaga,” sagot ko.

“May pera ka naman diba?” tanong niyang muli.

Ngumiwi ako ng makita ang dalawang daan sa bulsa. “Kunti lang Jan. Bakit?” nakita kong umirap siya.

“Sige, libre na lang kita sa teg kinse bukas,” aniya.

Ngumiti ako at nagpasalamat. Babalik na sana ako sa upuan ng hatakin ako ulit ni Jana.

Tiningnan niya ang crush kong si Kaizer. “Balita ko pupwesto sila bukas,” bulong niya.

May sideline na ukay-ukay ang nanay ni Kaizer. Magaganda ang damit at sapatos na benibenta nila, kahit na ukay lang.

Nag-iwas ako ng tingin,“oh tapos? Anong gagawin ko?” tanong ko.

Humagikhik siya.“Doon tayo bibili,” magiliw niyang turan.

“Mahal naman mga damit nila Jan,” reklamo ko.

Umingos siya.“At least branded kahit ukay,” maarte niyang tugon.

Kimi akong ngumiti.“Oo na, balik na'ko sa upuan ko baka dumating na si Ma'am,” saad ko at tumalikod na.

I had a crush on Kaizer since first year. Ewan ko, hindi naman siya mabait at lalong hindi ko tipo pero hindi ko alam kung bakit siya ang laging hinahapan ng mata ko.

He's a top notcher. Nangunguna sa klase at ako ang sumusunod. Imbes na mainis ako kase inagawan niya ako ng pwesto natutuwa pa ako. Kasi ang talino niya, major turn on.

Natapos ang araw at sobra akong napagod. May mas malala pa ba sa pinagsabay na thesis at research?

Maaga akong nakatulog at maaga ring nagising. Nilabahan ko ang uniforms, undies at pang habay na mga damit. Pagkatapos, naligo at nagbihis. Kumain na rin at naghintay kay Jana.

Minutes passed at dumating na rin siya. Pormang-porma e sa ukay-ukay lang naman kami pupunta. 

Naglakad lang kami, hindi naman ganon kalayo.

Kinuha ni Jana ang panting itim at itinaas. Ito kaagad ang hinawakan niya. May yellow pa sa bandang ginta. Gross. Ngiti-ngiti siya at itinapon sa akin ang panty.

“Jana! Baka kong sinong pokpok na gumamit niyan! May naiwan pang ano oh. Kadiri.” ani ko habang nilalayo ang sarili sa panty.

Tawa siya ng tawa. Umiling naman ako at binalik ang tingin sa iba pang pag-pipilian.

“Dun tayo Mis!” tinuro niya kung saan ang pwesto nila Kaizer.

Nag-aalinlangan akong naglakad. Hinila niya ako at wala akong nagawa kundi ang sumunod. Huminto kami sa stall ng bra.

“Uy branded Mis! Depende nga lang sa klase,” bulong ni Jana.

Tiningnan ko ang mga bra. Hmm branded nga pero baka mahal din. Minsan kasi sa ukay-ukay pag alam ng nagbebenta na gustong-gusto mo ang napiling damit mas mamahalan pa nila.

“Baka mahal yan Jan?” tanong ko.

Umiling si Jana,“Hindi yan! Classmate naman natin si Kaizer eh hihingi tayo ng tawad,” sagot niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"DEPENDE" {ONE SHOT} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon