"It takes a minute to find a special person, an hour to appreciate them, a day to love them and a lifetime to forget them."
**
Hindi kailangang sabihing mahal mo ang isang tao dahil sa tagal ng pagsasama nyo. Minsan kung saan maikling panahon lang ang pinagsamahan nyo, doon mo pa malalaman ang kahalagahan ng taong minamahal mo.
**
Nakilala ko si Lemon dito mismo sa Wattpad. Paano?
stupidlemon000 has voted your story ************
stupidlemon000 has commented on your story ********
Ilang notification ba ang mga nakita ko na puro ganyan lang?
Puro sa isang tao lang nanggaling.
Nag PM ako sa kanya at nagpasalamat doon.
Ang reply niya?
"Hi, I'm Lemon, ikaw anong name mo? Ang ganda nga pala ng mga gawa mong story. Lalo na yung mga tula. =)"
Nagpasalamat lang ako, welcome lang naman sana ang hinihingi kong reply niya.. Pero Iyan ang nareceive ko. Ewan ko ba kung ano ang nag udyok sa akin, nagreply naman ako.
"Hello Lemon! Ako nga pala si Ayan. Maraming maraming salamat at nagustuhan mo ang mga gawa ko."
Sa simpleng pagpapakilala, dyan kami nagsimula.
Isa akong manunulat sa Wattpad. Hindi ko aakalaing ang isang katulad kong lalaki ay may talento din pala sa pagsulat. Mahilig akong magsulat ng mga tula, at ilang maiikling kwento. Ang pagkapad pad ko dito? Hindi ko na maalala kung paano.
Sa mga araw na online ako dito sa wattpad, natetyempo na naka online din siya.
Lagi niya akong piniPM at lagi naman akong nagrereply.
Karaniwang takbo ng usapan naming dalawa? Kamustahan lang, biruan at tanungan kung anong tungkol sa akin at minsan tungkol din sa kanya.
Alam kong makulit siya, halata naman sa way ng pakikipag chat niya sa akin.
Masayahin din siya. At napaka kwento. Ewan ko, pero sa twing kachat ko siya dito, napapangiti na lamang ako.
****
Ilang araw ang mga lumipas hanggang sa maging linggo.
Ang dating paminsan minsan kong pag oonline dito ay naging araw araw na, bakit?
Kasi dahil sa kanya.
Feeling ko hindi makokompleto ang araw ko pag hindi ko siya nakachat.
Ilang araw pa ..
"Lemonade! May fb ka ba? Twitter? Ym? Skype? Tumblr? Google account? Cellphone number? Pwedi ko bang makuha?"
Pinag isipan ko pa nga yan bago ko isend sa kanya.
"Ayantot, wala akong mga account eh. >o< Hahaha number ko na lang. =)) 092********, loadan mo ako ha?"
Ang abnormal talaga niya.
Isipin mo yon sa ilang linggo lang, ganyan na kami kaclose. May tawagan na.
**
Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo pa kaming napapalapit sa isa't isa.
Nakita ko na din ang account niya sa FB, Twitter at kung ano-ano pa.