Angel's POV
Finally...
I'm here
Standing in front of two large wooden doors
One of the most admirable places in Martell University.
A place called...
The Martell Athenaeum
O diba ang dramatic ng introduction ko. Pwede na ako maging narrator.
No more extra drama! Papasok na ako sa pinto ng ANTENIUM or basta....
1..2..3..
Open sesame!!!
Bat parang ang bigat ng pinto??
Hindi ko pa mabuksan!!
"Come on open up!" Sabi ko habang hinihila ang pinto
"Okie ka lang girl? Mukhang hirap na hirap ka na.." nag-aalalang sabi ni Danielle
"Ok lang ako. Kaya ko to!"
"Sure ka sis? Ako na--"
"No! Kaya kong buksan to! Hindi ako mahina!"---------
Yan ang sabi ko 2 minutes ago..Sa huli, sumuko na ako sa pagsubok na buksan ang pinto
"Alam kong napakayaman ng university na to pero bakit kailangan niyo pang maglagay ng napakalaking pinto at pagsabigat naman!!!!" Reklamo ko
Nagtinginan tuloy sakin ang mga tao ng saglit bago nila ipinagpatuloy ang paglalakad
Napabugtong hininga si Danielle at hinawakan niya ang doorknob.
Bigla kong naramdaman ang malamig na hangin na nanggagaling sa loob ng library.
Nabuksan ni Danielle ang pinto...
"Paan--"
"It's a push girl... not pull"Ganun ba....
"Ladies first" alok ni Danielle
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Umuko ako kasi feeling ko sobrang pula ko ngayon
Kasi naman!! Nakakahiya! Lutang ako ngayon
"Come on Angel. Let's go" pagpupumilit sakin ni Danielle
Feeling ko maiiyak na ako sa sobrang hiya ko. Lord kunin ko na ako!
Hinawakan ni Danielle ang dalawa kong kamay
"Naging ganyan din ako noong una akong pumunta dito. The difference is mas nauna kong narealize na push door yon kaysa sayo"
"Alam ko.." sabi ko
"Pero..." Paghabol niya"You should've seen your face. As in gulat na gulat ka at sobra mo pang pula! HAHAHAHA KALERKY KA GIRL"
Pang-asar niya sakinBaklang to -_- ARGH
Bumitaw ako sa pagkahawak niya sa kamah ko.
"HAHAHAHA OMG YOU'RE SUCH AN AIRHEAD" asar niya ulit sakin na may papalakpak pa. Tumitingin sa kanya ang mga tao dahil ang lakas ng tawa niya. Pasalamat siya wala pa kami sa loob ng library
"Haaaah. HAHAHAHAHA ang sakit ng tiyan ko. Kakaloka ka!"
Nakakaasar na siya kaya hinampas ko siya sa braso ng malakas.
"OUCH! What the-- What was that for?!" Tanong niya sakin
"Para yan sa pang-aasar sakin!"
"Ok? Pero ang sakit kaya non sis. Just be glad that I even help you open that door kundi aabutin ka ng 10 minutes bago mo pa mabuksan"
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect Squad: Welcome To Martell University
De TodoMartell University, isa sa mga kilalang paaralan sa buong mundo. Sa paaralan may iba't ibang ugali at katangian. Pero may isang grupo na naiiba sa lahat. Tinuring na silang "perfect" subalit may flaws at imperfection din sila. Dahil... Sa isang baka...