CHAPTER 30

1.5K 37 0
                                    

CHAPTER 30

 Amanda POV


Pagkagising ko kanina ay nandito sa kwarto si Antoinette, Martina, Ashton, Greyton at Maverick. Nagpaalam sila na pupuntahan muna si Samantha na kasama si Garrett.

Napatingin ako sa IV na nakakabit sa akin, Shaks! Why do they need to put this to me? Malakas kong hinatak iyon mula sa pagkakatusok sa likod ng kamay ko.

Hindi naman ako malala, napakaOA naman nila. Bumangon agad ako pagkatanggal ko nun, iika ika akong naglakad papuntang banyo.

Shaks! Ang sakit ng tagiliran ko!

Pagpasok ko sa banyo ay iniwan kong nakabukas ang pinto, humarap agad ako sa salamin na nasa sink, napangiwi ako ng makita ang pasa panga ko. Nilihis ko pababa ang suot kong damit at mas lalong nanlumo ng makita ang mga pasa sa balikat at dibdib ko.

Bumuntong hininga ako at binuksan ang gripo, yumuko ako at binasa ang mukha ko para maghilamos. Ilang pagbasa lang sa mukha ko at inangat ko ang ulo ko para humarap sa salamin.

Natigilan ako ng makita ang repleksyon sa salamin, napalunok ako habang titig na titig doon.

"Bakit tumayo ka agad?" Nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan.

Mabilis akong umikot para mapaharap sa lalaking nakita ko sa repleksyon sa salamin, nakapoker face itong nakatingin sa akin, bumaba ang tingin niya sa lantad kong braso. Umiling iling ito bago inangat ulit ang tingin sa akin.

"W-what are you doing here?"

Sumandal siya sa hamba ng pinto at humalukipkip, napataas ang kilay ko ng tumitig ito sa akin.

"Why are you here Aniel?" Nakatitig pa din ito sa mga mata ko.

"I just want to know if you're still alive." Kibit balikat na sabi niya, naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Bwisit talaga!

Inirapan ko siya at hinawi para makadaan ako sa pinto. "Umalis kana nga dito, hindi naman kita pinapasok ah." Inis na sabi ko, umupo ako sa kama ko. Napatingin ako kay Aniel ng sundan niya ako.

Tumaas ang kilay ko ng maglakad siya palapit sa kama at huminto sa tapat ko, napatingin ako sa kamay niyang ipinasok niya sa bulsa niya, may panyo itong hawak ng ilabas sa bulsa ang kamay.

"Anong--"

Natigilan at napatitig ako kay Aniel ng masuyo niyang pinupunasan ang basa kong mukha dahil sa paghihilamos ko kanina, Shaks! Pigil na pigil ang paghinga ko habang ginagawa niya yun.

Hinawakan niya ang baba ko gamit ang hinlalaki at hintuturo, pinakatitigan niya ang mukha ko at napababa ang tingin sa labi ko. Napalunok ako, parang deja vu. Ayokong umasa. Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at inalis ang kamay niya sa baba ko.

"Thanks." Umatras siya ng isa at nilagay sa bulsa ang pinangpunas niya sa mukha kong panyo at namulsa.

"Nauuhaw kaba?"

Mabilis akong napalingon sa kanya na salubong ang mga kilay. Iniwas niya ang tingin sa akin. Tumikhim ako bago magsalita.

"N-nagugutom ako." Napakagat ako ng labi matapos ko sabihin yun, kanina pa ako nakakaramdam ng pagkagutom.

"Alright, I'll buy you some foods. Wait me here."

Napanganga nalang ako hanggang sa makita ang pagsarado ng pintong nilabasan ni Aniel, is this a miracle?

"Bakit ang bait yata ni cold guy ngayon?" Mahinang sabi ko sa sarili ko.

Napahawak ako sa dibdib ko, kapag malapit ang cold guy na yun bumibilis o di kaya naman parang humihinto ang kabog ng dibdib ko. Shaks! Ano to?

