Biglang tumigil ang own little world ko. Dahil sa pagkabigla at pagkahiya, yumuko ulit ako.
Nawala ako sa aking sarili dahil hindi ko alam kung ano ang aking gagawin o sasabihin.
Narinig ko nalang sina marie at sharry na tumatawa ng malakas.
Walangya ‘tong dalawang to. Pinahamak ako. Magbabayad sila.
“ mag HI ka ranz.” Narinig kong sabi ni marie
Dahil sa napaka bait nyang nilalang, ginawa naman niya ito.
“hi. umm.” Tumingin siya kina sharry “ anong pangalan niya?”
“pam. P-A-M” agad naming sagot ni sharry
Tumango si ranz. “ hi pam.”
Hindi pa rin ako maka tingin sakanya. Di ako prepared eh. Kung sinabi sana nila na ipapakausap nila ako kay ranz, eh di sana nakapag handa ako. You know? Naka pa make up, naka ready ng speech. Eh ang kaso! Bigla bigla naman tong sina sharry
“ tingnan mo naman siya pam.” They both said
“oo nga, pano naman kita makikita, eh naka yuko ka?” mahinahong sabi ni ranz my love
No! hindi pa rin ako tumingin sakanya. Napa tingin naman ako bigla sa loob ng room at nakita kong pinagmamasdan kami ni Tristan. Kinabahan ako. Baka isumbong niya ako kina mader dear at mapa aga ang delubyo.
Hinawakan ko na lang si ranz sa balikat at mahina ko siyang tinulak paalis.
“ sige na po. pasensya na. salamat po sa pagpunta.” Sabi ko.
May PO talaga? Opo naman po, magalang ako eh.
Tumakbo ako ng mabilis papasok ng room, umupo at tinago ang aking mukha.
GOSH. I’m blushing. Haha. Landee.
Sumulyap ako sa lugar kung saan nakatayo kanina sina ranz. Bad news: wala na siya.
Kasi naman eh. Ang tanga ko.pe keme pa ako kanina. Kung kinausap ko yun eh di may official 1st conversation na kami.
Napapadyak ako.tanga tanga kasi ni pam eh.
Lumapit sa akin sina sharry at marie
“ oh, anong nangyari teh?” patawang tanong ni sharry
“ akala ko ba malakas loob mo, gusto mo siyang makilala diba?” dugtong ni marie
“ oo nga . pero nabigla naman ako sa diskarte niyo!” sagot ko
“ pasensya naman.” Sabi nila habang tumatawa.
I rolled my eyes at them then nag ready nalang ako para sa klase namin.
As usual di ulit ako nakinig sa mga lesson. Inisip ko lang the whole day si ranz. Buti nalang hindi rin ako napansin at natawag ng mga teachers ko.
After class, naglinis kami ng bonggang bongga naming room. Parang may ikagaganda pa eh noh? Asa pa kami.
Konti nalang kaming dedicated mag linis ng aming ever wonderful room. Nakaka pagod talaga maglinis,lalo na kapag alam mong todo effort ka pero wala namang nangyayari. Parang sa LOVE todo effort ka para sakanya, taga dala ng bag, taga gawa ng assignment, taga cheer pag may contest, taga bayad ng pamasahe pero ang ending NGANGA.
Buhay talaga. So unfair. Nirelate talaga yung paglilinis sa love. Ano naman yun? XD
After namin maglinis lumabas na kami ng room at nagsimulang maglakad papuntang gate. Ang layo ng room namin eh. Pag dating namin sa gate, ako ay may nakita, hindi ko sasabihin,kapag ako’y pinilit sasabihin ko rin. Kaya pilitin niyo ako. :DD shunga lang?
Nakita ko si ranz, nakaupo sa bench. Lakas talaga ng appeal niya, naka earphone siya and he was dancing to the beat of the music.
Natulala ako sakanya. T*ngina naman oh! Heaven sent ang gago. Bumilis tibok ng puso ko mga 100000miles/ second. Every move he makes napapangiti ako. Meron talaga siyang SWAG.
S- sobrang
W-wagi
A-ang
G-galaw at kilos
RANZ! Why are you so perfect.
“ suuuuus! Ngayon tumitingin tingin ka eh kanina kaharap mo na di mo pa kinausap!!” sabi ni kylie
I snapped out. “ kanina yun!” sigaw ko.
“ halika lapitan natin si ranz.” Tristan suggested
“ batukan kita jen eh! Bakit, close ba kayo?” tanong ko.
“ hindi :D” sagot niya
“ ikaw talaga Tristan. Feeling close ka parati.” I said
Napa kamot sa ulo si Tristan.
Maya maya may dumating na tatlong lalaki. Kabarkada ata ni ranz eh. Lahat may itsura. Pangit nga lang. joke. Lahat gwapo. No wonder kabarkada ni ranz
“ sino sila?” tanong ko kay Tristan
“ yung maputi sa kaliwa si dave yun” tinuro ni Tristan si dave. Dave? Diba yan yung gusto ni marie? Gwapo nga. “ yung mestiso si ryan yun.” Tinuro niya ulit. “ at yung nasa gitna, diba si ed yun?”
Si ed, dating manliligaw ni kylie, masyado pang bata nun si kylie kaya hindi niya lang siya pinansin, sobrang nasaktan nun si ed. Halata naman kasing sobrang mahal niya si kylie eh. It wasn’t the right time nga lang.
“ laki na nang pinagbago ni ed ah!” I said to him
“ oo nga, lalo siyang naging gwapo dahil sa naranasan niyang heartbreak kay kylie.”
“ saklap noh? Bagay sana sila.” sabi ko.
Tumango nalang si Tristan. Ano kaya ang magiging papel nila sa buhay namin nina kylie? Pano ba ako makakakuha ng lakas ng loob para kausapin si ranz. Talaga bang totoo tong nararamdaman ko para sakanya, o maling pana nanaman ito ni kupido.
--
Author’s note: di ko mapigilan mag update ehh. Adik kasi ako.XDD
Keep reading mga dude!

BINABASA MO ANG
My Love, Please Be Mine ♥
RomanceAraw- araw ginaganahan pumasok sa school, hindi para makakuha ng baon, hindi rin upang may matutunang makabuluhan, kundi upang may masulyapan. Kung iisipin, mali ang rason ko eh, pero aminin RELATE kayo. Ito ay ang kwento ni Pam, isang simpleng high...