MFW💫22
kinaumagahan ay nagising akong yakap yakap nya ang bisig ko.
Mahimbing na natutulog at tanging kumot lamang ang nakabalot sa mga katawan namin.Marahan ko syang inusog at dahan dahang binawe ang kamay ko, pinulot ko ang mga damit naming nagkalat sa sahig,
Nagsuot ako nang damit ko.nilingon ko sya at matagal na tinitigan,
Napakahimbing ng tulog nya.
Napaka amo ng mukha nya may makinis at malalambot na balat,Sino ka bang talaga?.
Wala ka bang pamilya?.
Hindi ka ba nila hinahanap?.
Paano ba tayo nagsimula?.
At paano tayo nauwe sa ganitong sitwasyon?.
Ano kayang gagawin mo sa akin kung sakaling malaman mo ang totoo.Mga tanong na paulit ulit sa isipan ko,
Paulit ulit na gumugulo at bumabagabag sa kalooban ko,
Hindi ko alam kung gaano na ba ko katagal nakatitig sa mukha nya nang bigla itong magmulat ng mga mata.
Bigla na lang itong ngumiti saakin at hinawakan ang kamay ko."Kanina ka pa gising?"
Mahinang tanong nya nang nakangiti saakinPara naman akong nahahawa sa mga ngiti nya.
"Kakagising ko lang rin"
Nakangiti ring sagot koInalalayan ko syang bumangon
At inabot ang mga damit nya walang kaabog abog naman itong nagbihis sa harap ko,
Nakatingin lang ako sa katawan nya habang nagbibihis sya"Bakit?"
Bigla naman akong natauhan nang bigla syang magsalita
"A-Ah??. W-wala"
Sabi kong nag iwas na ng tingin,Lumabas ako para bumili ng makakain,
Pagbalik ko ay nakaayos na sa loob ng bahay, maayos na ang higaan at nakapagwalis na rin sya.
Masasabi kong maayos at masinop sya sa loob ng bahay at sa mga gamit nito.Nang matapos kaming kumain ay mabilis nyang inayos ang mga damit na labahan,
Maglalaba siguro sya dahil wala naman syang ibang damit kundi yung lang binigay sakanya ni Lily."Maglalaba ka?"
Tanong ko sakanya,
Tumango lang ito saakin habang inaayos ang pag lalabahan nya sa labas ng pinto"Sige tulungan na kita , may tubig pa ba sa drum?"
"Wala na nga"
Kinuha ko ang balde para mag igib sa poso, tamang tama dahil walang nag iigib ngayon.
Mabilis akong nakapuno ng mga drum dahil sa hindi na ako pumipila,
Wala kasing masyadong nag iigib.Ito na ang huling dalawang baldeng iigiban ko,
Buhat buhat ko ang dalawang balde nang mapahinto ako bago pa man ako makarating sa bukana nang pintuan namin"Aira, anong atin?"
Sabi ko at inilapag muna sandali ang mga balde dahil hindi ako makadaan, nakaharang kasi sya sa dadaanan ko"Gabriel wala ka bang pasok ngayon?"
Ani nya"Wala"
Tanong ko, nakita ko mula sa likuran ni Aira si Cristine na nakadungaw na saamin"Busy ka ba?"
"Hindi naman, bakit?"
"Kasi baka pwedeng ipaayos sayo yung bubong banda sa kwarto ko, pati yung gripo sa cr ng kwarto ko, kasi baka daw bukas pa makadaan yung gagawa na kinausap ni Nanay nung nakaraan"
Paliwanag nyaSasagot na sana ako, pero natigilan ako nang makita ko si Cristine na nakatayo na sa bandang likod ni Aira
"May gagawin sya eh"
Mabilis na sagot ni CristineMabilis naman na napalingon si Aira sa pinanggalingan ng boses
Gulat sya nang makita si Cristine sa likod nya, muling nagbaling ng tingin saakin si Aira