#AGBGthespotlightforisiah
ISIAH's POV"Ladies and gentlemen! The games will start now! "
Naririnig kong announce no'ng announcer ng games. Sa katunayan handa na ako sa laban ko ngayon, narinig kong nanalo si Wei fang sa tournament laban sa Japanese niyang kalaban na si Yumi Izani
Ako naman handa na akong harapin ang makakalaban ko na si Go Rye-Yeul isang Korean athelete. Sa katunayan 'di ko makalimutan ang sinabi ni Miyu na mukhang si the rock, lokang babae na 'yon.
"Let's welcome the two brave athletes! From the left corner, an achiever from Korea, with 3 gold medals, 10 silver, 5 bronze, and 8x defender with 2 knock-outs! Ladies and gentlemen! Go Rye-Yeul!" Sigaw ng Announcer.
Naghiyawan ang mga schoolmate ng Rye-yeul na 'yon, 3 gold? 10 silver? And 5 bronze? With 8 times defender and 2 knock-outs? Pero kung titignan mo parang siya 'yong athlete na 'di titigil hanggat .di nababali ang mga buto ng kalaban.
"If she's your sparing partner, be careful with her, Isiah. She's not fair. "
Naalala kong wika ni Wei fang, it means kaya nagkaka medals 'to dahil sa pandaraya? Hmmm makikita ko mamaya 'yan kung pa'no siya maglaro.
"And the right corner!"
bago pa man nagsalita ang announcer, nagyayabang na 'yong Rye-yeul, may pa I-watch you sign pa siya at pinapakita mga medal niya. Nakakatawa baka 'pag marinig mo 'yong sa"kin manlumo ka, since elementary awards ko besh kaloka ka.
"Achiever from the Philippines, multi-awarded player, Ace captain of different sports, Ace player of the martial arts department, medalist since elementary, over all medals since elementary for the martial arts tournament, 500 gold medals, 499x defending champion, and 1 knock out at grade school. Please welcome! ISIAH CRUZ!"
Halos mawasak ang buong auditurium sa hiyawan ng HU Students, of course homecourt ko 'to. Napansin kong natulala ang kampo ni Rye-yeul sa announcement ng annoucer, pati na rin ang ibang school. Actualy 'yang 500 medals ko na 'yan since gradeschool ko 'yan.
Grade 2 ako nang sumali sa martial arts, kaya naman 499 defending ako at 1 knock-outs dahil natalo ako no'ng grade six ako. Pano naman kasi GF ng crush ko kalaban ko, kumbaga nanlumo ako no'n, na-hurt ako kumbaga.
Ano besh Rye-Yeul 'di mo ba kinaya ang announcement? Ngayong araw na 'to kokompletohin ko ang 499 na 'yan, 'di para sa'kin, kundi para sa mama ko.
"Mama, laban ko ngayon, panoorin mo po ako, at Lord ikaw na po bahala sa laban ko. Alam ko na sa bawat laban ko kasama ko kayo, 'di ko makakaya 'to nang wala kayo. Napaka imposible ng laban ko kung wala kayo. Kaya po pinapaubaya ko po sa inyo ang lakas ko."
Napapalingon ako sa paligid ko, nakita ko ang mga taong naniwala sa lakas ko, si Seven, Sir Sky, Steven, Miyu, Victoria at....
Storm? Nandito ka? Nandito ka ba para i support ako?
Nakita kong napatango siya, kaya naman medyo lumakas ako ng kunti, sapat na sa'kin makita ko siya dito.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...