Napahiga ako sa kama habang nakahawak pa din sa tapat ng puso ko, sobrang bilis ng tibok. Para akong nakipasex ng walang humpay dahil sa hingal. Napakagat ako ng labi, bwisit talaga!

Umayos ako ng higa sa kama at tumitig lang sa kisame habang hinihintay si Aniel. Bigla kong naisip si Samantha, ayos lang kaya siya? Tigas kasi ng ulo sinabi ng wag siyang aatake at sa likod lang siya ni Antoinette eh.

Napabuntong hininga ako, napalingon ako sa pinto ng bumukas iyon. Napaupo ako sa kama ng makita si Aniel na pumasok at may dala dala ng paper bag.

Lumapit siya sa table sa tabi ng kama at isa isang nilabas at pinatong sa lamesa yung laman ng paper bag.

"Bakit ang bilis mo?"

"Dala to nila Grey." Hindi niya ako tinapunan ng tingin at patuloy lang sa paglabas ng mga tupper ware.

Tinignan ko yung mga tupper ware at ang laman non, dahil transparent ay nakikita kung anong laman non. Rice, veggies, strawberry, chicken I think its adobo, napangiwi ako ng mapunta sa isang tupper ang tingin ko.

Inangat ko ang tingin kay Aniel ng isauli niya sa paper bag yung isang tupper ware.

"Bakit mo binalik?" Tumaas ang kilay ko sa kanya, tinabi niya yung paper bag at isa isa binuksan yung mga tupper ware na nilabas niya.

"Aniel bakit mo--"

"Allergic ka sa hipon Amanda." Bigla siyang natigilan sa sinabi niya, tumikhim ito bago tinuloy ang ginagawa.

Nakatitig lang ako kay Aniel, paano niya nalaman na allergic ako sa hipon? Hindi naman kami close para sabihin ko yun sa kanya ah.

"How did you know?" Hindi siya sumagot at tinuloy ang paghahain ng pagkain.

"Anong gusto mo gulay o yung manok?" Napatitig ako sa poker face mukha niya, gwapo talaga kahit cold.

Napaigtad ako ng pitikin niya ang noo ko, napahawak ako don at masamang tumingin sa kanya.

"Aray naman. Yung gulay nalang." Iiling iling siya sa akin, napairap naman ako. Ang hilig mamitik! Pitikin ko yung it-- nevermind!

"Here, eat." Napatitig ako sa hinanda niyang pagkain sa akin. Tumaas ang tingin ko sa kanya.

"Hindi mo ako susubuan?" Nagsalubong ang kilay niya.

"Hindi ka baldado Amanda, kumain ka mag-isa." Napairap ako sa kanya ng umupo siya sa upuan sa tabi ng kama.

Wala man lang ka-sweet sweet sa katawan, panigurado si Samantha todo asikaso sa kanya si Garrett syempre patay na patay yun sa kaibigan ko eh.

Inabot ko na yung pagkain na hinanda niya at sinimulang kumain, infairness masarap yung gulay. Magana akong kumain, kahit nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sa akin si Aniel ay hindi ko siya pinansin.

Nagtataka pa din ako bakit nandito ang lalaking to, akala ko ba ayaw niya sa akin? Eh anong ginagawa niya dito.

Naalala ko yung nangyari kagabi, wala sa sariling napangiti ako. Nanalo kami, hindi na problema ni Antoinette ang gastusin sa ospital ng nanay niya. Mahal na mahal niya yung nanay niya kaya alam namin na gagawin niya lahat para sa kanya.

Pagkahapon ay lumabas na kami ng ospital yung kambal ang nagbayad ng hospital bill namin ni Samantha, ang bait talaga ng dalawang yun mapera pa.

Nagkanya kanya silang alis ako naman ay sumakay ng taxi at nagpahatid sa condo unit ko.  

Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon