Ikapitong Liham

23 3 0
                                    


Lunes ng umaga nang ika'y makita. Malungkot kang lumalakad bitbit ang isang libro sa pangalawang asignatura. Gusto ko sanang lumapit, ngunit may kung ano ang pumipigil sa akin. Sa huli, napagdesisiyunan ko na dumiretso na lang.

Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong ako'y umiwas. Marahil hindi mo napapansin, dahil wala naman sa akin ang iyong atensiyon. Mas mabuti na ang ganoon para ako'y hindi mahirapan, ngunit magsisinungaling ako kapag sinabi kong madali, na hindi naman talaga.

Mahirap pero kakayanin. Kakayanin para sa akin.

Nakarating ako sa silid na hindi ka nililingon. Panibagong araw. Panibagong pagtitiis. Siguro kailangan ko na masanay ng sa ganoo'y maligtas ang pusong nagpupumiglas.

"Miguel!"

"O, ikaw pala, Lia. Kumusta?"

"Ayos lang. Ano... Puede ba ako makahingi ng tulong?"

"Oo naman."

Nabaling ang atensiyon ko sakanya. Sa ilang araw na ika'y aking iniiwasan, nakatagpo ako ng isang kaibigan. Mahirap sa una, pero kalauna'y nasasanay na. Alam mo naman na hindi ako ganoon makihalubilo sa tao.

Magkakaroon kami ng isang paligsahan sa paggawa ng tula at siya ang pinakamagaling na nakita. Sang-ayon naman ako at piniling tulungan siya. Ganoon lang ang aking ginawa sa mga nakalipas na araw.

"Pero hindi ko pa rin makuha kung bakit ayaw mong sumali. Halata naman kasi na sa lahat ikaw ang namumukod-tangi."

"Wala naman. Ngayon kasi ay hindi umaayon sa akin ang mga salita."

Pinilit ko. Pinilit ko na magsulat, ngunit aking emosiyon ay mas lalong kumalat. Kung hindi malungkot, tungkol naman sa iyo ang naisusulat. Hindi sa ayaw kong iparinig sa madla ang aking tula na para sayo'y aking ginawa. Sadyang natatakot lang ako sa pangyayaring ayaw o hindi ang iyong masasabi.

Lumipas ang ilang oras na walang dumating na guro. Dumiretso ako sa silid-aklatan na dali-dali rin umalis nang maalala ang mga pangyayari. Wari'y isang nagliliyab na apoy ang kumalat sa akin isipan.

Wala akong ibang nagawa kung hindi pumunta sa punong naging saksi sa ating dalawa... o ako lang itong umaasa. Pinili kong umupo sa ilalim ng punong punung-puno ng alaalang pilit kinakalimutan.

Ngunit kung magkakaroon man ako ng pagkakataong baguhin ang mga pangyayari, ay pipiliin at pipiliin ko pa rin na ika'y isama. Bukod sa ika'y mahalaga, ikaw rin ay isang napakagandang alaala. Alaala na pinipilit man na kalimutan, ay babalik at babalik pa rin kalaunan.

"Miguel! Naku po! Sinabi ko na nga ba na kapag wala ka sa silid-aklatan, ay rito kita matatagpuan."

Natigil ang aking pagmumunimuni ng ika'y lumitaw na pawisan at hinahabol ang hininga. Kinapa ko sa aking gilid ang boteng may tubig na aking inigib.

"Miguel. Napapansin ko na iniiwasan mo ako. May nagawa ba ako? Nagtatampo na kasi ako. Hindi ko alam, pero may kulang kapag wala ka. Kaya kung mayroon man akong nagawa, pasensiya na."

May kulang kapag wala ka.

May kulang kapag wala ako? Sus! Hindi na iyon totoo, dahil sino lang naman ako, 'di ba? Isang hamak lang ako na kaibigan na pwede mong lapitan kahit kailan.

Ngunit kung totoo man ang salitang iyong binitawan, aasa na naman ba ako? Kasi ang alam ko, tigil na.

Kulimlim | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon