Sunday, February 1, 2000
*kringgg* *kringgg* *kringgg*
Tamad kong pinatay ang alarm clock ko 7:30am na! bumalikwas ulit ako pabalik ng kama. Linggo pala ngayon! nakalimutan kong magkikita pala kami ni Ada kaya naman mabilis akong tumayo at bumaba para mag almusal.
"Oh Simon akala ko ba may pupuntahan kayo ng bestfriend mo?" tanong ni mama sakin habang naghahanda ng almusal.
"Oo nga Ma muntik ko ng makalimutan hahahaha! buti nalang naset ko yung alarm ko kagabi" umupo na ko at sabay kaming kumain ng almusal.
"Bilisan mo baka naman mauna pa sayo yon" sabi ni mama.
"Simooooon? Yohoo! Tita Eveeee?" sigaw ni Ada matapos pindutin ang doorbell.
"Oh sinasabi ko na nga ba! hahahaha andyan na si Ada! Nako kahit kelan talaga" natatawang sabi ni mama.
Ininom ko ang freshmilk ko at pinagbuksan ng pinto si Ada.
"Ang aga mo naman dude?!" salubong ko kay Ada
"Ano ka ba! Parang di ka naman nasanay! Tss sino bang lalaki satin ako ata? hahahaha!" sabi ni Ada.
Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya
"Oo nga naman Sy sino ba talagang lalaki sa inyo? Hahahaha maupo ka dito iha sumabay ka na samin!" natatawang sabi ni mama.
"Nako tita tamang tama! Kulang pa po yung breakfast ko kanina hahahaha!" at nagtawanan kaming tatlo.
Dalawa lang kami ni mama sa bahay, Dad's working abroad, he's an engineer and my mom's a former reporter sa isang tv channel, sa ngayon pansamantala siyang tumigil sa trabaho dahil lumipat kami dito sa probinsya.
"Tumigil ka nga kelan ka ba nabusog?! hahahaha! Akyat na ko ha maliligo na ko then alis na tayo" sabi ko habang inuubos ang natirang egg sa plato ko
"Bilisan mong kupal ka! Baka pati si tita makain ko hahaha joke!" sabi ni Aya habang puno ng kanin ang bibig niya
Close sila ni mama, well since birth magkapitbahay kami not totally kapitbahay siguro lakad lang ng five minutes? hahaha, lagi rin kasi ako pumupunta sa kanila at ganon din siya, ganyan talaga ugali nyan maingay, ewan ko parang walang hiyang nanunuot sa katawan niyan! Siya lang naging close ko dito sa province di ako mahilig makipagfriends. Naalala ko nung kinder, papunta ako ng canteen may dala akong juice di ko naman alam na mataas pala yung steps sa hagdan nadapa ako pagkatayo ko siya nasa harap ko tinitigan niya lang ako at binigay yung juice niya sakin tinanggap ko naman dahil favorite ko yun.
*Pagkatapos kong maligo*
Nagbihis na ko at kinuha yung susi ng lock sa bike ko, pagkatapos ay bumaba na ko
"Naks! Ang bilis mo ah?" bungad ni Ada sakin
"Dala mo ba camera?" tanong ko sa kanya
"Aba syempre!" sagot niya
"Sige Ma! Alis na kami" paalam ko kay mama sabay kuha ng juice sa ref
"Baka gusto mo rin ako kuhaan?" singit ni Ada
"Sige wag kayo magpapagabi, Sy ingat kayo ni Ada ha!" sabi ni Mama
Umalis na kami at sumakay sa bisekleta namin.
"Ano hanggang ngayon di mo ko maabutan?!" pagyayabang ko kay Ada
"Manahimik ka ineenjoy ko ang fresh air" palusot niyang sagot sakin
"Bilisan mo naman baka abutan tayo ng hapon eh!" sabi ko
"Mkayyy! see you there!" at mabilis siyang nagpedal naunahan niya ko! Akalain mo yon?!
Nakarating na kami sa isang burol at niready ang camera assignment kasi namin sa literature ang kumuha ng pictures at gawan ito poem.
"Simonn! Bilisan mo naman doon tayo oh!" pasigaw na pagtawag niya sakin habang sineset ang camera
"Teka lang pwede" sabat ko habang inaayos ang bike namin
"Oh ayun maganda din yung view picturan natin!" sabi niya at ilang oras din kami naghanap ng view at kumuha ng picture
2pm na 8:30am kami umalis ng bahay at mag10am kami nakarating dito nakakapagod, pero hobby talaga namin ang kumuha ng litrato enjoy din! Hahaha!
" Tara picture tayo sayang view!" sabi ko kay Ada habang hinihingal sa paglalakad dahil sa pagod
"Sige ba! View ata ang luge sakin kapag ako ang nasa picture! Hahahaha!" pagyayabang niya
"Kapal neto mahiya ka naman kay mother nature dude" natatawang sabi ko sa kanya
Matapos ang ilang minutong pageenjoy namin ng view napagod din kami sa wakas HAHAHAHAHA
"Grabe AD nakakapagod pahinga naman tayo!" reklamo ko
"Sige don tayo! Ang init!" turo niya sa malapit na puno ng narra.
Sabay kaming nagpahinga sa ilalim ng puno na talaga namang nakakarelax
"Asan na yung juice?" tanong niya
"Andito sa bag dinala ko hehehehe boy scout ata to" sabi ko habang nilalabas ang juice galing sa bag
"Sus! Kunyari ka pa e adik ka dito!" nangingising sabi niya
"Woo! Grabe nakakapagod!" dagdag niya pa
"Can you please just shut up? Hahahaha ang ingay mo talaga kahit kelan" sabay kaming nagtawanan
5pm na at naisipan na naming umuwi. Nauna siyang umuwi dahil unang madadaanan ang bahay nila kesa samin
"Bye dude! Ako mageedit ng picture ikaw sa poem ha!" Sigaw niya habang kumakaway kaway
"Ge ingats! Gandahan mo dude! Bye!" sabi ko at dire diretsong lumiko narin sa may kanto namin.
Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong pinagbuksan ng pinto ni Mama.
"Oh Simon nandito ka na si Ada nakauwi na ba?" tanong ni Mama
"Yes Ma hahaha, anong dinner?"
"Ayan buttered shrimp"
"YEEEEES! Mapaparami ata kain ko neto ah!" masayang sabi ko
Pagkatapos kumain ay umakyat na ko agad, ginawa ko na ang mga dapat gawin nagtoothbrush na ko naligo at sisimulan ko na yung poem.
Umupo ako sa side table sa kwarto ko kinuha ko ang copy ng picture na napili namin at nagisip isip kung anong poem ang gagawin ko ilang oras ang nakalipas at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako...
![](https://img.wattpad.com/cover/146921686-288-k236415.jpg)
BINABASA MO ANG
Into the Woods
Mystery / ThrillerWhat if exploring the woods leads you to a strange thing Unexpected plan Unexpected discovery Unexpected mission Limited time