Narinig nyo na ba ang Phrase na ito?,"One Sided Love".... sa unang basa pa lamang ay parang sumasagi na sa mga isipan ninyo ang ang kahulugan ng Phrase na ito... narinig ko ang mga katagang ito sa isang Koreanovela na ipinipalabas ngayon sa isang malaking istasyon....
One Sided Love.... ito ang tawag sa pag-ibig ng mga martir.... bakit kamo nasabi ko? ipapaliwanag ko ng mas simple....
Sa One sided Love, dalawa ang gumaganap, well, tatlo pala... Si martir, s imanhid, at si bf/gf ni manhid... ganito nagsisimula ang isang istorya...
Minsan, may dalawang magkaibigan, si martir at si manhid... matalik silang magkaibigan at sandigan nila ang isa't-isa. Dumating ang panahon na nagkaroon ng konting pagtingin si martir kay manhid hanggang sa tuluyan ng nahulog si martir kay manhid. Sila ang naging magkaagapay kung may problema o may kailangan ang isa't-isa.
Dumating ang panahon na nagkaroon ng karelasyon si manhid. Tinanggap ito ni martir ng bukal sa loob sa pag-asang meron pa ring panahon para sa kanya si Manhid. Unti-unting natuon ang buong panahon ni Manhid sa kanyang karelasyon at kasabay nito ang kawalan hg oras para sa kanyang kaibigan. Sinuportahan pa rin ni Martir si Manhid sa rasong mahal niya ito at masaya na sya kung masaya si manhid.
Nagdaan ang panahon at napunta na ng buong-buo ang panahon at oras ni manhid sa kanyang syota. Naiwan na ng tuluyan ang kawawang si Martir.
Ngunit isang araw, naghiwalay si manhid at ang kanyang syota at agad syang pumunta kay Martir para humingi ng kalinga. Agad syang tinanggap nito dahil nga sa mahal ni martir si manhid.
Naghilom ang sugat at muling nagbukas ang puso para sa panibagong kabanata ng isang pag-ibig. Nagkaroon na nmn ng panibagong relasyon si Manhid at naiwan na nmn ang kawawang si Martir at muling umasa sa kaunting panahon hanggang sa umulit nang umulit ang istorya....
Marami sa atin ang dumaranas nito. Marami sa atin ang umaasang darating ang panahon na ang pag-ibig na inaasam ay makakamit din. Ang iba ibinibigay ang lahat at suporta kahit na ang sakit sakit na. Pero sabi nga ni lola, pag may tyaga, may nilaga. Pero kadalasan hindi ganito ang nangyayari sa One sided Love. Minsan may nagtatagumpay din. heheheh.. ang KORNY no!!! pero ita ang conclusion ko:
Ang pag-ibig di kailangan ng kapalit, basta ipinakita mo na mahal mo ang isang tao at iparamdam sa kanya na mahalaga sya para sayo. Hindi man nya ibalik ang katumbas na pagmamahal, ang mahalaga minahal mo sya kahit ano pa ang meron at wala sa kanya....
BINABASA MO ANG
One Sided Love: Ang Pag-ibig ng mga Martir (Isang Sanaysay)
Short StoryNagmahal ka na ba sa taong manhid?