Ang kwentong ito ay kathang isip lamang ng author. Ang kanino mang pangalan, at kung saan mang lugar, pangayayari ang mangyayari sa kwentong to, ay bunga lang ng kabaliwan at kalawakan ng author. Ang kahit anong kinalaman ng mga karakter sa storya ay walang kinalaman sa buhay ng totoong tao. Ang komopya nito ng walang pahintulot ay tutubuan ng nakakaderyeng sakiii! Yun lang. :)
_____________________________________________________________________________
P R O L O G U E
"Hindi ka na dapat pumasok sa eskwelahang ito! Wala kang mararating dito kundi gulo!" Yang ang eksaktong katagang sinabi nya sakin bago sya mamatay.
Ang eskwelahang ito ay para sa mga taong marunong umarteng mabait, pero tarantado, basagulero, at puro gulo lang ang dala sa mundo.
Mga masahol pa sa Demonyo.
"Bakit ka lumipat?" Tanong ko. "Saan? Sa mala-demonyong eskwelahang yun? Sinasabi ko sayo! Wag kang tutungtong doon!" Takot na takot nyang sigaw.
Anong magagawa ko?
Wala ng pwedeng tumanggap sakin kundi ang school lang na ito.
"Sorry. Wala kang mararating kung ganito ang grades mo."
Kada linggo may nawawala.
May namamatay.
Hindi nila gusto pero walang silang choice.
Sinasaniban?
Hindi sila?
May lunas pa ba?
Misteryo.
Away at Gulo.
Dyan nababalot ang school na ito.
Walang katahimikang lugar.
Once na nagsimula na ang palabas, wala ng pwedeng makalabas.
Wala kang pwedeng pagkatiwalaan kundi ang sarili mo.
Eskwelahang mala-anghel ang pangalan, mala-demonyo ang mag-aaral.
Katulad ba kita?
May nakakatakot ka din bang ugali katulad nila?
Tara. Kung handa kana, simulan munang magtaka.
"Welcome sa Saint's Angels Academy. Maligaya kami, at dumarami ang mga studyante!" Humada ka na.
![](https://img.wattpad.com/cover/22660529-288-k6966f0.jpg)
BINABASA MO ANG
Saint's Angels Academy
Teen FictionPeople die and live. You always have to fight for death. Hinding hindi mo matatakasan ang kamatayan. Kaya mo bang makipaghabulan at makipagtaguan kay kamatayan? Paano kung pati ikaw, pumapatay? Katulad nila, isa ka ding mamamatay tao. Anong gagawin...