Chapter 9

28.3K 158 0
                                    

Sarah POV

Tss ano bang problema ng lalaking iyon

Narito ako sa kwarto ko at nililigpit ko yung mga damit ko

Nang matapos kong magligpit ng damit ay napag pasyahan ko nang bumaba dahil nagugutom na rin ako

8:00 PM na rin kasi

Pag baba ko ay agad akong pumunta ng kitchen

Nakita ko naman si Mom at Tito Migs na naghahain nang pagkain

"Oh anak asan ang kuya mo?"-bungad sa akin ni Mom

"Nasa kwarto nya po ata"-hindi siguradong sabi ko

"Oh sya tawagin mo na at kakain na tayo"-sabi ni mom

Tumango ako at naglakad ulit paakyat

Tumigil ako sa tapat ng pinto ni Nithan at huminga ng malalim bago kumatok

*Knock* *Knock* *Knock*

Sunod sunod na katok ko at nag intay na buksan ang pinto

Pero wala paring nagbubukas kaya napagpasyahan ko nalang na pumasok

Pinihit ko yung doorknob at dahang dahang binuksan ito

Nakita ko naman si kuya na nakahiga sa kama at nakapikit

Tss tulog pala ang kulugo 

Lumapit ako dito at tatapikin na sana ng mag salita ito

"N-no m-mom please w-wag mo a-akong iwan"-mahinang sabi nito at nakita kong pumatak ang isang butil ng luha nito at pawis na pawis

Para naman akong nanlambot ng makita itong umiiyak siguro masama ang panaginip nito

Na cucurious ako sa buhay nitong step brother ko dahil wala manlang akong alam sa buhay nya tanging pangalan lang ang alam ko sa kanya

Kaya agad ko namang ginising si Nithan

Agad naman nitong iminulat ang mata nya at agad akong hinigit at niyakap

"T-teka bitaw nga"-utal kong sabi at tatanggalin ko na sana ang kamay nya ng higpitan nya ito

"Please stay"-malumanay na sabi nito

Kaya hindi naman ako umalis at tinapik nalang ang likod nya

Maya maya bumitaw na ito sa yakap kaya umayos na ako ng tayo

"Bumaba kana at kakain na tayo"-sabi ko

Tumango naman ito at tumayo na

Nauna na akong maglakad sa kanya

Habang pababa ako ng hagdan ay pakiramdam ko ay nakatingin ito sa akin

Kaya mas binilisan ko ang paglalakad para makarating na sa kitchen

Nang makarating kami sa kitchen ay agad akong umupo sa tapat ni Mom at si nithan sa tabi ko na katapat naman ng dad nya

"Wow sinigang"-sabi ko

Dahil paborito ko ito lalo na kapag si Mom ang nag luto dahil medyo maasim ito

Agad ko namang kinuha yung kutsara at kumuha ng sabaw saka tinikman

Napapikit naman ako dahil medyo maasim yung sinigang at gustong gusto ko yung lasa nya

Kaya kumuha na ako ng kanin at ulam saka sinimulang kumain

Ganun din sila Mom

Tahimik lang kaming kumakain

Hanggang sa matapos kaming kumain

"Akyat napo ako Mom"-sabi ko

Tumango lang ito kaya umakyat na ako sa itaas at pumunta sa kwarto ko at humiga

Hmm saan kaya ako unang mag gagala bukas

Napag pasyahan ko nalang na matulog dahil nakakaramdam narin ako ng antok

*Block out*

Sex with my Step Brother(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon