Jack Sebastian's POV
It has been one week since the day I left her. Tama nga ba? Iniwan ko siya? Gabi gabi kaming mag kausap ni Clara, palagi siyang nag kekwento sa mga nangyayari sa araw araw niya. Sobrang excited nga ako pag dadating ang gabi kasi do'n lang siya free, madami daw ginagawa sa kanila.
Tapos, nalaman din ng mga kamaganak niya at mga kapit bahay nila na nobyo niya ako! Ang bilis eh! Sobra daw silang natuwa kasi daw sa wakas nag ka nobyo siya kaso, yun nga, umalis ako.
"Sebastian, aalis tayo." Sabi ni Mama ng makapasok sa kwarto ko.
"Aano po?" Tanong ko. Umupo ako sa kama ko.
"Death anniversary ng Papa mo ah, nalimutan mo?" Kaya pala siya naka puti. "Bihis ka na, tapos aalis na tayo. Antayin na kita sa baba."
Nag bihis na ako. Nag puti akong long sleeves na polo tapos tinupi ko hanggang braso. Tapos nag tokong akong black.
"Ang gwapo ng anak ko!" Bati ni Mama nung pababa na ako. Supportive HAHAHA! Napangiti ako kay mama.
"Kanino pa ba mag mamana?" Biro ko. "Syempre kay Papa." Ngumisi ako at ngumisi din siya. Niyakap niya ako at sabay na kaming nag lakad palabas habang naka hawak siya sa bewang ko.
Dumiretso na kami sa sementeryo. Inilagay ang bulaklak. Umupo sa damuhan.
"Pa, anak mo may girlfriend na." Sabi ni Mama habang ngumingisi. "Magaling pipili anak mo, mukhang mabait tapos maganda pa." Tumitig lang ako kay Mama habang nag kekwento siya kay Papa tungkol sa'kin at kay Clara. Sobrang proud siya na kahit bago daw ako makuha eh nag ka girlfriend ako.
"Anak, ready na akong ilet go ka." Sabi ni Mama habang naka tingin sa'kin, maluha luha ang mga mata niya pero naka ngiti. "Sinulit ko na ang isang linggong nakasama ka, ngayon maging masaya ka na kay Clara."
Niyakap ko siya ng sobrang higpit, umiiyak na ako sa sobrang tuwa.
"Thank you, Ma! I love you!" Sabi ko at paulit ulit ko siyang hinalikan sa mga pisngi at sa noo niya.
"Tara na, gusto ko kahit papano makikita kita ng masaya. Ako na mag hahatid sa'yo." Niyakap niya ako sa huling pag kakataon ng tumayo na kami. Dumiretso kami sa bahay. Nanguwa ako ng mga damit at mga kailangan ko.
Sobrang saya ang nararamdaman ko. Nalulungkot din ako dahil kay Mama. Pero sa wakas! Makikita ko ulit si Clara! Gustong gusto ko na siyang mayakap! Gusto ko ng mahawakan mga kamay niya, gusto ko uling marinig ang boses niya sa personal. Gusto ko ulit siyang mahalikan sa pag sikat ng araw.
Sobrang excited na talaga ako! Umandar na ang sasakyan. Hindi ako natulog sa biyahe sa sobrang tuwa!
"Ma, salamat ng sobrang dami! As in sobra sobra! Kala ko hindi ko na siya makikita!" Hindi nawala ang ngiti sa aking mukha.
"Nakita kong masaya ka sa kaniya, hindi ko na kukuwanin 'yon sa'yo. Basta kung saan sasaya ang anak laging doon ang mga Nanay nila." Sagot ni Mama. Sobrang thankful ako sa mga nangyayari.
"Ah Ma, tutal ngayon lang ako na inlove. Pwede bang ikwento mo yung pano kayo nag kakilala ni Papa?" Ito yung unang beses na tinanong ko siya tungkol dito.
