Abcd POV
Nakayap sya ngayon sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot na nandito sya ngayon na kasama ko. Napaka daming tanong na namn ang tumatakbo sa isip ko.
"Umalis kana" pagtataboy ko sa kanya habang pinipilit makawala sa kanyang mga yakap.
"No" matigas nyang sagot ngunit hindi ako nagpatalo. Tinulak ko sya ng buong lakas kaya naman napabitaw sya.
Naiiyak ako lalo ng makita ang mga mata nyang may tubig. Umiiyak sya? Nagtatakang tanong sa aking isip. Bigla naman akong nakonsenaya sa ginawa ko. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagkadismya.
"Im sorry" paghingi ko ng tawad sa aking inasal.
Ilang minuto pa kaming nagkatitigan lang hindi alam kung anong sasabihin sa isat isa. Maya maya pa ay bigla akong may nakitang dugo na bumabakat sa suot nyang white vneck tshirt. Agad akong naalarma at lumapit sa kanya.
"Ayos k lang ba?" nagaalalang tanong ko
"Im fine wala lang yan" nakangiti pa nitong sgmbit.
"Umupo ka muna kukuha lang ako ng 1st aid kit" sambit ko sa kanya at tumalikod na ngunit hinawakan nya ang aking kamay dahilan ng pagharap kong muli sa gawi nya.
"Just stay" pakiusap nya
"Kelangan magamot ang sugat mo baka lumala pa" seryosong sagot ko saka inalis ang kanyang kamay.
Ilang minuto lang at nakabalik na ako. Inayos ko ang damit nya at initinaas ito. Tumambad tuloy ang kanyang abs na kaagad kong iniwasan ng tingin. Talagang napansin mo pa un Abcd!
"Your blushing" sambit ni Xander kaya naman agad akong napatingin sa kanya at nakitang nangingiti ito.
"Hindi ah mainit lang" palusot ko dito.
"Mainit naka aircon? Oh baka namn hot lang talaga ko kaya ka naiinitan ka" pang aasar nya pa lalo.
"Ouch!" diniinan ko ang paglalagay ng betadine sa sugat nya ng magtigil.
"Ano mangaasar kapa?" nakangising tanongko dito.
"May mabisa akong alam na gamot para mawala ang sakit nito" turo nya sa kanyang sugat. Nagkunot noo naman ako atska tinanong kung ano.
Tinuro nya ang kanyang labi at ngumuso ito ng bahagya. Lalo ko namn na idiniin ang paggamot sa kanya kaya lalo syang napaliyad
"Anong sabe mo hihirit kapa talaga"
Ng matapos na ako sa paggamot ng sugat nya ay hinatid ko na sya sa labas ng gate. Nakakahiya namn kung magtatagal pa kame nakikituloy na lang kase ako diba.
Hinawakan nya ang aking kamay at agad na hinila papunta sa kanyang kotse ng papasok na ko sa loob.
"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko kay Xander. Hindi sya umimik kaya naman tinanong ko itong muli. Pinaandar na nya ang kotse pero hindi ito kabilisan. Mas nainis namn ako ng hindi nya ako sagutin.
"Hindi ako nakapag paalam kayna tita ano ba Xander san mo ba ako dadalhin? Ibalik mo na ako" naiinis na sambit ko sa kanya ngunit dedma lang.
BINABASA MO ANG
Maid Of The Soon To Be Mafia Boss
Genç KurguMahirap pero nakakayang mabuhay, mag isa pero masaya, iniwan pero nagsusumikap isang simpleng buhay lang ang meron ako pero ang hindi ko alam maiiba ang guhit ng kapalaran ko ng maging isa akong PERSONAL MAID ng soon to be MAFIA BOSS. My Mafia boss:...