Masamang-masama ang loob ni Wynes nang matuklasan nya ang panloloko ng 2 years boyfriend nyang si Andrew.
Sunod sunod ang pagtungga nya ng beer habang ninanamnam ang sakit na dulot ng pananakit ni Andrew ng damdamin nya.
"ang bwesit na lalaking yun sabi nya sakin, old fashion daw ako, boring, . imagine mo sa bibig pa talaga nya galing yung mga salitang yun.. malay ko bang fuckboy sya.. buong akala ko gentleman sya.. na kaya nyang mag antay hanggang sa pwede na.. eh.. kung atat na atat na pala syang ikama ako di sana pinasalan nya na ako hindi yung isusumbat nya yun sakin,, tapos all of the people yung higad pa talagang yun yung ipapalit nya sakin ang kapal ng mukha nya..huhuhu😭😭" tangis nya sa mga kaibigan na dinadamayan sya sa katangahan nya.
"hay naku Wynes,, ganyan naman talaga yang mga lalaking yan,, mga pafall, mga paasa, mga manloloko!" dugtong pa ni Erah na may pinagdadaanan din.
Paano puro sila mga tanga pagdating sa pag ibig, iba iba nga lang ng level. Parang si Erah, alam naman nyang ginagamit lang sya ni Jeff , nagpapagamit naman sya, di nga't halos sya na ang naglalaba, nagbabayad ng Apartment at Electric bill pati Water bill ni Jeff with matching groceries pa at allowance nya, samantalang alam nya na kaliwat kanan naman ang babae ni Jeff pero, lambingin lang sya nito wala na, magpipikit mata na lang ito at magpapakagaga.
Isa pa si Lalaine, sa sobrang sensitive at faithfull sa pag ibig handa syang mag suicide para lang wag iwan ng boyfriend nyang bukod sa playboy ay wala pang pakialam sa damdamin nya, pero ayaw naman syang hiwalayan paano may napapala pa at higit sa lahat nagpapakatanga pa kasi sya, ano ngat nagawa pa rin nyang patawarin si Joey na kahit nakabuntis ng ibang babae ay di pa din nya magawang hiwalayan dahil sa sobrang pagmamahal nya dito.
At si Irish na kahit na pinapaasa lang ni Troy ay dead na dead pa rin sya na halos nagiging uto-uto na sya at sunod sunuran sa mga gusto nito kahit alam nyang pafall lang naman ang damuho.
Ang buong akala nila si Wynes ang naiiba sa kanila dahil buong akala nila na matino si Andrew at sobrang mahal na mahal sya nito, pero isa din palang epic failed ang relasyong meron sila.
" cheers para sa mga naloko ng jowa!" sigaw ni Erah sabay taas ng mug ng beer.
"cheeerssss!" sigaw naman ng tatlo saka pinag-umpog ang mga mug ng beer.
" ngayong gabi.. hindi tayo ang magpapakatanga.. ngayong gabi malaya tayo.. magwawalwal tayo.. and this time hindi tayo ang magpapauto.. magpapakatanga.. " sigaw pa ni Wynes medyo may tama na.
Biglang nagtrip si Wynes.. nilinis nya ang ibabaw ng lamesa nila at nagpaikot ng isang bote ng San Mig light at maglalaro sila ng spinning bottle at natutok yun agad kay Erah.
"alam na namin ang lahat ng tungkol sayo .. kaya obiously deal lahat tayo pag natapat yung bote satin okay.. at dahil si Erah ang pinagpala, itong gagawin mo,, nakikita mo ba yung mga lalaking yun.. pimili ka sa kanila ng aakitin.. magrequest ka sa band ng careless whisper then seduce a guy kahit sino patunayan mo hindi lang si Jeff ang lalaki dito sa mundo ano deal.."
"wow.. seryoso ka ba Wynes?"
"yeah im serious.. hindi mo ata kaya eh!" tukso pa ni Wynes.
"yun oh.. oh ano ka ngayon Erah .. game na.. game na.. go girl.. iangat mo ang bandila ng katangahan.."
"i can prove you na hindi lang si Jeff ang lalaki sa mundo.. hindi na ako magpapakagaga sa kanya this time lalaki naman ang mababaliw sakin." sabay hiyawan sila Wynes, Lalaine at Irish na matapang na tumayo si Erah.. medyo lasing na rin ito kaya malakas na ang loob na patulan ang deal ni Wynes sa kanya.
Lumapit si Erah sa isang table na may mga kalalakihan din na tantya nya ay kasing edaran lang nila. Napansin ni Erah ang isang lalaking tila hinuhubaran na sya sa mga titig nito sa kanya.. ngumiti sya sa lalaki umakto syang inilapit ang mukha dito,napalunok naman ang lalaki nang halos isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha nila sa isat isa.. napalunok itong napatingin sa dibdib nya nang yumuko sya sa harap nito.. kinagat nya ang labi nya sabay kuha ng tissue sa table.. saka tumalikod.. nanghiram sya ng ballpen sa isang waitress at saka inabot ang tissue sa band.
Unang tipa pa lang ng careless whisper naghiyawan na ang mga kaibigan ni Erah. Lalo ng malanding hinila ni Erah ang lalaking yun sa gitna ng dance floor saka ginilingan ng isang malupit na sexy dance. to the point na alam nya naaapektuhan na yung lalaki dahil nakikita nyang namumukol na ang pantalon nito.
" ano bang ginagawa mo miss- alam mo bang tinutorture mo na ako!" bulong ng lalaki sa kanya in a husky voice na bulong nito sa kanya.
"bakit hindi mo ba gusto yung ginagawa ko!"
"hell! alam mo bang gusto na kitang kaladkarin sa CR para banatan..!"
Namilog ang mga mata ni Erah sa sinabi ng lalaki bigla tuloy syang pinamulahan, mabuti na lang at tapos na ang tugtog, napataas ang kilay nya saka nya tinalikuran ang lalaki at iniwan sa dance floor.
parang tuod naman ang lalaki na hindi pa makahupa sa init na nararamdaman dahil kay Erah. bumalik sya sa table nila, pero hindi na nya inaalis ang tingin kay Erah.
pinagtutukso tuloy sya ng mga kabarkada pag balik nya sa table nila.
"wow ang daring nun Erah! kita mo yung lalaki naglalaway na sayo eh!" sabay tawa ni Wynes nag apir pa yung tatlo.
" kayo eh.. hinahamon nyo ko eh..- at dahil tapos na ako.. ako naman ang mag dedeal at magpapaikot ng bote!"
Tumapat naman ang bote kay Irish.
BINABASA MO ANG
Crazy in love
RomanceAng tao pag natuto nang umibig at magmahal, lahat na ata ng katangahan, magagawa mo nang di mo namamalayan. Iba't-ibang level ng katangahan ang mararanasan mo, depende kung gaano katindi ang pagmamahal mo para sa isang tao. Si Wynes minsang...