Bigla siyang napangisi. Sobrang ganda ng ngiti ni Mama, yung mga mata niya! Alam mo 'yon sobrang... basta sobrang saya! Parang kumikintab!
"Nag kakilala kami dahil sa mga kaibigan namin. Blind date 'yon. Una sobrang saya ko, nag ayos ako ng magara. Kailangan kong mag paganda syempre." Tuwang tuwa si Mama habang nag kekwento. Mahal niya talaga si Papa.
"So bale papunta na ako sa lugar kung saan kami mag kikita. Nag tetext kami sinabi niya sa'kin kung ano suot niya at sinabi ko din ang akin. Edi ako naman hinanap ko siya. Naka blue daw siya na polo na stripes tapos maong. Bigla akong napatigil at nawala ang ngiti sa mukha ko!" Ngumisi si Mama. "Nakita ko may edad na, hindi naman sa may edad na pero parang sobrang laki ng agwat sa'kin. So ako naman nag dalawang isip kung sisiputin ko pa ba. Tumalikod ako pero narinig ko siyang sumisigaw!" Mas lumakas pa ang tawa ni Mama.
"Nag lakad na akong mabilis no'n palayo sa kaniya. Gusto ko na ngang tumakbo eh! Kaso nahabol niya parin ako. Tawa ng tawa yung Papa mo no'ng mga oras na 'yon."
"Sabi niya, bigyan ko daw siya ng chance para mag pakilala. Umupo kami no'n tapos nag pakilala kami sa isa't isa ng maayos."
"Nilibre niya ako ng kung anong gustuhin ko, sobrang bait niya nga eh. Pag may batang kalye na nakatingin sa mga kinakain namin binibigay niya na lang yung kaniya." Parang si Clara. "Tapos sa lugawan, yung special lugawan, doon ako dinala ng Papa mo kaya nga pag lalabas tayo doon eh. Naging special place narin namin 'yon."
"Tapos ang sarap niya kasama. Walang oras na hindi niya ako pinatawa. Kinantahan niya pa ako. Tapos nag ligawan na kami. Dumalaw pa siya sa bahay no'n, masarap ding mag luto! Isa 'yon sa nagustuhan ko sa kaniya! Tapos nag swimming kami no'n hindi pa kami. Binigla niya ako ng tanong ang sabi niya 'sabihin mo kung mahal mo ako pero kung hindi titigil na ako', maiyak iyak ako no'n pero sa araw rin na 'yon sinagot ko ang Papa mo. Hanggang sa tumagal kami at nag plano ng mag pakasal."
"Ma, hindi ka ba nag sisi na bigyan siya ng chance?" Tanong ko. Napatahimik si Mama ng panandalian.
"Tingin ko mas mag sisisi ako kung hindi ko siya binigyan ng chance." Sagot ni Mama.
"Noon pa man naniniwala ako sa love at first sight. Pero iba yung nangyari sa'min ng Papa mo. Love at first bond." Oo nga! Parang nangyari sa'min ni Clara! Hindi pala, sa'kin lang nangyari kasi matagal na niya akong gusto.
Malapit na kami sa lugar nila Clara. I can't wait to see her! Sabi ko kay Mama sa baba na lang ako ibaba dahil may gagawin pa ako. Kiniss ko siya sa pisngi at niyakap ng sobrang higpit.
Pumitas ako ng iba't ibang mga bulaklak. Inayos ko ito. Wala akong naramdamang pagod sa pag lalakad ko pataas.
And then I saw her. Tumakbo siya ng mabilis papalapit sa akin at niyakap ko siya ng makalapit sa'kin.
At this moment. I, now believe in love at first bond. Face may attract you but personality will make you fall.
YOU ARE READING
Risking My Ephemeral Heart
RomanceDo you believe in love at first bond? Siguro malabo pero that thing happened to me. She's the first and last woman I've ever loved. This is our lovely story, a fast story I guess yet it will last for a lifetime, for us. Wala ng kwenta kung mabubuhay...