Heaven 16 ~ Five years ago
“He died. Because of saving a stupid girl” Happy. Kita sa mga mata niya yung galit. Paano nalang kapag nalaman niyang ako pala yung niligtas ni Enzo noon?
Don’t tell me pinagtataksilan ako ni Enzo at si Happy yung babae.
Ngayon ko lang naalala kung bakit familiar si Happy sa akin. Wallpaper dati ni Enzo yung picture nilang dalawa.
Naiiyak ako. Enzo died because of a stupid girl. Which is sadly me.
******
No One’s POV
“Pare anjan nanaman stalker mo”. Sabi ng isa sa mga kaibigan ni Enzo.
“Pssh. Kababaeng tao stalker” iritang irita na sabi ni Enzo.
“Maganda naman siya pare ah!” hirit pa ng isa
“Anong gagawin ko sa ganda kung stalker naman?? Sige una na ako pare” umalis na si Enzo.
Habang naglalakad ramdam padin niya na sumusunod padin sa kanya yung stalker niya.
“Alam mo miss wala akong interes sa babae. Kaya wala kang mapapala sa pang s~stalk sa akin” patuloy na naglakad si Enzo.
“Enzo sandali lang naman!” awat ng babae sa kanya.
“Enzo ka ng Enzo, Liam naman pangalan ko” asar na tugon ni Enzo
“Cielo ka ng Cielo, Helga naman” pang asar na tugon ni Helga.
‘Okay na? Pwede na ako umalis?” sumakay na ng kotse si Enzo.
Nasa bahay na si Enzo irritable padin siya.
“Oy pinsan bakit naka busangot mukha mo? Ampanget mo na!” bati sa kanya ni Lia.
(A/n Lia/Happy/Felicity ay iisa lang. Magpinsan si Liam/Enzo at Lia)
“Hay nakakapagod umiwas sa stalker ko sa school” pumikit si Enzo.
“Arte lang Liam? Bakit panget ba kaya ayaw mo?” pang aasar ni Lia
“Maganda naman siya kaya lang ayoko sa mga babaeng ganun” pangangatwiran ni Enzo
“Uhm sabagay. Panget nga ang ganoon”
Masayang nag kwentuhan ang mag pinsan habang kumakaen at gumagawa ng homework.
“Lia! Andito na sundo mo” sambit ni Alexis.
(A/n Alexis ate ni Enzo/Liam)
“Ang aga naman. Bye Bye Liam, Ate Alexis.” Paalam ni Lia sa kanya
“Sige ingat ka ah”
“Sila ang ingat sa akin! Sige text text nalang” naglakad na palayo si Lia. “Ay tawag tawag pala tamad ako magtext!”
“Kahit kelan tamad ka talaga!”
“Alam ko yan”
Araw araw na sinusundan ni Helga si Liam kahit saan man eto mag punta. Nasanay na si Enzo sa ganitong scenario.
“Enzo. Sino yung babae sa wallpaper ng cellphone mo?” tanong ni Helga sa kanya
“Di ka lang stalker. Chismosa ka pa” asar na tugon ni Enzo.
BINABASA MO ANG
Heaven or Hell [Complete]
FantasíaNaniniwala ba kayo sa REINCARNATION? Paano kung yung taong minahal mong namatay after ilang taon bumalik siya pero bilang ibang tao na. Matatanggap mo padin ba siya?