Prologue

6 0 0
                                    

LYNDON

"What are you doing here?"

I leered at this blonde woman sitting casually in front of me.

Its already 10:30 in the evening. Wala nang ibang customers sa oras na ito. Some of our waitresses are already folding up the table cloths of our café. Ang iba sa kanila nanliligpit na ng mga pinggan para mahugasan.

Istorbo at panggugulo lang ang dala ng presensya ng babaeng ito dito.

She slowly sipped her glass of water and then flashed her fake smile, like the usual. "Oh, come on. Can't you treat your customers right?"

Itinuro niya ang silyang nasa harap niya, motioning me to sit down. "Why don't you have a seat first, Lyndie-love?"

"Don't play games with me, Arianne. Wala akong oras.  What do you want?"

Tumawa siya bigla. "Okay, okay Mr. Busy Guy. I'm here because of this." Pinadausdos niya sa mesa ang isang puting sobre papunta sa direksyon ko. Tinanggap ko ito, at sa aking pagbukas, bumungad sa akin ang kulay asul at dilaw na mga pera. Sa sobrang dami neto ay halos iluwa na sila ng sobreng nilalagyan.

"Its your salary for this month. Pinabibigay ng Daddy ko."

Agad kong binilang ang lahat ng laman ng sobre. Nakakunot ang noo ko kay Arianne matapos kong magbilang. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ba't sobra ito sa inaakala ko?" Tanong ko.

"Oh, that's because he said that you are doing a good job on being a good..." she looked at me from head to toe.  "...employee."

Talaga lang ah?

Nilagay ko ang sobre sa bulsa ng aking asul na apron. "Thanks for the delivery. Makakaalis kana."

"Okay. Oh, by the way, this Café de Lucia is your uncle's property, right?" inikot niya ang kanyang mga mata sa paligid.

"I thought you are doing a good job in managing this? Three years mo na rin itong ginagawa, yet..."  And here goes her insulting glances again. Tinaasan niya ng kilay ang mga iba-t ibang dekorasyon na nakapalibot sa lugar.

"...Why is it still the same? Maliit. Walang masyadong pumupunta. Yung ibang cafés nga sa city kahit 12 midnight may nagkakape pa. Ipasara niyo nalang kaya ito? That's a good management decision, Lyndie-love."

Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya.

Kahit na gusto kong sapakin ang pagmumukha niya, she still has a point. Maliit lang ang Café de Lucia  kung ikukumpara sa mga standard sizes ng competitors. Wala rin masyadong pagkakaiba ang presyo  ng mga nasa menu namin kaysa sa iba. Our only business highlight is the food and drinks that we serve and our view by the seashore. Pero wala ring saysay ang mga ito kung hindi rin naman dinadayo ng mga tao.

But its fine. This set-up is for the best.

"How can you even tell a good management decision kung pagiging amateur model at pagba-bar hopping lang ang inaatupag mo?"  I replied.

She immediately stood from her seat and confronted me.

"I'm saying this not just for this café, but also for you! You should be the one needing to quit games here, Lyndon. Let me remind you, you only have one year left. After that..."

"Alam ko! Hindi ko nakakalimutan! Stop nagging me and just, go away!" Agad ko siyang pinutol sa balak niyang sabihin. Nakakarindi. Paulit-ulit nalang.

She smirked and playfully raised her hands. "Okay! Fine! I'll go. Its not like I'm enjoying my stay in this cheap-skate café, anyway." Tinabig niya ang kanyang baso, dahilan para mabuhos ang lamang tubig nito at kumalat sa kanyang mesa.

Nagpanggap na nagulat si Arianne. "Oops, my bad!"

My jaws clenched tight. Kinuyom ko ang aking mga kamay habang pinipilit kong pigilan ang sarili. Hindi ko siya papatulan. Hindi ko siya pwedeng patulan.

Kinalma ko ang sarili ko at pinanood siyang umalis sa cafè. Nang lumabas na sha sa pintuan ay niligpit ko na rin ang mga kalat niya.

Pumasok ako sa kusina para ihatid ang baso at ang basang mantel mula sa mesa ni Arianne. I checked the whole kitchen. Malinis na, maliban  nalang sa mga kaunting baso na nakakalat sa lababo  na hindi pa nahuhugasan, at sa mga naiwang cupcakes na sobra para sa ngayong araw.

Luminga ako sa kanan upang hanapin ang aking mga empleyado. Nakita ko ang waiter at waitress ko na busy sa pag Yo-Youtube.

"Edward! Donna! Ba't may naiwan pang maruruming mugs dito? Ano, ako nalang ba ang gagalaw?" Utos ko sa kanila.

"S-sorry, Sir!" Gulat nilang sabi at agad na pumunta sa lababo upang manghugas.

Abala ako sa pagliligpit ng cupcakes nang umalingawngaw ang isang masayahing boses ng babae mula sa cellphone na hawak nila kanina.

Napahinto ako sa aking ginagawa at kinuha ang cellphone. "Ano ba 'tong tinitingnan niyo?" 

What they're watching is a girl happily baking her cookies. Pinanood ko siya ng maiigi. Mula sa pagtutunaw niya ng chocolates. Sa pag memeasure niya ng harina, asukal at baking powder. Sa pag biak ng dalawang itlog.

"Ang Choco Lava Cookies ay hindi lang maituturing na isang masarap na meryenda. Masarap rin itong ihanda as a celebration of success. Just like its chocolate filling, our life is full of surprises. Imagine, who would have thought that behind the rough, hard texture the cookie has on the outside..."

Huminto sha para kagatin ang cookies at pinakita sa camera ang nasa loob nito.

"...lies a sweet, chocolatey surprise."

For a baking video, she is surely talkative.

Aaminin ko, maganda siya. Simpleng lang. May mala-tsokolate na mata, na kumikislap sa saya habang ihinahayag ang proseso sa pagluluto. Matangos ang kanyang ilong, at may maliit na mala rosas na labi. Maaliwalas at inosente tingnan ang kanyang mukha. And when I reached the part where she was done baking and she removed her hairnet, her long, brown and wavy hair was racing down towards her back.

Ngunit agad na nabalin ang atensyon ko sa asul niyang apron, na may malaking "L" na nakatahi sa gitna.

"Anong ibig sabihin ng "L" sa suot niya?" Tanong ko kay Donna.

"Short-cut po yan sa pangalan niya sir!" she replied.

Ah, I get it. Her channel name is SweetsniELLE. I also quickly scanned the contents of her channel. Based from her followers and her views from her other videos, I can tell that she's not that big shot of a vlogger yet, but she's starting to rise as one.

"Luh, pinanood niyo hanggang sa dulo, Sir? Type niyo?" Intriga sakin ni Edward, sabay tawa ng kanyang kasama.

Binaba ko ang cellphone.

"Nope. I hate her."

————-
(NOTE: This is a girl point of view story. But for the Prologue, I used Lyndon's POV. Enjoy reading!)

Lost ChocolatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon