SARAH'S POV
It's been a year since I left this place. Lahat ng ala-ala ay sariwa pa sa isip ko,
lahat
masaya
at masasakit na alaala.
Bakit ba ako bumalik sa lugar na to?
Ang lakas kasi ng loob ko na sabihin sa kanya na magkalimutan kami pero ako itong hindi makalimot.
Siya kaya?
Malamang limot niya na ako.
Isa na lamang akong ala-ala.
CHRISTI'S POV
Inaabangan ko ang pagdating ni Sarah. Excited akong makita siya. Hindi kasi kami nagkita bago siya umalis. Masyado iyong biglaan.
Pero natatakot din ako.
Kasi alam kong masasaktan siya.
Si Luke.
Should I tell her about it?
We're friends after all.
Pare-pareho lang naman kaming nagmahal.
Pare-pareho din kaming nasaktan,
nasasaktan
at mas masasaktan.
SARAH's POV
I saw Chris waiting for me sa harap ng bahay nila.
"Sarah!!!!!"
Ngumiti ako at niyakap siya.
"Kamusta ka na Chris?"
"Okay lang naman ako. Ikaw ba? Wala man lang kaming balita sa'yo. Si Rigel lang ata may balita sayo. "
Ngumiti lamang ako.
Ayaw ko kasing magkaroon sila balita ng balita sa akin.
Hindi rin nagku-kwento si Rigel ng tungkol sa kanila kaya okay na rin.
Alam kong masaya na si Chris kay Paul.
Ang nasa isip ko si Luke.
"Samahan mo ko sa bahay Chris. Iuuwi ko muna ang mga bagahe ko at magkwentuhan tayo. Marami kang chika sa akin. Kamusta na ba kayo ni Paul?"
Bigla naglaho ang mga ngiti nito.
May nangyari ba?
Parang nagsisisi na ako na hindi ako nagtanong ng balita kay Rigel tungkol sa kanila.
"Anong nangyari?"
"Punta muna tayo sa bahay nyo. I will tell you what you missed."
Habang sa daan ay nag-usap lang kami ng kung ano-ano.
"So,umalis din pala sina Josh at Lyna dito?"
"Yes. Pero may balita pa rin naman ako sa kanila. Ikaw lang talaga, pinagtataguan mo yata kami. Nagpapa-miss ka ba?"
"Siguro. Pero kahit magpa-miss ako hindi niya naman ako nami-miss nun."
Ngumiti lang ulit si Chris.
Muli ay nagkwentuhan kami ng kung ano-ano parte sa buhay namin.
Hanggang sa hindi namin namalayan na nakarating na kami sa bahay.
Doon ay nabuksan ang mga pangyayari noong pagkaalis ko.
"He left me, Sarah. Ang sabi niya lang may mas higit pa at hindi ako yun."
"Babalik pa ba siya? Bakit ganoon na lang? Wala na syang ibang sinabi?"
Umiling-iling ito.
"Mahal mo pa ba?"
"Sobra at naghihintay pa rin ako sa kanya kahit ang sakit-sakit na."
Ganoon talaga sa pag-ibig.
Kahit nasasaktan ka na ay kumakapit ka pa rin.
"Ikaw ba?"
"Anong ako, Chris?"
Sandali itong tumingin sa akin.
"Mahal mo pa rin ba si Luke?"
Ang tanong na iyan.
Tinatanong ko rin sa sarili ko.
At pareho pa rin ang sagot.
"Mahal ko pa rin siya.
Kahit alam kong
mas mahal ka niya ay mahal ko pa rin siya."
Chris POV
"Mahal ko pa rin siya.Kahit alam kong mas mahal ka niya ay mahal ko pa rin siya."
I don't know what to say.
Hindi ko naman kasi gustong mahalin ng isang Luke Marcus.
"But I can't love him back Sarah. May ibang tao nang nagmamay-ari sa puso ko."
"Alam ko naman Christi."
Bigla kaming natahimik na dalawa.
Ano ba gagawin ko?
"What will you do Sarah?"
"About what?"
"About him."
Nag-isip ito.
"I don't know. Aasa pa rin siguro ako sa kanya.
Wala eih. Siya pa rin talaga. Ganoon din naman gagawin mo diba? You will wait for him until your heart get tired of waiting."
Yes.
Hanggang sa mapagod ako ay maghihintay ako.
BINABASA MO ANG
His Deepest Downfall
RandomLife is a myriad of things, too much to see, too little time. It's either you get something out of it or let it simply slip away. And I used to slip it away a lot. There are some things that we have ignored, and those things will never happen again...