Chapter 7

1 0 0
                                    

Go home.

Napa kunot noo naman ako ng mabasa ang text nya sa akin. Bakit ba sya nag mamadaling pauwiin ako? Ako lang naman ang tao dun😣

Mamaya pa ako.

Nag lakad ako papuntang mall para bumili ng mga chocolates na gusto ko.
Bukas na ang night out sa bahay at mukhang hindi yun matutuloy dahil LQ ang apat. Hay naku,sabay sabay talaga sila ha.

Kumuha ako ng mga chocolates na gusto ko,habang nagbabayad ako ng binili ko ay nag ring ang cellphone ko.
Si killer pala,wala syang pangalan sa cellphone ko dahil hindi ko sya kilala.

"I said go home!!"Singhal nya sa kabilang linya. Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil ang lakas ng boses nya. Ano nanaman ba ang sakit nya?

"Don't shout!"naku kung wala lang talaga ako sa public place ay sisigawan ko din sya pabalik.

"Go home or dead."banta nya saka ibinaba ang linya. Ano bang pakialam nya kung hindi pa ako nakaka uwi? Tatay ko ba sya?! Nanay ko ba sya?! O baka sya ang Ate ko?! At bakit ang high blood nya na naman.

Pagka bayad ko ay nagmamadali na akong pumara ng taxi. Wala na akong natanggap na text o tawag mula sa kanya.

Someone POV

"Who's the lucky girl?"tanong ng lalaki sa kausap nito.

"Dana Marquez sir. Nag aaral sa *toot* university. Nakita syang kasama si Fierce noong nakaraang araw pa."sagot ng lalaki.

Napa buga ng usok ng sigarilyo ang lalaki saka napa ngisi.

"Find the girl and bring her to me."sabi nya. Agad tumango ang lalaki saka umalis.

Fierce Von Real,natibag kana ba dahil sa babae lang? Gusto mo talagang mag karoon ng surprise,just wait at magugulat ka na lang. You will loose too the most important girl in your life.

End of pov

Pagkababa ko ng taxi ay diretso akong pumasok ng bahay. Akama kong bubuksan ang pinto ng malamang naka bukas ito. May mag nanakaw bang naka pasok sa bahay?!

Agad akong pumasok at nagulat ng bumukas ang ilaw sa living room. At nakita ko ang lalaking panay ang tawag sa akin kanina. Natigilan ako,trying to process why he's here? Akyat bahay ba sya?! O budol budol gang?

"Why are you so late?"tanong nya na naka tayo at naka pamulsa habang matalim na ang titig sa akin.

"Ako dapat ang magtanong sayo. Bat ka nandito?"tanong ko.
Kabute ba sya?! Bakit lagi nalang akong nabibigla na nandyan pala sya.

"Small thing. Can you answer my question?! "Singhal nya nanaman sa akin. Napa hawak nalang ako sa batok ko,nakakainis talaga ang killer na ito. Sya pa talaga ang may ganang magalit ha. Pero ng maalala ko na naman na kaya nya akong patayin ay binaba ko na ang pride ko.

"Bumili ako ng chocolates!"sagot ko saka inilapag ang mga ito sa lamesa ng living room.

"Are you a child?"tanong nya sa akin na ikina tigil ko. Hinarap ko sya at pinandilatan ng mga mata,nakaka wala sya ng pasensya.

"Bakit bata lang ba ang pwedeng kumain ng chocolates na yan?!"balik ko ng tanong sa kanya.

"What did you hear?"naka taas na kilay nyang sabi.
Inirapan ko sya saka pumunta ng kusina. Binuksan ko ang ref para kumuha ng cookies,pero pag bukas ko ay wala ng laman ang cookies box na nandun.

Hinarap ko ang lalaking naka tayo sa gilid ng ref. Kung titingan he looked so inosent,na hindi nya makakain yun.

"Bakit mo inubos?!"sigaw ko sa kanya. Maiiyak talaga ako dito,cookies ko yun tapos kinain nya? Akala ko ba para lang sa bata ang chocolates?!

"It so delicious,i can't resist."parang walang gana nyang sabi saka uminom ng tubig. Kahit naman siguro umiyak pa ako dito,patayin ko pa sya ay hindi nya na maluluwa ang cookies ng buo.

Pinakalma ko na lang ang sarili ko saka sumagap ng hangin.

"Umalis ka na nga. Wala akong ipapakain sayo."sabi ko. Totoo naman yun dahil hindi naman ako marunong mag luto. Si Ate lang naman ang marunong mag luto sa aming dalawa.

Akala ko aalis na sya pero natigilan ako ng makitang nakatayo padin sya at tiningnan lang ako. Adik na naman sya😑. Naiilang pa naman ako sa mga tingin nya.

"May dumi ba ako sa mukha?"tarantang tanong ko sa kanya.
Lumapit sya sa akin saka niyakap ako ng mahigpit. Nagulat ako sa ginawa nya. Mood swing talaga ang isang ito,kanina lang ay akala mo kakainin na ako pero ngayon yayakapin nalang ako.

"Let's stay this for a while. Can we?"parang batang sabi nito sa kanya. She sighed,ano pa nga bang magagawa nya? Saka pakiramdam din nya ay ang sarap kayakap ng mokong na ito.

Ang bango pa ng perfume nito,nilanghap nya pa ang amoy nito. Sabi nga nila 'grab the chance'

"What's your perfume?"tanong nya sa kayakap. She smiled while she flash back the moment when this man ask her perfume.

"Why? Do you wanna used it?"natatawang tanong nito sa kanya. She knew it! Yun ang sagot nya sa kanya ng tinanong sya nito. She smiled.

"I'm tolerate this killer who I doesn't know."sabi nya. Totoo naman kasi,hinahayaan nyang niyayakap sya nito pero kahit pangalan ay hindi nya alam.

Bumitaw ito sa pagkakayap sa kanya na medyo nahinayang pa sya. Naka ngiti ito sa kanya saka  inilahad ang kamay.

"Fierce Von Real...and you are Dana Marquez right?"sabi nito saka kinuha na ang kamay nya para makipag shake hands. Natawa nalang sya sa inasta nito. Maganda ang pangalan nito,which suits his attitude.

"Hey! How did you know my name?"naka ngiti nyang sabi.

"I get an investigator for you. "Proud na sabi nito na ikina irap nya sa hangin. Pina imbistigahan pa talaga sya,adik nga.

"Umuwi ka na. May pasok pa ako bukas."sabi nya saka mahinang tinulak si Von. Natawa naman ito.

"Saturday tomorrow baby."naka ngising sabi nito. Nanayo ang balahibo nya sa narinig na itinawag sa kanya ng kausap.
Umiwas sya ng tingin dahil pakiramdam nya ay naka tingin pa ito sa kanya. Umiinit ang mukha nya! She really feel embarrassed!

"Argh! Wala kang pake,papasok ako bukas. Tabi na nga!"sabi nya at akmang aalis ng kusina ang humarang ito sa dadaanan nya. Pinanlakihan nya ito ng mata para lang makitang hindi nya gusto ang ginawa nito.

"I know na hindi kapa kumakain so I cooked for you."sabi nito saka inakbayan sya para maupo nasa silya.
Whoa! Nagluto si Von para sa kanya?!
Tingnan nya ang mga niluto nito na naka tago pa sa ref. Bakit hindi nya yun napasin kanina?

Na excite naman sya kung ano ba ang niluto nito para sa kanya. Naglaway pa sya ng makitang adobong manok ang nakahain at fried chicken.
Bakit naman nalaman ang favorite nya?

"Ops,dont eat until I join you."sabi nito at naupo na naman sa katabi nyang upuan. Sinamaan nya ito ng tingin,gutom na sya pero kailangan talagang sasabay silang dalawa?!

"Eat,dont wait me to feed you. You said youre not a kid."naka smirk na sabi nito sa kanya na ikina irap nya. Inuulit talaga nito ang word na 'bata' barilin nya na kaya ito para tigilan na ang kaka bunganga nito.

Kumain sya ng magana,syempre ang sarap kaya ng pagkain na nasa harapan nya. Tapos na ang kasama nyang kumain pero hindi pa sya tapos. Alam nya namang naka I'm tingin ito sa kanya kaya hindi nya ito nililingon.

"Ayaw mo na?"tanong nya dahil kanina pa sila tahimik. Saka baka gusto pa nitong kumain nag iinarte lang.

"I'm full. "Naka ngiting sagot nito.
Napapa dalas naman ata ang pag ngiti nito sa kanya,hay naku iba na talaga ang may sira sa utak.

"Ang dami mong nakain,you should eat like a model."sabi nito ng naka higa na sila sa kwarto nya. Plano pala nitong matulog dito sa bahay nila😑

"I'm sexy "proud nyang sabi,ang sexy nya kaya kahit kumain pa sya ng marami.

"Tss .."sabi nito saka niyakap na sya para makatulog. Dahil tahimik na ito ay hindi na din sya umimik dahil pagod na din sya.

Bad Boy's Queen 1:Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon