Si Elise Sanchez ay isang napakaganda, napakatalino, napakalambing at napakabait na babae. Isa siya sa mga 'ideal girl' ng mga lalaki. Kinaiingitan siya ng lahat ng babae sa kanilang paaralan dahil sa kanyang angking ganda. Hindi nila magawang magalit sakanya sapagkat wala silang sapat na dahilan para gawin ito.Si Andrei Francisco ay isang matalino, gwapo at hinahangaang lalaki. Isa siya sa mga 'ideal man' ng mga babae. Isa siya sa pinakamagaling kumanta sa kanilang paaralan at naging sikat siya sa iba't iba pang paaralan dahil dito.
Tumagal ang relasyon nila ng 4 na taon. Sinusuportahan sila ng kanilang mga magulang. Tinuturing na nila ang isa't isa na parang tunay na mag-asawa, kung tutuusin kasal na lang ang kulang sa kanila.
Lagi nilang binibigyan ng oras ang isa't-isa. Kahit na sila'y nag-aaway hindi nila hahayaang hindi sila magkaayos bago matapos ang araw. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Laging iniisip ng tao na mayroon silang perpektong relasyon ngunit sila'y nagkakamali.
Isang gabi, napagpasyahan nila Elise at Andrei na mag-'moovie marathon'. Habang sila'y nanonood biglang nakaramdam ng hilo si Andrei.
"Elise bababa lang ako saglit para kumuha ng tubig ah" sabi ni Andrei kay Elise, tumango sa kanya si Elise. Hindi nagtagal nakarinig ng pagkabasag si Elise kaya't dali-dali siyang pumunta sa baba. Nakita niya ang basag na baso at si Andrei na nakahawak sa kanyang dibdib. Dali-daling lumapit si Elise sa kanya "Andrei!! Andrei!!" sigaw ni Elise ng mahulog si Andrei sa kanyang mga bisig. Tumawag siya ng tulong at dinala nila ito sa ospitalHabang naghihintay si Elise ng resulta tinawagan niya ang kanyang magulang at ang magulang ni Andrei.
"Elise!!" sigaw ng kanyang ina pagkakita sa kanya
" Mama" umiiyak na sambit niya habang nakayakap dito
"hija ano bang nangyari?? B-bakit siya na-nahimatay??" nag-aalalang tanong ni tito Anthon (father ni Andrei) sa kanya
" Nanonood la-lang po kami ta-tapos sabi niya bababa lang da-daw po siya para uminom, tapos po ma-may narinig po a-akong nabasag tapos nakita ko po siya na nakahawak sa di-dibdib niya" sabi ni Elise habang umiiyakPagkalabas ng doktor lumapit na sina Elise at ang kanyang magulang.
"Doc, kamusta na po ang anak ko?" tanong ni tita Lorraine( mother ni Andrei).
"I'm sorry po pero hindi na po kaya ng puso ni Andrei na mag-function ng maayos kung kaya lagi na siyang napapagod, kapag hindi po naagapan maaari niya pong ikamatay" sabi ng doctor sa kanila.
"Ano po ang pwedeng gawin para maging maayos po yung puso niya?" tanong ni Elise
"Kailangan pong magsagawa ng heart transplant" sabi ng doctor
"Magkano po ang aabutin para po masagawa ang opera?"
"It can cost more than 3,000,000 php."Hindi malaman ng magulang ni Andrei kung saan makakahanap nang ganoon kalaking halaga, kung tutuusin kulang pa ang kanilang ipon.
"Tita, wag na po kayong mag-alala
Pwede niyo naman pong idagdag yung na-ipon po namin ni Andrei sigurado naman pong aabot na po yon" sabi ni Elise para maibsan ang pag-aalala ng magulang ni Andrei.
"hija, maraming maraming salamat talaga"Lumipas ang dalawang araw at muling nagising si Andrei. Niyakap nila si Andrei
"Akala ko iiwan mo na 'ko" sabi ni Elise kay Andrei habang nakahawak ito sa kanyang kamay
"Bakit naman kita iiwan?" nahihirapang sabi ni Andrei. Ngumiti lang si Elise sa kanya. Nahihirapan na si Elise sa situation nila.
"Elise pwede mo ba kaming iwan muna nila mama?" tanong ni Andrei. Kahit gustong mag-stay ni Elise sa tabi ni Andrei ay umalis siya.Hindi mapakali si Elise sa paguusapan ni Andrei at ng kanyang magulang, hindi niya masabi kung bakit siya kinakabahan.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Lumipas ang araw at nagin masaya sila kahit na madalas ng mapagod si Andrei. Minsan nagtataka si Elise kung bakit niya nakikitang umiiyak ang mama ni Andrei. Kapag tinatanong niya naman ang dahilan ang lagi niya lang sinasabi ay "Mahal na mahal ka ni Andrei hija wag mo yang kakalimutan". Kahit na nawiwirduhan siya ay sumasang-ayon na lang siya.•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_
3 araw nang hindi pumupunta si Elise kila Andrei, yun kasi ang sabi sakanya ng magulang at ni Andrei.
Nasa bahay lanh si Elise ng biglang tumawag sa kanya si tita Lorraine
"hello po tita?"
"hija andito kami sa ospital gusto kang makausap at makita ni Andrei"
"po!?? Sige po pupunta na po ako" dalidaling bumaba si Elise at pumuntang ospitalNaabutan niyang umiiyak ang magulang ni Andrei kaya dali dali siyang pumasok sa kwarto nito. Nanlumo siya ng makita niya si Andrei na nakahiga sa kama. "Andrei nandito lang ako pleasee wag kang susuko" sabi ni Elise habang hawak ng mahigpit ang kamay nito.
"E-elise, pa-patawarin mo ako. Hi-hindi ko na kaya"
"Andrei naman eh...may iba pang way, pwede ka naman mag paheart transplant para gumaling ka basta wag mo lang akong iwan please"
"ayoko..ayokong magpaheart transplant...ayokong may buhay na mawala para lang mabuhay ako"
"pleasee Andrei wagg diba nagpromise tayo sa isa't isa na walang iwanan pleasee wag kang bibitaw"
"i'm sorry"•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Elise POV'The saddest part in life is saying goodbye to someone you wish to spend your lifetime with'
Andito kami ni tita Lorraine ngayon sa kwarto ni Andrei para ligpitin na ang mga gamit niya kalilibing lang niya kahapon.
Hindi ako makapaniwala na wala na siya, na wala na yung taong nagpapasaya saakin, na wala na yung taong minahal ko. Masakit sobra. Kahit na mahirap tinitiis ko."hija..." tawag saakin ni tita "may gustong ibigay sayo si Andrei sabi niya saakin na ibigay ko daw to saiyo kapag wala na siya" binigay saakin ni tita ang isang USB "sa tingin ko ngayon mo na pwedeng malaman kung ano ang laman niyan.. Labas muna ako para mapanood mo yan"
"salamat po" pagkatapos kong sabihin yon kay tita lumabas na siya ng kwarto. Nanginginig ang kamay ko habang sinasaksak ang usb sa laptop. Hindi ko malaman kung bakit ako kinakabahan.Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing pieceSo as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now till my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
TonightNaiyak ako...narinig ko na naman ang boses niya ang boses niyang hinahangaan ko
"Elise...alam ko kapag napanood mo to wala na ko. Masaya ako, masaya ako na nakilala kita bago ako mamatay. Matagal na kong may sakit sa puso simula pa noong bata ako. Pero di namin aakalain nalalala siya. Patawad kasi nilihim ko sayo. Salamat kasi dumating ka sa buhay ko. Sana sana wag ka nang malungkot, wag ka nang maging malungkot kasi wala na ako. Lagi mong tatandaan na wala man ako sa tabi mo alam kong alam mo na nasa puso mo ko lagi. Maiintindihan ko kung may mamahalin kang iba. Buksan mo yung puso mo sa ibang tao wag mong hahayaan na maging iba ka dahil wala ako. Mangako kang magiging masaya ka kahit wala ako. Mahal na mahal kita Elise sobra."
May mga picture na pinakita, mga pictures namin na magkasama na masaya na walang iniintinding iba.
"miss na miss na kita Andrei. At pangako susubukan kong maging masaya, hindi man ngayon kasi nandito parin yung sakit ng pagkawala mo pero malay natin unti-unti siyang mawala. Mahal na mahal din kita Andrei sobra"
‛It's painful to say goodbye to someone that you don't want to let go. But it's more painful to ask someone to stay if you know that they really need to go'
End
YOU ARE READING
The Last Goodbye (One Shot Story)
Short Storygoodbye is very painful if you know you will never see them again