CHAPTER 38

3.6K 140 10
                                    


DEX'S POV

"Binigyan kalang ng regalo kilig na kilig ka naman dyan" -Nathan

Naglalakad na kami ngayon pauwe samin, Gusto kolang maglakad para naman makapag-isip-isip.

"Kilig agad? Hindi ba pwedeng masaya lang?"

"Tssk, Parang nakalimutan mona agad kung pano ka nya sinaktan" -Nathan

Pano nga ba ako sinaktan ni Mark? Sinaktan nga ba nya talaga ako? Sabihin nyo ng tanga ako, Maarupok ako At bobo ako pagdating sa pag-ibig. Pero kasi habang tumatagal meron akong mga bagay na narerealize.

Unang una nadon ako naman talaga ang pumili nito kaya ako nasaktan, Pangalawa hindi naman kasalanan ni Mark na hindi nya ako mahalin kasi meron naman talaga syang ibang mahal at Pangatlo ako lang naman ang nananakit sa sarili ko dahil patuloy ko padin syang minamahal kahit alam kong imposibleng mahalin nya din ako dahil Hanggang BESTFRIEND lang ako sa kanya.

"Nagseselos kaba Nathan?"

Tanong ko sa kanya, Pakiramdam ko kasi nagseselos talaga sya kay Mark.

"Ako magseselos? Sa gwapo kong to pagseselosan kon yon?" -Nathan

"Ah okay sabi mo eh, Tara na uwe na tayo"

Maglalakad na sana ako pero biglang nagsalita si Nathan.

"Dex? Pangako mo sakin, Kahit may mga dumating at bumalik sa buhay mo hindi mo ako iiwan" -Nathan

Natigil ako sa paglalakad at bumilis na naman ang tibok ng puso ko, Madalas Kapag kausap ko lang si Nathan nagiging abnormal ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit Pero para kasing may mali na.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko sya sa kamay nangingig din ang kamay ko sa di malamang dahilan.

"Nathan? Hindi ako ganong tao, Hindi ako basta basta nang-iiwan lalo na kapag mahalaga sakin"

Lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi at niyaya na nya ako umuwe. Pero yung tibok ng puso ko ay medyo mabilis padin at kinakabahan ako na ewan.

Pagkauwe namin sa bahay ay binuksan ko agad yung regalo na binigay sakin ni Mark.
Isang kwintas ang laman non at may kasamang papel na may nakasulat.

'Hi Dex
Kamusta kana? Masaya kaba dyan sa bago mong school? Ako eto na mimiss ka wala na kaso akong BestFriend.
Alam kong galit ka sakin, Pero sana lagi mong tatandaan na Mahal na Mahal kita hindi man katulad ng pagmamahal mo sakin pero Mahal kita bilang Bestfriend. Sorry kung may nagawa akong mali sayo, Sana mapatawad mo ako.
Dex, Sana dumating ang tamang panahon na maging okay tayo at sana makapag-usap din tato ng tayong dalawa lang para maayos natin kung ano man ang hindi natin pagkakaintindihan.
Pasensya kana din pala sa regalo ko ayan lang nakayanan ko, Wala pa kasing trabaho ang Bestfriend mo. Sana palagi mo yang isuot para kahit wala man ako sa tabi mo ay mararamdaman mo na hindi ka nag-iisa dahil suot suot mo yang regalo ko.
Merry Christmas Dex! Thank you for being my BestFriend!'

Gusto kong maiyak dahil sa mga sinabi ni Mark sa sulat. Habang ako nagagalit at pilit na lumalayo sa kanya sya naman ay Gusto akong makausap para maayos na ang hindi namin pagkakaintindihan. Pakiramdam ko ang samasama at ang selfish ko dahil sarili kolang ang iniisip ko hindi ko man lang naisip ang nararamdaman ng BestFriend ko.

"Wow Dex, Ang ganda ng kwintas ah Kanino galing yan?"

Tinupi ko muna yung papel at nilagay sa bulsa ko.

"Kay Mark po Ma, Binigay nya po sakin kanina"

"Akin na isuot ko sayo"

Kinuha ni mama yung kwintas sakin at sinuot sa leeg ko.

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon