Annabelle’s POV
Papunta nga pala ako sa room nila NIel ngayon. Bakit ba kasi hindi ako biniyayaan ng talent sa pagdradrawing eh. Magpapatulong ako sa kanya. maya pa naman mag-start klase nun eh. Kabisado ko na schedule niya. At may 30 minutes pa ako para magpatulong. Isa kasi sa mga requirements namin ang gumawa ng dream classroom namin.
Knock! Knock! Knock!
Kumatok ako ng tatlong beses sa nakabukas na pinto nila. May lumapit na isang babae at tinanong kong ano daw ba ang kailangan ko.
Nanjan po ba si Niel? I mean si Nathaniel po.
Sandali lang Miss
Nathaniel, may naghahanap sayo. Sigaw nung babaeng nakausap ko.
Sino daw?
Yung girlfriend mo.Wag na kayong magtaka kung sinabihan ako ng girlfriend ni Niel. Diba nga nagpapanggap kaming mag bf/gf, hindi naman naming alam na kakalat yun ng bongang-bonga sa campus eh. Hay!!! Mga chismosa nga naman oh.
Nakita ko naman na papalapit na si Niel sa kinaroroonan ko. Nginitian ko naman siya. pero bago pa siya makarating sa kinaroroonan ko ay may nagsalita mula sa likod ko.
Excuse me.
Ai sorry po. Hingi ko ng paumanhin. Bakit ba kasi nakaharang ako sa pintuan?
Its okay. Dumiretso na yung lalake sa loob ng room nila. Na siya ring paglabas ni Niel
What can I do for you Miss? Tanong niya, kaya binatukan ko
Alam mo ikaw para kang timang. Ginuyod ko na siya papunta sa may shed.
Alam mo ang talent, nilalabas. Hindi dapat yan tinatago. Umpisang sabi ko. Abah! Kailngan ko muna siyang utuhin. J
So anong gusto mong iparating dun? Tanong naman niya
Tulad nga ng sinabi ko, kailangan mong ilabas ang talent mo. Ipakita mo sa lahat na magaling kang magdrawing. Drawingan mo naman ako oh. pang uuto ko sa kanya.
Ano bang ipapadrawing mo? Yes!! Naut – napapayag ko siya.
My dream classroom.
Kailan mo ba ipapasa?
Mamaya na eh. Sige na please, magdrawing ka na.
Yeah. yeah. inabot ko naman sa kanya yung bond paper at lapis. Kagabi ko pa ginagawa yang lintek na dream classroom na yan. Kaso wala eh. Nganga talaga.
Wow! Puri ko sa ginagawa niya ang galing. Binatukan naman niya ako. Saan kayo nakakita ng taong namamatok pagkatapos mong puriin? Grabe, si Niel lang.
Aray ha. Ikaw na nga tong pinupuri eh, ikaw pa tong namamatok.
Para ka kasing timang! Wow ka ng wow jan eh wala pa nga. Lining pa lang yan oh.
Yun na nga eh, ang galing mong mag lining. Tignan mo nga oh. straight na straight tinignan naman niya ako ng are-you-serious-look
Sinabi ko na sa kanya kung anong klaseng classroom yung gusto ko. Tulad ng: rubberized yung sahig, para kung saka-sakaling may madapa, hindi masugatan. At syempre para iwas disgrasya. Dapat may Book shelve, airconditioned, big space, TV, speaker, completed art materials, etc.
Grabe naiimagine ko yung classroom ko. *o*
Here. Tapos na po.
Wow... ang ganda *O*fan mo na talaga ako. Puri ko sa kanya
I know right. Ilang beses mo na bang sinabi yan? 5? 10? 15 times?. Psh!
Ano bang problema mo? Pasalamat ka nga at naaapreciate ko yung mga works mo eh.
Jhinalyn’s POV
Walang hiyang baklang yun pagtawanan daw ba naman ang drawing ko?? Eh sa hindi ako magaling magdrawing eh.
Confirmed! Mag bestfriend nga talaga kayo. Wahahahahaha.... classroom ba talaga yan? Mukhang kulungan ng baboy eh. Bwahaha.... kung makalait naman ito.
Unti unti kong kinuha yung folder sa mesa niya at tinignan ang dream classroom niya. Kaya lang, pfft! Ano to? Kinuha ko yung paper tape ko sa bag tapos at idinikit yung dream classroom niya sa pisara.
Wahahahahaha.... ahahahaha.... sino sa atin ngayon ang ahahahahaha... ang kulungan ng baboy ha?! Pfft!! Guys, tignan niyo to oh.. sabay turo ko dun sa blackboard.
Wahahahahaha..... kaninong drawing yan? Dinaig pa ng grade 1. Sigaw ng kaklase kong lalake.
Ah sh*t!Sabi nung bakla. Tapos ay kinuha niya sa pisara yung papel at tinapon sa...... basurahan?
Hala! Anong nangyari dun?
Lagot ka! Sabi ng mga classmate namin with hand gesture pa. At doon ko lang narealized na kasalanan ko pala. Teka wala naman akong ginagawa ah? Malinis ang konsensya ko.
Malinis nga ba? Tignan mo nga ako, andami kong putik sa katawan. Like eeeww..... Sabi ng konsensya ko. Kailan pa nagkaroon ng katawan ang konsensya?
Wapake! Sagot ko naman sa konsensya ko.
Wapake ka pang nalalaman diyan. Eh as far as I know, hindi siya tinatalaban ng powers mo. Immune siya teh! IMMUNE!! Sabi naman ng utak ko. Eeehh!!! Ano bay an...
Agree ako diyan teh! Pagdating sa bakla mo, hindi umiipek ang WAPAKE powers mo. Kasi may proteksiyon siya. hindi yung condom ah. May shield kasi siya na nanggagaling sa akin. Sabi naman ng aking heart
Kaya gora kana! Hanapin mo na siya at baka kung saan pa mapunta!Sabay sabay na sabi ni Konsensya, Utak, at ng Puso ko.
Bago pa ako mabaliw sa mga pinagsasasabi nila ay hinanap ko na si En-jhay. Galit kaya yun sa akin? Ehhhh.... kasi naman eh!
BINABASA MO ANG
So this is how it feel (Completed)
HumorThis story is about a girl na sinaktan at pinaiyak ng kanyang mahal-- her boyfriend. Sobra siyang nasaktan to the point na gusto niya siyang kalimutan at iparamdam din sa lalakeng nang-iwan sa kanya na masakit pala. Gusto niyang iparamdam sa lalake...