Paano Magsulat Ang Di Marunong Magsulat

246 1 0
                                    

Paano Magsulat ang ‘Di Marunong Magsulat

Upang makapagsulat, hindi sapat ang maging marunong lang sa mga letra. Ang kailangan dito, utak, talento at kaunting kakapalan ng mukha. Hindi lamang ito tungkol sa mga “abc” at “123” kundi tungkol din sa mensahe at impluwensiya.

Nang isulat ni Harriet Beecher Stowe and Uncle Tom’s Cabin, sumiklab ang giyera sa Amerika. Nang isulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere, pinatay siya. Nang isulat ni JK Rowling ang Harry Potter Series, nagkaroon ng giyera sa mga bookstores.Hindi nito sinasabing masama ang magsulat at maging magaling sa larangan ng literatura. Ibig sabihin nito, ganoon kamaimpluwensiya ang pagsusulat na nagbabago sa buhay ng mga tao sa mundo.

Kung ang lahat ng tao ay magsusulat ng tula, nobela, sanaysay at chismis, babaha ng impormasyon, lalago ang pag-unawa ng mga tao at lalawak ang kanilang kaalaman. Kasabay din nito ang pagkaubos ng papel at pagtaas ng demand ng typewriter atcomputers sa mundo.

Ngunit kung ikaw ay mangmang sa pagsusulat at gusto mong magsulat, paano ka nga ba makakapagsulat?

Nang mahilig akong magbasa ng mga aklat, naisip kong gayahin ang mga may-akda nito. Gusto ko rin silang pantayan kaya naman nang makahawak ako ng bolpen at papel, nagsulat ako ng diary. Pero ang diary ko ay tumagal lamang ng tatlong araw. Naisip ko tuloy na mahirap palang magustuhan kahit ang sarili mong gawa.

Nagbasa ulit ako at naisip kong gumaya ulit. Sinubukan ko namang magsulat ng maikling kuwento tungkol sa isang lasing na sinalba ang prinsesa. Hanggang ngayon, hindi ko parin masikmura ang nilalaman ng kuwento.

Pagkatapos ng maikling kuwento, nahumaling naman ako sa nobela. Sinubukan kong magsulat ng isang nobelang may tatlong kabanata na hanggang sampung pahina lamang ang isa at ini-print lamang sa computer shop. Siyempre, ako na din ang nag­-bookbind. Ipinabasa ko ito sa aking mga kaklase at laking-gulat ko nang marami sa kanila ang nagpahayag ng saloobin sa aking kuwento.

“Bakit natatanggal ‘yung page 2?”

“’Di ko maintindihan ‘yung Chapter 1”

“Sino ‘yung pumatay sa bida?”

“Nasaan ‘yung katapusan ng Part 3?”

Ayos. Kahit papano may nagbasa ‘di ba? Pero kahit ganito ang kinalabasan, nagpatuloy ako sa aking pantasya at naglalakbay sa mundo ng literatura.

Naisip ko tuloy, ako na yata ang manunulat na hindi marunong magsulat. Pero paano nga ba magsulat ang hindi marunong magsulat?

Sa mundo ng mga frustrated writers, walang pamantayan sa kung papaano sisikat ang obra mo. Kailangan lang ay ang kaunting angas sa katawan at matinding imahinasyon. Kadalasan kasi sa mga frustrated writers, ini-imagine na lang nila na naililimbag ang mga isinulat nila.

Malalaman mong ikaw ay isang frustrated writer kung marami kang mga papel na nakakalat sa iyong kuwarto. Lahat ito, may mga pamagat at kakaunting pangungusap na sa bandang huli ay kinatatamaran mo nang ituloy. Isang katangian din ng isangfrustrated writer ay ang pagiging hayok sa karangalan. Halimbawa na lamang nito ay kung may mag-iwan ng kumento sa iyong blog o may mag-link nito sa ibang blog. Dito nagsisimulang ma-encourage ang mga frustrated writers at magsusulat pa nang magsusulat ng mga walang kwentang bagay.

Sa bandang huli, maiisip na rin ng frustrated writer na walang pinatutunguhan ang kanyang pagpapakahirap kaya susubukan niyang ilimbag ang kanyang isinulat gamit ang sarili niyang pera. Kung masilaw man ang palimbagan ng malaki niyang budget, maibebenta ito sa mga bookstores at aamagin din pagdating ng panahon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paano Magsulat Ang Di Marunong MagsulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon