AN: so hi! Hihihi first story ko po ito... sana magustohan po ninyo.. mwah mwah.. short story lang po ito..~○~
Malalim na ang gabi nang bigla akong nagising, hindi ko man lang napansin ang mga luha na dumadaloy sa aking pisngi.
Ba't ba akong umiiyak? Ba't may mga luhang dumadaloy sa aking pisngi? Tanong ko sa sarili.
At biglang sumagi sa aking isipan ang isang larawan, isang larawan ng dalawang matalik na magkakaibigan.
Ako at si Diadem.
Matagal na kaming matalik na magkaibigan ni Diadem, at pamilya na ang turi ko sakanya.
Nakilala ko siya sa dati kong paaralan.
Mag-kaklase kami simula pa noong ika- 7 hanggang sa ika-9 na baitang. May tawagan pa nga kami; ako daw si babs at siya naman si yats.Si Diadem ay isang masiyahin, mabait at magandang babae.
Masasabi ko talagang halos perpekto na siya dahil sa angking kagandahan at kabaitan.
Nakakabighani rin ang kaniyang boses.
Di naman siya matalino pero di rin siya bobo.Namimiss ko na siya. Sabi ko sa sarili.
Palagi talaga kaming magkasama ni Diadem dahil nasa isang bahay lang kami tumutuloy at sa isang paaralan pumapasok.
~☆~
Isang araw, di niya na ako pina -pansin. Nag taka ako bakit.
Lumapit ako sa kanya, pero iniwasan niya ako. Kaya nag taka ako lalo.
Natapos ang araw na hindi niya ako kinakausap. Natapos ang linggo pero di parin niya ako kinakausap; at sa tuwing lalapit ako siya ay lalayo.Ano bang nagawa ko? May nagawa ba akong di kaayaaya? Tanong ko sa sarili.
Mag dadalawang linggo na pero di parin niya ako kina kausap. Napansin ko ring palagi siya wala sa klase, parang lutang palagi, natutulog sa klase, at palagi nakatutok sa cellphone.
Ano bang nangyari sayo Diadem? Tanong na nasa isip ko.
Nabalitaan ko na may kasintahan na siya. Nabigla ako, dahil alam naman niya na bawal pa siya magkaroon ng kasintahan. Sa una, pinabayaan ko muna siya, pero napansin kong unti unting nagbabago si Diadem.
~●~
Dahil nag aalala na ako para kay Diadem,napagisipan ko na sabihin sa kaniyang ina ang lahat ng nangyayari sa kanya. Lahat, lahat.
Dahil akala ko yun ang tama kong gawin. Matalik naman akong kaibigan niya; kaya maiintindihan niya na ang ginawa ko ay para sa kaniya.~¤~
Pero di ko inakala na ganoon lang pala matatapos ang aming pag-kakaibigan. Di ko inakala...
Nang dahil sa desisyon na ginawa ko, desisyon na akala kong makapabubuti sa kanya..
Desisyon na kahit masakit man gawin ay ginawa ko. Akala ko.. Akala ko talagang tama ang ginawa ko.~♧~
Tama ako; yan ang sinasabi ng aking isipan, subalit taliwas naman ang sinasabi ng aking puso.
Ano ba ang susundin ko? Ang isip ba o ang puso..
Pero huli na ang lahat, sinunod ko ang aking isipan.
At ayun, siya ay nasaktan ko, at nasaktan rin ako. Pero wala na. Nagawa ko na. Kailangan ko nalang harapin ang mga kahihinatnan ng mga ginawa ko.
~◇~
Pano kaya kung ang puso ang pinili ko? Magkaibigan parin kaya kami ngayon? Tanong na sumagi sa aking isipan.
Pinawi ko ang mga luha na patuloy paring dumadaloy sa aking pisngi at bumalik sa pagtulog.
~♡~
Nagising ako nang nahipo sa aking balat ang maliwanag na liwanag na nang gagaling sa nakabukas na bintana.
Basang-basa ang unan at namamaga ang aking mga mata; na alala ko yung kagabi.
Tunay ngang nasa huli ang pagsisi.Para sa kung ano ang tapos ay tapos na. Hindi ko na maibabalik ang oras at gawin ang mga bagay,
ng tama.
~END~
_____________________________
AN: Guys feel free to judge my story .. hehehe di ko naman damdamin.. ehh..
Thank you for lending your time reading my story!
Thank you again and God bless!
BINABASA MO ANG
PAGSISISI
Short StoryPara sa kung ano ang tapos ay tapos na. Hindi ko na maibabalik ang oras at gawin ang mga bagay, ng tama.