Perfidious Voice

11 0 0
                                    

May isang magandang dalagang babae na nakatira sa kakahuyan malapit sa ilog Cephissus sa Boeotia sa Greece, ang babaeng ito ay nagngangalang Liriope. Siya ay isang naiada o isang nimpa ng katubigan na nangangalaga sa mga likas na yaman at siya rin ay anak ng isa sa mga diyos ng ilog sa Boeotia. Kulay kayumanggi ang kanyang makinis na balat, kulay abo ang mahabang buhok at kulay asul naman ang kanyang magandang mata. Si Liriope ay isang mabait at mahiyain na nimpa, hilig niya ang karaniwang hilig ng mga nimpang katulad niya, ang kumanta at sumayaw. Siya ay gustong gusto ng mga kaibigan niyang nimpa at marami ring kalalakihan ang nahuhumaling sa kanya.

Isang araw, naglalakad si Liriope papunta sa dulo ng kakahuyan, ito kasi ang magandang araw upang mamitas ng mga bulaklak na ipinapalamuti ng mga nimpa sa kanilang kasuotan. Siya ay nagmamadaling maglakad dahil alam niya na marami nang nimpa ang naroon sa dulo ng kakahuyan na pipitas din ng mga bulaklak. Habang nagmamadali sa paglalakad, nakarinig si Liriope ng isang boses ng lalaki na humihingi ng tulong. Noong una ay natakot siya sa boses ng lalaking humihingi ng tulong kaya hindi niya ito pinansin pero dahil may mabuti siyang kalooban ay hindi niya ito matiis at agad niya itong hinanap.

“Tulong! Tulungan niyo ako!” Ang sigaw ng isang lalaki mula sa kanyang paligid na parang nahihirapan.

“Nasaan ka, saan kita matatagpuan?” Ang pasigaw na tanong ni Liriope.

“Tulungan mo ako, nandito ako sa tabi ng batis!” Ang tugon ng lalaki sa kanya.

Agad na hinanap ni Liriope ang nasabing batis upang puntahan ang lalaking humihingi ng tulong. Pagdating niya sa batis, nakita niya ang isang makisig na lalaking sugatan at dahan dahan niyang nilapitan ito.

“Okey ka lang ba?” Ang tanong ni Liriope.

“Tingin mo ba okey lang ako, nakita mong sugatan ako!” Ang naiinis na sabi ng lalaki.

“Ganoon ba? Sandali lang, kukuha lang ako ng tubig sa batis upang ipainom sa iyo.” Ang mahinahong tugon ni Liriope.

“Bilisan mo at baka mamatay na ako!” Ang sabi ng lalaki.

“Maghintay ka lang sandali.” Ang mahinahong tugon ni Liriope.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfidious VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon