Who: All Students of Shiozuka University
What: Shiozuka Jaguars Men's Basketball Championship Victory Party
Where: Shiozuka University Sports Field
When: October 19, 2014, 7:00 pm
Nagpulong ang ilang estudyante para makita ang nakasulat sa bulletin board, pagkatapos ng madugong final exam ay magkakaroon ng victory party, ito ay dahil sa nagchampion ang Men's Basketball Team ng Shiozuka University
"Wow, siguro magiging masaya ito"
"Pupunta ka ba bes?"
"Oo, gusto ko rin makita ang mga players ng Shiozuka ehh"
Sa administration office ay kinausap ni Coach Kyle ang isa sa mga Student Council na nagplano sa nasabing party.
"20 years ang last victory party ng Shiozuka, ngayon mauulit ulit coach"
"Oo nga ehh, masaya ako sa ipinakita ng mga batang iyon this season, kaya deserve nila ang kasiyahang ito" –Coach Kyle
"Ano po bang feeling nung panahon ninyo?" tanong ng estudyante.
"Masarap sa feeling nung nagchampion kami dati, suportado kami ng lahat ng mga estudyante at alumni ng Shiozuka na naging boost namin dati, yung championship namin dati, hindi lang para sa amin, kundi para sa lahat ng estudyante ng Shiozuka" –Coach Kyle
Isa si Coach Kyle sa mga nag organize ng event na ito para sa lahat ng estudyante ng Shiozuka, sinabi niya na deserving ng Shiozuka Community ang ganitong event dahil sa walang sawang suporta ng mga estudyante.
MEANWHILE
Nessan's POV
Meron daw victory party ang Shiozuka Jaguars bukas, at invited raw ang lahat ng mga estudyante. Ang saya! Gusto ko nang mag-bukas.
"Pupunta ba kayo?" tanong ko sa mga classmates ko.
"Syempre naman"
"Matagal nang di nagchachampion ang Shiozuka at ngayon nanalo na sila ng championship, saka libre naman kaya G ako"
"Wala na rin namang klase ehh"
"Hmmm kayo Ian?" tanong ko sa dalawa.
"Hmmm di ko sigurado ehh" –Ian
"Huh? Ehh isa ka sa mga players diba?" –Lorraine
"Alam ko na, iniisip niyan na babagsak siya kaya nawalan ng ganang magparty hahahaha, aminin mo na" –Lucas
"Kung makalait ka parang wala kang bagsak ahh" –Ian
"Ops ops chill lang, dapat nagsasaya tayo ngayon ehh" –Lorraine
Tumayo si Ian sa kinuha ang bag niya. "Basta hindi ako makakapunta bukas, uwi na ako" Umalis na si Ian at iniwan kami, nagtampo kaya siya?
"Heto kasing si Lucas ehh, kahit kailan talaga" siko ko sa kanya.
"Ehh malay ko bang magtatampo siya ehh" –Lucas
Nung nawala na si Ian sa paningin namin. "Pero totoo nga bang may bagsak siya?" singit ni Lucas, ito talagang baklang ito.
4 PM
Tapos na ang class namin, ito na ang second to the last day for this semester tapos tomorrow ang term ender party, at iyon ang championship victory party ng Shiozuka.
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AcciónSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...