Maagang nagising ang mag-anak na castro para ihanda ang kanilang mga dadalhin para sa kanilang pamamasyal.
At nang masigurong walang nakalimutan ay inayos na nila ito sa loob nang gagamitin nilang sasakyan.
Pagkatapos mailagay lahat ay ikinandado na nila ang buong bahay at sumakay na sila sa kotse.Nasa harap ang mag asawa at si Roger ang magmamaneho samantalang si Sally ay nasa likod nang driver seat at masayang nakaupo habang hinihintay paandarin nang ama ang sasakyan.
Tumingin si Roger sa asawa at anak."Ready?"Nakangiting tanong nito sa dalawa.
Sabay na tumango sila Lisa at Sally nang may ngiti sa mga labi.
"Excited na po ako,Papa!"Masayang sabi ni Sally."Salamat po sainyo".Dugtong pa nito na ikinangiti nang mag asawa.
Tumagilid nang upo si Lisa para makaharap ang mahal na anak at nakangiti nitong hinimas ang ulo.
"You're welcome,anak.Mahal na mahal ka namin nang Papa mo"Si lisa.
"Mahal ko din po kayo".Nakangiting sagot ni Sally.
"O,tama na yan at mahal na mahal ko din kayo"Singit ni Roger na ikinatawa nang mag ina.
"Let's go!Para di tayo tanghaliin at abutin nang traffic sa daan."Si Roger.
Pinaandar na nga nito ang sasakyan.
At habang nasa byahe ay di napigilang humikab ni Sally.Napansin naman ito nang kanyang ama na nakatingin sa rear view mirror.
"Anak,pwede kang matulog.Gisingin ka na lang namin nang mama mo kapag nakarating na tayo sa Fairy Land.Halos isang oras pa kasi bago natin marating yun."Si Roger.
"Sige po,Pa.Inaantok nga po ako."Sagot ni Sally at inayos ang unan na nasa tabi nya para ito'y kanyang higaan.
Maya-maya pa nga ay mahimbing na ang tulog ni Sally at di.nya na alam ang nagyayari sa paligid nya.
Naalimpungatan si Sally dahil sa naramdamang may yumuyogyog sa may balikat nya at tinatawag ang pangalan nya.
"Anak,Gising na.Andito na tayo."Ang mama nya.
Dahan dahang bumangon paupo si Sally mula sa pagkakahiga sa upuan nang kotse.Nakita nya mula sa labas nang bintana nasa ibang lugar na nga sila.Maganda ang lugar.Ang daming puno!Pati mga halamang namumulaklak ang dami ding nakatanim at may mga lumilipad ditong mga maliliit na paru-paro!Napakagandang lugar!
Napansin nya na sya na lang pala ang natira sa loob nang kotse kasi ang Papa at mama nya ay nasa likod nang kotse at kinukuha ang mga gamit nila.
Binuksan nya ang pintuan nang kotse at lumabas.Pinuntahan nya ang mga magulang na abalang ibinababa ang mga gamit at pagkain nila.
Kinuha nang Papa nya ang isang galong tubig at isang basket na may lamang prutas.
"Ako na magdadala nito at mabigat to.Ayun pala ang cottage na gagamitin natin.Iyong malapit sa may malaking puno."Turo ni Roger sa cottage.
Tiningnan ni Sally ang itinuro nang Ama.Sakto lang ang laki.Tama lang sa kanilang tatlo.At mukhang presko pa ang hangin dahil sa malaking puno na katabi nito kaya malilim ang cottage na gagamitin nila.
"Ihahatid ko lang to doon at babalikan ko yung kakainin natin para sa tanghalian.Mabigat yun kaya ako na magdadala.Sally,Anak.Itong isang basket ang dadalhin mo ha.Sa Mama mo naman yung lagayan nang mga baso,pinggan at kutsara't tinidor."Bilin ni Roger sa mag ina bago ito umalis para dalhin sa cottage yung tubig at prutas nila.
"Mauna ka na anak at sundan mo ang Papa mo.Aantayin ko na lang syang bumalik."nakangiting utos ni Lisa."Ingat sa paglalakad ha."dugtong pa nito.
"Opo,ma."Sagot ni Sally at inumpisahan nya na ngang maglakad bitbit ang basket na may lamang tinapay para sundan ang ama na malapit nang makarating sa cottage.