Chapter 27

1.4K 26 0
                                    

Irish's POV

Mabilis kaming nakarating sa airport dahil wala namang traffic dahil nga madaling araw pa lang. Nauna na kami ni Stacey na naglakad papasok dahil ang magkapatid na Rivero na daw ang bahala sa mga bitbit namin. Ayoko sana kaso lang ay mapilit si Ricci. Dumiretso kami sa mga bench doon.

"Tagal naman ng flight natin! Ang aga aga niyo kong ginising tapos wala pa naman pala!" reklamo ng isang lalaki na nakasuot pa ng neck pillow. Napangiti ako nang makita kung sino iyon. Aljun Melecio.

Nakita ko namang binatukan siya ni isa sa mga kasama niya. "Hoy! Mas maganda na yung maaga! Baka mamaya maiwan pa tayo ng eroplano!" sabi naman ni Kib.

"Hindi tayo iiwan niyan. Tito ko yung piloto no." biro ni Aljun.

"Excited ka lang mambabae sa Boracay eh!" pang-aasar pa ni Brent at binato niya ng hawak niyang unan si Aljun. Natawa naman ako ng bahagya.

"Hoy igaya mo pa ako sa'yo, Paraiso! Di ako babaero! Loyal ako!" pa-irap na sabi ni Aljun. Saktong pagkatapos niyang umirap ay dumako ang tingin niya sa akin. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at kinusot kusot pa ito na parang hindi makapaniwala sa nakikita. "Tangna? Totoo ba tong nakikita ko o bangang lang talaga ako?" nakanganga niyang sabi.

Lumingon naman ang iba sa akin.

"Putcha oo nga bro, nagdidiliryo na ba ko?" sabi naman ni Kib habang nakangangang nakatingin sa akin.

Ghad, mukha ba kong multo?

Nagulat ako nang pareho silang binatukan ni Brent. "Baliw! Si Irish yan!" sabi niya.

Natawa naman ako dahil sa itsura nila. Para silang nakakita ng multo. Nanlalaki pa ang mata ni Aljun habang si Kib ay halos malaglag ang panga.

"Irish!?" sabay na sabi ng dalawa. Kagat labi naman ako habang tumango sa dalawa. Pinipigilan ko ang tawa ko.

"Putcha si Irish nga!" sabi ni Kib.

"Shet hindi ako bangag!" masayang sabi naman ni Aljun.

Dali-daling lumapit sa akin ang dalawa at mabilis akong sinugod ng yakap. Mabilis din akong yumakap sakanila pabalik. Sa totoo lang ay nahihiya ako sakanila. Bigla na lang akong naglaho na parang bula noon tapos ito ako ngayon, bigla lang ring susulpot.

"Namiss ka namin, Irish!" sabi ni Kib at ginulo pa ang buhok ko.

Nilayo ko naman ang ulo ko at sinamaan ng tingin si Kib. "Namiss ko din kayo pero wag mo namang guluhin yung buhok ko!" reklamo ko na ikinatawa niya.

"Grabe, mas gumanda ka Irish." manghang sabi ni Aljun.

"Thanks." nakangiti kong sabi.

"Pero, masungit ka pa rin!" sabi niya dahilan para magtawanan sila. Wala naman akong nagawa kundi ang pabirong umirap at pagkatapos ay tumawa na lang din.

"Ako ba di niyo miss?" napatingin kami sa lalaking dumating. Dala-dala niya ang bag niya at may nakasabit pang shades sa suot suot niyang puting T-Shirt.

"Andrei!" sabay na sabi nina Aljun at Kib at dali-daling sinugod si Andrei para yakapin. Nakita kong hinalik-halikan din nila ito sa pisngi.

"Tangna bro! Namiss kita!" sabi ni Aljun.

"Bakit ngayon ka lang nagpakitang siraulo ka! Nakakamiss ka!" sabi pa ni Kib.

Nakita kong natawa naman si Andrei at inilayo ang sarili sa dalawa. "Oo alam kong namiss niyo ko. Pero wag niyo naman akong pagkaguluhan! Kung makadikit naman kayo, baka mamaya magselos mga girlfriend niyo!" matawa-tawang sabi ni Andrei.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon