I’m Edward. At ito ang istorya ko.
Everyday akong sumasakay ng Jeep.
Iba-iba yung taong nakakasalamuha ko.
May ibang matagal ko nang nakakasabay sa pagsakay.
May iba ring bago.
Pero sa lahat ng taong nakakasabay ko araw-araw,
May isang babaeng kumuha ng atensyon ko.
. . .
It’s been a month since nagbreak kami ng girlfriend ko.
May ibang buhay na siya.
May bago.
2years na sana kami bukas.
But kailangan kong tanggapin.
Ganon naman talaga eh.
Nagmove-on ako at kinalimutan ko siya.
Ayoko na rin namang ma’stuck sa buhay na walang kulay.
Alam nating lahat na mahirap.
Pero kailangan pa rin nating gawin.
Nagkaroon ako ng magandang trabaho.
At nagfocus nalang ako dun para gumanda buhay ko.
Bilang isang Bank Teller sa isang malaking bangko sa Manila.
Araw-araw akong sumasakay sa jeep.
Iba-iba yung taong nakakasalubong ko.
Pero sa dami ng tao sa jeep,
May babaeng kumuha sa atensyon ko.
Araw-araw kaming nagsasabay sa pagsakay ng jeep.
Iba-iba lagi yung suot nya.
Baka Call Center Agent sya.
Palagi siyang sumasakay sa front seat.
Bumababa naman siya sa Divisoria.
Doon din ako bumababa papunta sa trabaho ko.
…
Kinabukasan nakita ko na naman sya.
Sabay nanaman ulit kami sa jeep.
Pagdating ng Divisoria, bumaba kami.
Nagmamadali siya sa paglalakad.
At sa sobrang pagmamadali, nadapa siya.
Nilapitan ko siya agad.
Para matulungan.
“miss, okay ka lang ba?”
“oo, salamat ha”
Tinulungan ko siyang tumayo.
“palagi kitang nakakasabay sa jeep.”
“ha? baka hindi ako yun.”
“ikaw yun. nasa front seat ka nga palagi eh”
“baka iba yun. bihira lang ako sumakay ng jeep eh.”
“ah ganun ba? saan ka ba papunta?”
“sa bahay ng kaibigan ko”
“malapit lang ba ditto?”
“oo.”
“ako nga pala si Edward”