Sa tuwing ikaw'y nakikita
Lumiliwanag ang aking mga mata
Bumabaliktad aking sikmura
Minsan ay kinikilig paHindi ka matitigan ng deretsuhan
Ngunit paglikod mo ay aking pagsisisihan
Gusto kong agawin ang atensyon mo
Pero alam kong hindi ko kaya itoIkaw ang gusto kong makita
Ngunit hindi alam ang gagawin kung nariyan ka
Bakit nga ba ganito ang aking nadarama
Sa iyo oh aking sintaLagi kang nariyan sa isipan ko
Oh sinta ikaw ang bumubuo ng araw ko
Ngunit nalulungkot ako kung naiisip ko
Na malabong magkaroon ng ikaw at akoDahil ikaw'y parang isang bituin
Na maningning at mahirap abutin
Mahirap man para saakin na tanggapin
Na hindi ikaw ang para saakinNgunit nagpapasalamat ako saiyo
Dahil ikaw ang naging inspiasyon ko
Sana manlang ay mapansin mo
Ang lihim na pagtingin ko saiyoNgunit paano mo magagawa ito
Kung nasa iba ang atensyon mo
Masaya ka kapag kasama ang iba
Samantalang ako ni mahawakan ka manlang ay hindi ko magawaAkala ko ay simple lang ang aking nararamdaman
Ngunit iba ang sinasabi ng aking puso't isipan
Tila dahan dahan ng nahulog
Nang hindi ko manlang namamalayanAm I falling in love with you
Hindi maaari dahil bata pa ako
Pero sana lang ay malaman mo
Na ang damdamin ko'y hindi magbabago
YOU ARE READING
The TRUTH
Ficción GeneralMinsan mo na bang naisip kung gaano kaimpluwensiya ang systema natin sa ating pang araw araw na gawain? Siguro nga't hindi natin namamalayan na isa na tayo sa mga sumasabay sa uso. Para sa ating mga millenial ito kaya siguradong makakarelate kayo.