PROLOGUE

190 6 1
                                    

Posible kayang magkatagpo muli ang dalawang tao na nagkita na sa past? Pero paano nila malalaman kung bata pa sila noong una silang magkita? At paano kapag tutol ang mga parents nila dahil may past din ang mga ito?

Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana at hindi mo talaga malalaman kung sino yung taong nakatakda sa'yo hanggang sa malaman mo nalang na yung katabi mo, kasama mo, kaharap mo, o kausap mo eh siya na pala yung 'The One' na makakasama mo habambuhay.

〰〰〰〰〰

Hello there! I'm Vivoree Niña Esclito at kakagraduate ko lang last year and swerte naman na nakahanap ako agad ng trabaho sa MNLD Corp

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hello there! I'm Vivoree Niña Esclito at kakagraduate ko lang last year and swerte naman na nakahanap ako agad ng trabaho sa MNLD Corp. bilang isang assistant secretary.

Madalang lang akong pumasok sa office ng boss ko dahil pag wala yung secretary niya, ako yung pumapalit at hindi ko pa siya nami-meet mula nung natanggap ako sa trabaho, yung tipong hindi ko pa siya nakakausap ng personal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Madalang lang akong pumasok sa office ng boss ko dahil pag wala yung secretary niya, ako yung pumapalit at hindi ko pa siya nami-meet mula nung natanggap ako sa trabaho, yung tipong hindi ko pa siya nakakausap ng personal. Ang pinapagawa lang naman niya sakin is magtimpla ng kape, ayusin yung schedule niya, ganto ganiyan. Hindi naman ako nagrereklamo kasi stable naman yung job ko and sapat naman yung sweldo ko, as in sobra sobrang sapat talaga pero nakakabore lang. Ang sabi ni Marianne na bestfriend slash pinsan ko, well workmates kasi kami, mabait naman daw yung boss namin. Medyo hindi lang daw masyadong nakikihalubilo sa mga tao. Introvert siguro.

Pero kontento na ako sa trabaho ko kahit minsan naboboringan na talaga ako tas minsan tinatamad narin akong pumasok sa trabaho. Pero kailangan kong magsikap talaga para makauwi na si papa dito, para ako nalang ang magtrabaho at hindi na sina mama at papa at para makuha ko narin si Angel na nasa puder ng isa ko pang Tita. Madalang lang umuwi si mama sa bahay kaya iniwan na muna niya si Angel kay Tita. Umuuwi naman siya dito minsan pag umuuwi rin si mama pero pagdating ng araw na babalik na ulit si mama sa trabaho, iniiwan niya ulit si Angel kay Tita. Naaalala ko pa nga nung nag-aaral pa ako, pag pumupunta ako sa bahay nila Tita, ang palagi niyang sinasabi eh tulog daw. Minsan pa nga parang ayaw na niyang ibigay samin si Angel. Sinabi ko naman na kay mama na ako na lang mag-alaga kay Angel kaso baka hindi ko daw magampanan ng maayos ang pag-aalaga sa kanya kasi busy ako sa trabaho. Tama naman si mama pero gusto ko parin talaga na ako mag-alaga sa kanya. Kaya nag-iipon na ako para makapagpatayo ako ng sarili kong business. Yung kahit maliit lang basta kikita ako. Hindi naman tutol si mama dun kasi napag-usapan na namin yun.

And hindi ako naniniwala sa destiny destiny na yan. Sabi ng lola ko gawa-gawa lang daw yun ng mga taong malilikot ang isipan. Siguro maniniwala lang ako kapag mismong ako eh na-encounter ko yun in real life.

O sya sige na po matutulog na ako kasi maaga pa ako gigising bukas. Goodnight world and goodnight ebribadeee!!! 💤

〰〰〰〰〰〰〰〰

Goodnight guys! 😘
💜💜💜

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon