~43~
Kimean's Insight
"Sasabihin mo na ba sa ate mo yung tungkol satin Kimchi?"tanong ni Sungjae.
Kakatapos lang namin mag celebrate sa napakasuccessful na escapade namin dito sa London at balak ko na nga sana siyang ipakilala kay Ate. Nagkalakas ak ng loob nung malaman ko na siya rin pala yung naunang magconfess sa bago niyang boyfriend. Emegesh. Like ate like bunso. Hahaha.
"Yep!"masiglang sambit ko at humawak sa braso niya.
"Myehehe! Sa tingin mo boto sakin si Noona?"pacute na sambit niya.
Tumango ako at pinisil ang cheek niya. "Ne, pasensya na kung ngayon lang din kita mapapakilala maknae. Huh?"
"Ne! Ayos lang yun basta sabi mo."biglang nagvibrate yung phone niya. "Wait lang.."
"Sige lang."sagot ko at nakatingin lang sa kanya.
"Hello! Oh Jasmine-ah! Napatawag ka? Kamusta? Seryoso? Wala pa naman akong nababasa sa news dito..masaya ako para sa kanila."nakangiting sambit ni Maknae.
Napaismid ako ng marinig yung Jasmine. Sino na naman kaya yun? Ang dami ng babae sa buhay nitong si Sungjae.
Nainis.
Nakikinig lang ako at nakamasid sa kanya habang nakaupo kami sa loob ng taxi at masaya siyang nakikipag-usap sa Jasmine na yun.
"Talaga? For sure matutuwa sina hyung. Sige sabihin mo lang agad sakin ang exact date. Aigoo~. Hahaha. Sige. Anyeong Jasmine-sshi!"
"Sino naman yun?"simangot at naka-crossed arms na tanong ko sa kanya.