Chapter One

1.2K 49 10
                                    

Pakulo lang ;) Feel kong mag update eh!

Natasha and Nathan at the side..8 years old

======================

"Ilang beses mo na ba akong niloko?! May anak na nga tayo di ka parin nag bago! Sumusobra ka na! Gag* ka! Ano ba talaga ang problema mo ha?!" Sigaw ng ina.

"Puro ka kasi trabaho! Ako may trabaho na nga pero nakakahanap pa rin ako ng oras para sating pamilya. Ikaw ang may problema Angie! Wala kang oras para sa mga anak mo! At lalong-lalo na sakin! Kaya nag hanap ako ng iba!"

"Gag* ka! Mamatay ka sana!"

Nasa sulok lang ang dalawang kambal. Napatakip naman sa tenga si Natasha nang marinig nila na may binasag na mga gamit.

"Nathan.." Naiiyak na sabi nito sa kakambal.

Napalingon naman ang kakambal niya. Nakita ni Natasha na naiiyak na rin si Nathan kaya nag yakapan nalang sila.

"Galit si Mama,Tasha." Sabi ni Nathan at umiyak na.

Kinabukasan.. Nagising si Nathan na nasa loob na ng isang sasakyan, alam niya kung sino ang mayari nang sasakyan, sila ang may ari nito. Agad naman siyang napatingin sa driver seat at nakita niya ang kanyang Papa na nagmamaneho.

"Pa?" Sabi ni Nathan sabay upo.

"Oh anak, gising ka na pala. May pagkain dyan, kumain ka na. Mahaba pa naman ang byahe."

Napansin naman ni Nathan na hindi nila kasama ang Mama at isa pa niyang kakambal.Namumuo naman muli sa kanyang mata ang mga luhang ready na sa pagpatak.

"Pa.." Mahina niyang sabi. Narinig naman niyang napabuntong-hinga ang kanyang ama. "...Saan si Natasha at si Mama. Iniwan na po ba natin sila?" Naiiyak nitong sabi.

"Nathan.. Sorry kung pati kayo ay nadamay sa gulo namin ng Mama mo. Kung pwede lang na kayong dalawa ng kambal mo ang sasamahin ko kaso ayaw ng Mama mo. 'nak, mas nakakabuti pa to. Hindi muna kayo magkikita ng kambal mo."

Hindi nakapaniwala si Nathan sa kanyang narinig. Pero agad naman siyang napaiyak. Hindi na niya makikita pa muli ang kanyang kakambal.****

Nagising naman si Natasha dahil sa sikat ng araw. Agad siyang tumayo at napatingin sa kama ng kanyang kakambal. Agad naman niyang napansing wala na ang mga gamit nito, kaya agad siyang napatakbo pababa sa kanilang sala at nakita ang kanyang Ina na umiiyak.

"Mama?"

Napalingon naman ang kanyang Ina at tumakbo palapit sakanya atsaka niyakap nang mahigpit.

"Natasha, Sorry anak, Sorry na sorry. Mahal kita anak, mahal ko din si Nathan. Pasensya anak, may nagawa kasing mali si Papa mo, kaya naisip namin na maghiwalay muna kami."

"SI NATHAAAN!" Sigaw ni Natasha at napaupo at umiyak ng umiyak. "MAMA! SI NATHAN! MAGBATI NA KAYO NI PAPA PLEASE MAMA!" Iyak pa rin ng iyak si Natasha.

8 years old palang ang magkakambal, naghiwalay na ang kanilang mga magulang..kaya pati sila, nadamay.

Fake Relationship With My Kambal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon