Disclaimer: This is a fiction story. All of these were made up of imagination. Details may be incorrect.
Bata pa lang ako eh madami na akong pangarap. Madami na akong pinapangarap na tila suntok sa buwan pero kaya naman kahit papaano. Ako nga pala si Kiko, ang 17 year old na nangangarap ng suntok sa buwan. Nabuhay na walang kalinga ng mga magulang kahit meron akong mga magulang. Gusto ko sanang marinig niyo ang kwento sa likod ng mga suntok sa buwan kong mga pangarap.
Isang araw, nagdri-drive ako sa may tabing dagat. Syempre, feeling forever alone ang setting at emote emote din habang sunset. Di mawawala ang sountrip sa pag-eemote diba? Eh di pinapatugtog ko ang paborito kong kpop songs. Di ko namalayan na unti unti nang lumalakas ang aking pagkanta hanggang umabot sa punto na feel na feel ko na ang aking pagkanta. Biglang nag-play ang kanta na Dream High. Natandaan ko na isa sa mga kumanta nung kantang toh eh si Suzy na leader ng kpop group na Miss A. Bigla kong naalala ung napanood ko kagabi sa TV na fi-neature si Suzy at kung gaano kahirap ung pinagdaanan niya nung mga araw na pasikat pa lang siya. Napagtanto ko din na meron din pala akong chance na maging ganto. Napamura ako bigla nung naalala ko ang isang pangyayari 4 years ago.
Biglang bumalik sa ala-ala ko ang araw na hinding hindi ko malilimutan. Ito ang pinakahihintay naming araw ng bestfriend ko na si Gabby. Contract signing kasi namen dahil pangarap naming dalawa na mag debut on stage. Kinuha kami ng isang entertainment agency sa korea dahil pangarap din naming sumikat at i-showcase ang aming talento sa buong mundo. Pero, hindi ganon ag nangyari nung araw na yun. Hindi pumayag ang parents ko na mag punta ako sa korea upang mag debut on stage. Bakit? Sa buong buhay ko eto lang ang hiniling ko sa kanila. Buong buhay kong hinanap ang kalinga nila pero nasan sila? Ngayun lang nila ako pagbibigyan ayaw pa nila. Bigla akong napatakbo palabas ng building sa sobrang sama ng loob ko. Sumunod din naman si Gabby.
“Kiko, pwede naming hindi ako pumirma eh. Ayaw ko namang umalis ako ng wala ka. Hindi ko kakayanin Kiko.” Sabi ni Gabby habang umiiyak at nakayakap sa akin.
“Hindi Gabby, aalis ka. Hindi pwede ‘yon. Di pwedeng maudlot pangarap mo dahil sa hindi matutuloy ung sa akin.” Maluha-luha kong sambit sa kanya.
“Kiko, hindi ko kaya. Hinding hindi. Kiko, alam mo naman na...”
“Oo... Alam ko Gabby. Ganon din. Kaya nga sundin mo na mga pangarap mo. Wag mo na akong isipin. Alam kong matagal mo nang pangarap toh. Pangarap natin. Pero ung sa akin, di nga lang matutupad.” Sabat ko sa kanya.
“Kiko... Gagawin ko toh para sayo. Lahat ng ito, di ko maabot kung wala ka.”
At ganoon nga din ang kinahinatnan, umalis si Gabby at sumikat. Pero pagkatapos nun eh hindi na kami nakarinig ng kung ano sa kanya.
Bigla akong bumalik sa aking sarili nung marating ko na ang tollgate sa bandang SCTEX. Hayun at nagbayad at binaybay ko ang daan papuntang Subic para magpunta sa aming OJT sa isang international bank dun. Economics kasi ang course ko. Since, ayun nga, hindi ako nakapunta sa Korea, nag-aral ako ng college. Swerte ko at nakapasok naman ako sa UP. Hindi naman ako matalino pero hindi na nga natupad ung pangarap ko, bibitinin ko pa pag-aaral ko. Eto rin kasi ang gustong maging course ko sabi ng parents ko. Syempre, wala ngang democracy sa pamilya namen diba? Kaya eto na rin pinili ko at sa katagalan, minahal ko na din.
Nakarating ako sa Subic ng mga 7:30 ng gabi at nag-check in ako sa isang 5 star hotel. Tinignan ko ang phone ko at may 2 missed calls ako mula sa isang roaming number. Nagtaka ako kung sinu ito. Sinubukan kong tumawag ulet pero hindi naman sinasagot. Dinala na ako nung usher dun sa suite ko at nagpahinga sandali.
