13

148 7 1
                                    

Crunch:

Binabawi ko na yung text ko. Hindi pala ayun yung huling text ko sayo. Hindi kita matiis.


Crunch:

Nagddrama lang ako non. Pwede na bang artisita? HAHAHAHA!


Crunch:

Tawagin mo na akong clingy pero hindi ko talaga matiis na hindi ka kausap.


Crunch:

Galit ka pa din ba hanggang ngayon? Hindi mo ba ako namimiss?


Crunch:

Binigyan na kita ng isang linggo para magpalamig ng ulo. Yuhoo, talk to me. Hahaha para tayong maggirlfriend boyfriend na may-lq! Kinikilig ako hahaha!


Crunch:

Wala pala kayong practice ng sayaw kanina? Pumunta kasi ako kanina ng 4th floor lobby pero walang tao doon. Tinry pumunta sa gym, nakita ko kayo ni Neil na naglalaro. Ang galing niyo. Sa doubles ka pala? Kadoubles mo si Lance? Huli na talaga ako tungkol sayo. Akala ko kasi si Neil.


Ako:

Kilala mo si Lance at Neil?


Crunch:

Oo naman. Ako pa ba? Pogi mo kaya! Hihihi! Admirer mo ako dibuuuh? :P Friends mo sila diba?


Ako:

Anong connect ng pagiging pogi ko kila Neil at Lance?


Crunch:

Wireless? Wala, ang pogi mo lang. Pinupuri na kita, oh. Ayaw mo?


Ako:

Wag mo baguhin mo yung usapan.


Crunch:

Halata bang nililiko yung topic?


Ako:

Oo, sagutin mo tanong ko.


Crunch:

Alam kong tinext mo sila ngayon para tanungin kung may kilala silang Crunch?


Lance:

Sorry p're wala.


Neil:

Sino ba 'yan? Bukambibig mo siya kanina pa, ha. Nagseselos na ako.


Ako to Neil:

Gago, kadiri ka talaga.


Ako to Lance:

Sige, thank you p're.


Neil:

Bagong chiks mo, ano? Pinagpapalit mo na ako, babe.

Arnold & Crunch (Ineedit ng bonggang-bongga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon