"All passengers of FLIGHT 3381 Davao to Manila please proceed to the airplane blah blah blah!!"
teka flight ko yun ah!!
pagkatapos ng mahabang bakasyon ..
FINALLY makakauwi na rin ako sa Manila.
kahit mausok,madumi at mabaho dun...miss na miss ko pa rin yun.
Ako nga pala si Mariel Lauraya, iel tawag nila sakin.
sounds good kaya di na ako pumalag..
kaysa naman kurdapya o kaya neneng..
ang bantot..
Mahilig ako sa ADVENTURE,HORROR,at syempre yung mga bagay na unexpected.
andito na ako sa eroplano,hinanap ko yung upuan na nakalagay sa ticket.
hanap
hanap
hanap
hanap
GOTCHA!nakita ko rin sa wakas.
Ilalagay ko na sana yung bagahe ko dun sa closet o kung ano mang tawag dun kaso....
Hindi ko abot>.<
kulang pa talaga ako sa height,alam niyo ba pinangarap kong mag-flight attendant kaso pinigiln ako ng tatay ko...
sabi niya "mag cherifer ka muna"siya na mismo nagsabi kaya binura ko na sa 3 choices ko ang pangarap kong yun..
Balik sa reality..
"miss ako na!"sabi nung lalaki sa likod ko tapos sinalansan niya yung hawak kong bag...
"thank you!!"sabi ko tapos umupo na ako sa upuan..
makatulog nga muna..ZZZZzzzzZZzzZZ
"hmmmm..."naalimpungatan ako..feeling ko kasi may nakatingin sakin??
guni-guni mo lang yun Mariel ,halos lahat ng tao dito tulog ehh..
OUCHHH!!ang sakit ng puson ko...hala!
meron ata akong red alert..hindi pwede!!
makapunta nga sa C.R. baka malay niyo wala naman talaga tapos dala lang pala ng gutom..
sana nga gutom lang!!
praise the Lord!
Pagpasok ko sa C.R.,tiningnan ko yung ano...
basta yun..
at ayun nga,meron akong dalaw!
anu ba yan! kung kelan wala ako sa lupa tsaka pa ako nagkaroon..KAASAR!!!>.<
Sinong tutulong sakin!nasa bag yung napkin ko...=.=
sana may dumaan(crossfinger)
"knock knock"OMG may tao..
"ahmmm,..teka!baka matagalan ako dito kasi may unexpected na nangyaari,baka pwede mo namang kunin yung bag ko sa SEAT 24!!!pleaseeeeee!!! maawa ka na!!nu kasi may dalaw ako at feeling ko natagusan yung suot kong jeans!!
kainin ko na lang ang pride ko kaysa naman matulog ako sa C.R.
walang sumasagot...
"ahmmm..hello...my tao pa ba dyan??"binuksan ko yung pintuan ng banyo at syempre mga 1/4 lang.tapos nakita ko yung lalaki na nkatitig sakin...
umiwas siya ng tingin...grabe kawawa naman si kuya!!nahihiya siguro..
binaba ko yung tingin ko at nakit ko yung napkin na hawak niya...
ang masasabi ko lang sa kanya..
"ang tapang mo kuya!!ikaw na!!"
"salamat ng marami!" lumakad siya palayo kaya hindi ko alam kung narinig niya yung sinabi ko..
FAST FORWARD
nalagpasan ko na ang unexpected at nakakahiyang bagay na yun...teka nasan na si kuya,yung tumulong sakin??
Hmmm...?
nakita ko siyang nakheadset tapos natutulog..tinitigan ko siya ng mabuti at si kuya may pinagmamalaki....
MUKHA KASING CELEBRITY!!!napaka yummy naman..!
teka!erase..erase... mariel isa kang dalagang filipina...OKEY!
"malapit na pong bumaba ang eroplano,siguraduhin po nating nakasuot tayo ng sinturong pangkaligtasan at wala na pong tatayo sa kinauupuan para maiwasan ang aksidente...salamat po!"
"OKEY!!eto na yun...HELLO MANILA ,HERE I COME!!"sabi ko habang nakatingin sa bintana ng eroplano.AMAZING O_O > ^______^
"hahaha!"ay ganun,makaeksena naman..tama bang ipagbulgarang masaya siya...sino ba yun??
naglanding na yung airplane...GRAVEH!!naaamoy ko na ang Manila ...yehey!!
pagtayo ko may nalaglag na papel sa lapag..binasa ko yung sulat...
Hi!masyado kang pansinin,kanina pa kita tinitingnan,mukha ka kasing isip bata at probinsyana..Parang lahat ng bagay sa mata mo maganda!
Natuwa nga ako nung hindi mo abot yung closet,nagka-chance ako na makita ka ng malapitan..
Ang cute mo pala!
kakaiba din yung ugali mo kanina..hindi k man lang nahiya na pinakuha mo ang isang lalaki ng NAPKIN..nice!
your'e very interesting
ALDEN
ay parang putol yung letter pero parang nakaramdam ako ng kilig at kaba..ANU BA YAN?kinikilabutan ako sa kanya...
Pagbaba ko ng eroplano,nakita ko siya na pinapalibutan ng mga babae na may hawak na banner at papers...
binasa ko yung nakasulat sa banner...
"ANNYONGHASEO ALDEN LEE OPPA,SARANGHAMNIDA"anu yun..di ko gets??
"miss sino na yung lalaki?"tanong ko dun sa babaeng tili ng tili...
"tao ka ba talaga??hindi mo kilala ang half filipino,half korean na si ALDN LEE??nagbakasyon siya dito sa Pilipinas !!AHHHHHHHH!!ang gwapo niya talaga!!AHHHHHH!!
sikat siya sa Korea!!singer at actor yan ghurl!!"
"Ahhh"nga-nga na lang ako..ibig sabihin artista siya..sabi na nga ba!!
hay ewan makaalis na nga dito..
aalis na sana ako nng biglang may humawak sa kamay ko.....
sisipain ko sana siya(martial arts you know)bigla niya akong hinalikan sa noo...
"Ikaw pervert ka noh!!!"sabi ko sa kanya habang nakatulala..ikaw ba naman halikan ng gwapong nilalang di ka ba matutulala...
nilapit niya yung mukha niya sakin!
"HEPHEP!ANU KA SINUSWERTE!!"sabi ko sa kanya pero hindi man lang natakot,nilapit niya pa lalo yung mukha niya sakin...
tugtugtugutugutugutug....
puso ko!teka!!napapikit ko..(feelingera echos)
waiting for another kiss.....kaso wala...
tapos may narinig akong tumawa..
minulat ko yung mata ko at nakita ko siyang nagpipigil ng tawa tapos titig naa titig sakin...MATUTUNAW AKO!!
nahiya naman ako kaso lamang talaga yung kilig...AYIEHHHHHHHH
bigla niya akong niyakap tapos bumulong siya sa tenga ko....
"I want to know you better"
THE END
A/N:sana magustuhan niyo...isang araw ko lang yan ginawa!!!salamat!!