SA LAHAT NG NALULUNGKOT

2.8K 138 56
                                    

HAYAAN MO NA

Hayaan mo na kung ayaw nila sayo; Hindi lahat ng tao, makukuha mo ang loob.

Hayaan mo na kung marami man ang mang-iiwan sayo; Siguradong ang pamilya mo hindi gagawin yun.

Hayaan mo na kung nagkakamali ka pa rin; Uulitin ko sayo, walang taong perpekto.

Hayaan mo na kung hindi ka mahal ng mahal mo; Malay mo, hindi rin siya mahal ng mahal niya.

Hayaan mo na kung marami ang walang tiwala sayo; mabubuhay ka pa rin kahit wala sila.

Hayaan mo na kung marami kang problema; Mas marami ka pa rin namang kaibigan na dadamay sayo.

Hayaan mo na kung nabigo kang makuha ang pangarap mo; Isipin mo pa rin, mas maganda ang pangarap ng Diyos sayo.

Hayaan mo na kung minsan pakiramdam mo mas marami ang malungkot na nangyayari sayo kesa sa masasaya; Hindi araw-araw pasko at birthday mo.

Hayaan mo na ang lahat ng ito..

Pero wag mong hayaan na kahit minsan hindi mo sinubukang kuhain ang loob nila, pahalagahan ang iyong pamilya, matuto sa pagkakamali, mahalin ang hindi ka mahal, maniwala sa sarili, solusyunan ang problema kasama ng mga kaibigan, patuloy na mangarap kasama ang Diyos at maging tunay na masaya kahit hindi Pasko o birthday mo.

Hayaan mo, ngingiti rin ang bukas sa'yo. Malaking-malaking NGITI.

PARA SA LAHAT NG NALULUNGKOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon