SCHOOLBUS

932 23 8
                                    

SCHOOL BUS

Sa isang school bus nagsimula ang isang musmos na pag-ibig.

Nagsimula ito ng maganda, masaya at puno ng inspirasyon ngunit nagwakas ng may lungkot, may pighati at may naiwang sugat sa puso.

Makalipas ng ilang taon... nagkitang muli ang dating musmos na mga puso.

Kaya kayang hilumin ng tamang panahon ang isang pusong sugatan?

1

Sa tuwing makakakita ako ng school bus lagi kong tinatanong sa sarili ko: makatapos ang lahat, makatapos ang ilang taon, lumipas na ang sakit, lumipas na ang pighati magawa ko pa kayang balikan ang isang taong minsan na akong sinaktan?

Sa tuwing makakakita ako ng school bus, sa tuwing pagmamasdan ko ang mga estudyanteng iyon bumabalik sa alaala ko ang minsan. Ang minsang nakasakay din ako ng school bus, ang minsang pagiging estudyante ko at ang minsang naging bata rin ako.

Second year highschool ako non, sa tuwing darating ang school bus ay lagi akong excited, excited na pumasok sa eskwela. Weird man sa kapwa ko karamihang estudyante non na tamad pumasok ng eskwela pero mas masaya talaga ako kapag pumapasok ako ng school. Para sa akin non, ang school ang buhay ko, andoon ang mga kaibigan ko, kabarkada, kaklase, at mga tumatayo kong pangalawang magulang na mga teachers. Masasabi ko non na mas pamilya ko pang ituring ang school dahil na rin siguro sa pag-uwi ko ng aming bahay ay wala naman akong pamilyang nadadatnan.

"Good Morning Manong!" masayang bati ko sa driver ng school bus. Pumasok ako ng bus na iyon at saka umupo sa unang row ng bus na katabi ng bintana.

Umandar ang bus at huminto ito sa di kalayuan sa may bahay namin. "Pwedeng tumabi?" Napatingin ako sa lalaking nagtanong sa akin non.

"Ha?"

Ngumiti siya sa akin at inalis ang suot niyang head set, "May katabi ka ba? Baka pwedeng tumabi."

Napatingin ako sa paligid ng bus, marami pa namang espasyo sa ibang rows ng bus pero gusto niyang tumabi sa akin.

"Ayaw mo ba?"

Umiling ako, "H-hindi naman." Tumabi ako, " Sige, upo ka."

Ngumiti siya sa akin at tinabihan ako.

"New student ka di b a?"

Tumango siya sa akin.

"Galing akong Cebu, bago lang ako rito sa Manila."

"I see."

Pagbaba ko sa school bus ay sinalubong ako ng aking mga kabarkadang sina Ayi, Carla at ang kaibigan naming bakla na si Jilo.

Napangiti sila sa akin ng makita nilang katabi ko sa bus ang lalaking yun at sabay kaming bumaba.

"Sige, kita kits na lang."

"Sige."

Agad naglapitan sa akin ang aking mga kaibigan, "Uy di ba yun yung cute na transfer student."

"Ah, oo."

"Wow, close na kayo!"

"Close? Wala yun, naligaw lang yun sa tabi ko."

Bigla akong binunggo ni Jilo sa aming paglalakad, "Kahit na, ang swerte mo pa rin dahil nadikit ang balat mo sa balat niya."

"Hindi ah!" napayuko ako, naalala ko na sa tuwing prepreno ang bus ay lagi akong napapadikit sa braso niya, "Hindi naman masyado."

Nagtilian ang mga kasamahan ko, "Wow! Ang swerte mo talaga."

Kabibihis ko lang ng uniporme mula sa PE class namin. Lumabas ako ng CR nang mapansin ko na parang may bolang tumatalbog sa loob ng gym. Napatingin ako sa paligid, tahimik ito at ang bola lang na iyon ang tanging ingay sa buong gym. Bigla akong kinalibutan, ang bagal ko kasing magpalit ng uniporme kaya naiwan ako ng mga kasamahan ko at nagmamadaling bumalik ng classroom upang ayusin ang mga assignments nila.

SCHOOLBUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon