20 things About me

42 5 6
                                    

1. I hate the smell of perfume lalo yung mga sweet at matatapang na amoy. nasusuka ako. even fabcon ayoko sa damit ko

2. 5 times na akong nakagat ng aso. 3yrs old, 6 yrs old, 9 yrs old, 12 yrs old at 15 yrs old ako. marami na akong patient's card sa RITM sa laguna dahil sa dog bite.

3. May problema ako sa dalawang tuhod ko. tumitiklop bigla at masakit yun kasi minsan umiikot ung knee cap ko.

4. mabilis akong magsawa sa kahit anong bagay. minsan kahit sa tao.

5. Gusto kong magkaroon ng pakpak para makalipad. Idol ko si Maximum Ride (Novel, written by James Patterson)

6. SSB ako. (Single Since Birth) Never pa akong Nagka crush sabi ng VG Leader ko, dahil iba definition nila sa crush. Lalo na yung mainlove. Wala sa bokabularyo ko yun at hindi ko nakikita ang sarili kong magkakaganun. Ayoko nga magasawa eh.

7. Madalas akong mapagkamalan na lesbian dahil ung kilos, pananalita at minsan yung pananamit ko daw parang ganun. At yung bang gestures ko daw, gentleman's duty daw haha.

8. I love all shades of gray, brown and green color (except neon). Ayoko sa pink.

9. 94 lang friends ko sa FB, puro kamag-anak at super close friends lang naka add

10. I Love horror movies at stories. yung mga ghost at patayan lang. hindi ako masyadong fan ng Zombie dahil mukang mejo malayo pa sa katotohanan na mag exist sila pero marami na daw nadidiskubreng brain parasites. Minsan kahit anong takot ko sa sarili ko hindi ako natatakot. well except na lang sa american clowns, They're creepy.

11. Mahilig ako sa pusa. yung pusa naming pinaka matagal na nabuhay noon ay si Antonio Pigafetta de Benito Mussolini Y Adolf Hitler. pag tinatawag namin sya sa buong pangalan nya, lilingon lang sya at malalim na bugtong hininga. sadly Deads na sya.

12. Mahilig akong magbasa ng manga at anime. usual genre ay romantic comedy. I don't have a tick for heavy drama

13. Makakalimutin ako sa pangalan at faces. minsan kahit kakasabi lang nakakalimutan ko agad. Better wear a name tag :)

14. frustraded singer at dancer ako. Concert stage ko ang banyo at kwarto. Minsan sa sala pag walang tao sa bahay.

15. Moody ako sobra. Minsan naiisip kong bipolar na ako. mabilis akong mainis at mabilis lang din naman mawala. Golden rule na natutunan ko kay idol bob ong, pag naiinis ang isang tao, maximum of thirty minutes lang daw ung inis, pag sumobra na dun, nagiinarte na lang yung. Sabi nya yung ah hindi ako.

16. pag galit at naiinis ako, nananahimik lang ako at hindi mamamansin. pag pinilit pa ako at mas lalo akong nainis, sobrang prangka ako magsasalita minsan sarcastic pa. I always watch my words tho, dahil ayong magsalita na pagsisisihan ko din.

17. stress reliever ko ang pagvideoke at pagkanta ng matataas. mga tipong aerosmith at bonnie tyler hanggang aegis.

18. mahilig ako sa old songs 60's- 90's at classics bethoven, wolfgang, liszt etc.,

19. mahilig sa mga spicy foods. Hindi masyadong mahilig sa maalat, matamis, minsan sa maasim. basta maanghang game ako kaso hindi na ako pwede. Bawal daw sabi ni doc.

20. kaya kong magsulat at magbasa ng pabaliktad ung letters.

20 things About meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon