Chapter 26- Kabilang Bahagi ng Barya

179 8 5
                                    

Isa-isa lamang, nang sa ganoon ay malaman nang lubusan. May halaga ang bawat tinta kaya't mas mainam na i-dahan-dahan ang pagbasa.

Itong mga salita ang nakaakda sa frontpage ng Diary na iniwan ni Teresita.

July 7, 2018. Nag-hiwalay kami ni Paulo. Alam ko na may kasalanan ako, subalit may kasalanan din naman siya.

Ito naman ang sumunod nakasulat sa Diary na siyang binabasa ko habang nakahiga sa kama. Kagigising ko lang at around 3:15 PM.

Mabuti na lang at pumayag ang mga magulang ni Teresita na mapasa-akin na muna ang diary, nang sa ganoon ay mas mausisa ko ito nang maigi at matiwasay.

Kaibigan ko si Audrey, pero bakit siya ganon? Kaibigan din naman niya yun eh. At isa pa, bakit paniwalang-paniwala si Paulo roon? Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung paano yun nangyari.

Aaminin ko na hindi ko talaga maintindihan ang kanyang gustong ipahiwatig. Na para bang may nakatago sa bawat pagitan ng mga linyang nakasulat. Bukod pa rito ay naging kapansin-pansin din sa unang pahina na bago niya lamang itong naisulat. Ibig sabihin, kamakailan lang din ang mga kaganapang ito. Pero isa lang nasisiguro ko, may bago na namang lumantad na pangalan—si Audrey.

Ano nga ba talaga ang ginawa niya? At ano ang nangyari para humantong ito sa pagki-kuwestyon niya sa pagkakaibigan nila ni Audrey at sa relasyon nila ni Paulo?

Para sa akin ay hindi ito isang pangkaraniwang diary. Sinadya niyang magsulat ng hindi kumpletong detalye rito at paputol-putol ang mga mensahe. 

Nakita niya ang lahat ng pangyayari sa may parking lot. Kahit ako, hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari; basta't biglaan na lang na ganoon. Alam kong nagalit siya sa kanyang nakita. Maging ako naman din.

Dahil dito ay napag-pasiyahan kong puntahan ang bahay ni Paulo. Nakasulat naman din ang address niya sa backpage ng Diary, sa 'di malamang dahilan, kaya agad ko itong natunton.

Nang makarating ay agad akong kumatok ako sa kanilang gate at pinagbuksan naman ako kaagad ng isang matandang babae na naka-duster. Maputi na ang kanyang buhok at medyo singkit ang mga mata.

"Bakit po?" Tanong pa nito sa akin matapos niyang buksan ang pinto.

"Good morning po, Ma'am. Ako po si Detective Zachary Tamayo. Gusto ko lang po sanang makausap si Paulo." Ito ang sinagot ko sa matanda nang bigla kong nakita ang bahid ng pag-aalala sa kanyang mga mata matapos yun marinig.

"Bakit po? Ano po ba ang ginawa ng anak ko? Wag naman po! Hindi po masamang tao ang anak ko."

Ipapaliwanag ko sana sa matanda ang sadya ko nang biglang lumabas si Paulo sa kanilang bahay.

"Ma? Sino yan?" Tanong pa nito sa matanda.

Ako na mismo ang sumagot sa tanong niya para 'di na kami mag-aaksaya pa ng oras.

"Good morning, Sir. Ako po si Detective Zach--" Bigla akong natigilan nang bigla itong sumabat kahit hindi pa ako tapos sa pagpapakilala ko sa kanya.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon