The First Mission: THE HUNT (Part 2)

1 0 0
                                    

Hi! 

Here's a new Chapter!

Enjoy!

***

Erena's PoV

It's been 2 days since we left  Isagan, Ang baryo bago ang Cardenal. Marami kaming natuklasan patungkol sa Mystique Forest at kailangan talaga ng ibayong  pag-iingat.

Hindi kagaya sa ordinaryo na kagubatan, Ang Mystique Forest ay puno ng hiwaga at kababalaghan.

Marami ang nilalang na naninirahan dito at puno ng mahihiwagang patibong na pwedeng ikapahamak ng sinumang mapangahas na nagbabalak gambalahin ang kapaligiran ng Kagubatang ito.

Kagaya na lamang ng pagsalakay ng mga Halponyan o mga demonyong hyena. Ito ay nabibilang sa hanay ng mga aso na gutom na gutom sa laman. walang pinipili at ito ay napaka agresibo at isa sa nakakabahala dito ay ang paraan ng pangangaso nito dahil ito ay parating nakagrupo kapag manghuhuli ng kanyang biktima. Buti nalang at nandoon kami pareho ni Proxy. Although curious pa rin ako sa kapasidad ng kaniyang abilidad. 

Halos parehas kami ng abilidad ngunit makikita ang mga ka-ibang konsepto nito at pagkaka-iba sa pagitan ng aming kapangyarihan.

Itinaas lamang ni Proxy ang kanyang kamay at may lumabas ng itim na enerhiya dito at hinigop ang kalahating grupo ng mga Halponyan. 

"Take Over. Ang abilidad na kayang magmanipulate ng nilalang at abilidad nito patungkol sa mga Demonyo at itim na kapangyarihan." Nakangiting pagbigkas nito sa aming likuran." Kaya kong gamitin ang abilidad ng kung sino man na demonyo o mga nilalang na nakadepende sa itim na mahika kapag ito'y nahigop ko.dagdag pa nito. 

Kita ko ang paghanga ng aking mga kasama sa ipinakita ni Proxy. Balak pa niya sanang tapusin ang mga natitirang mga halponyan kaya naman pinigilan ko siya. Kita sa kanyang mga mata ang pagtataka ngunit nakuha niya agad ang aking punto at ngumiti siya sa akin at bumalik sa tabi ni Rylae na sa ngayon ay seryoso at nagmamatyag sa kaniyang paligid.

Pansin rin pala niya iyon? Napangiti na lamang ako sa matalas nitong pakiramdam.

Lumakad ako sa harapan ng aking mga kasama at hinarap ang mga Halponyan.

Sa aking pagharap sa kanila, i reverted my eyes to my Demon eyes at kita ko sa mata ng mga halponyan ang takot.

That's right. fear me.

"I Order you. All of you. to Help and Guide me and my comrades to this Forest." Utos ko sa mga nilalang na ito.

Halos hindi makagalaw ang mga nilalang na ito sa takot. ngunit may isang katangi-tangi na Halponyan ang Lumapit sa akin at nagbigay galang at unti-unti rin ginaya ng natitira pang mga kasama nito.

Sumilay ang kaunting ngiti sa aking labi ng makita ko ang naglalakihang mata at pagnganga ng aking mga kasama.

"Tara." pagbasag ko sa kanilang pagkakabigla.

at patuloy kami ngayong naglalakad patungo sa pusod ng Mystique Forest. Ayon sa Data na ibinigay ni Ms. Cryxalis about sa aming target ay mahilig ito lumugar sa  Batis na nasa pusod ng kagubatan.

*****

"Gah! nakakapagod naman! malapit na ba tayo?" pagmamaktol ni Proxy. 

tiningnan ko ang aking mga kasama at kita ko sa kanila ang pagod ngunit base sa mukha ni Rylae ay pinapakiramdaman niya ang nilalang na kanina pa sumusunod sa amin.

napangiti ako ng wala sa oras at kaagad itong binawe.

"Sige, Dito na muna tayo mag palipas ng gabi."pagdedeklara ko.

The Hidden one'sWhere stories live. Discover now