Irish's POV
Hindi ako umuwi sa bahay namin pagkatapos. Ayokong makita ako ng lola ko na maraming galos dahil paniguradong pauulanan nila ako ng tanong at paniguraong mag-aalala sila. Nakita rin ni Stacey ang pictures namin ni Ricci sa internet at nakita niya rin ang nagyaring away sa mall, pero buti nalamang ay hindi na siya nagtanong pa. Sabi niya ay siya na ang bahala sa lola namin. Sisiguraduhin niyang hindi iyon makikita ni Mama Tina.
Pinasuyo ko naman kanila Nat na kung pwede ay bumili sila ng prutas para kay Matt. Naiwan ko kasi ang mga binili ko nung kuyugin kami nung mga babae sa mall. Buti ay pumayag sila.
"Hey, Change your clothes, Irish." sabi sa akin ni Ricci habang inaabot ang damit.
Dinala ako ni Ricci sa condo niya. Sa totoo lang, hirap na hirap kaming makaakyat sa unit niya dahil napakaraming media sa baba. Kung dati ay madali lang sa aking pumasok dahil hindi naman ako kilala, ngayon ay hindi na. Mabilis na kumalat pati sakanila ang pictures namin ni Ricci. Paniguradong pagkakaguluhan nila kami para lang ma-interview tungkol sa issue.
Haays, di ko pinangarap 'to.
Tumango ako. Kanina ko pa talaga gusto magpalit dahil ang lagkit lagkit na ng damit ko. Paano, Milk tea pa naman ang itinapon sa akin nung babae kanina. Gusto ko talaga siyang sabunutan kanina dahil nagtapon siya ng pagkain. Hindi niya ba alam kung gaano na ka-mahal ang presyo ng bilihin ngayon!?
"Or pwedeng ako na lang magpalit sa'yo." mabilis akong napatingin sa nakangising si Ricci. Tumaas baba pa ang dalawa niyang kilay. "Ano, tara na?" excuted niyang sabi.
Mabilis kong binato sakanya ang katabi kong throw pillow sa sofa. Nasalo naman iyon ni Ricci na ngayon ay napakalakas ng tawa.
Nakakainis 'to!
"Tigilan nga mo nga ko, Rivero! Manyak ka talaga kahit kelan!" inis kong sigaw ko sakanya.
Tumawa siya. "Atleast, sa'yo lang." kinindatan niya pa ako.
My goodness!
Inirapan ko siya at inis kong hinablot ang damit na ipampapalit ko. Mabilis akong nagmartsa papunta sa cr nang hindi manlang nililingon si Ricci. Urgh!
"Ayaw mo talaga?" rinig kong sigaw niya bago ako pumasok ng cr.
"Shut up, Rivero!" sigaw ko na ikinatawa niya lalo.
Sinuot ko yung T-Shirt na binigay niya. Galing iyon sa clothing line na pagmamay-ari niya. Kulay blue iyon at masasabi kong sakto lang sa akin ang laki. Amoy na amoy din ang napakabangong pabango niya rito.
Bago lumabas ay pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin. Nakita ko ang mga kalmot sa balat ko. Talagang galit na galit yung mga babae kanina. Ito ang isa sa mga kinakatakutan ko, ang magwala ang fans ni Ricci nang dahil lang sa akin. Syempre, marami ang nagkakagusto sakanya kaya hindi nila maiwasang magalit nang makita nila na may babae na ang idol nila.
Pero hindi iyon ang mas inaalala ko. Kaya ko naman ang pananakit nila eh. Ang pinaka kinatatakutan ko ay masira ang career ni Ricci. Hindi na lang siya isang Basketball player ngayon, isa na rin siyang artista.
Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang marinig kong kumatok si Ricci. "Irish, are you done?" tanong niya mula sa labas.
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa harap ko si Ricci. Napangiti siya nang makita ako. "Sabi na nga ba, Bagay na bagay sa'yo." tukoy niya sa suot suot kong T-Shirt. Mabilis namang nagbago ang ekpresyon niya nang makita nanaman ang mga galos ko. Napapikit siya at napabuntong hininga, pinipigilan ang sarili. "Kumain na tayo. Nagluto ako."
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.